Chapter 8
Sinundo kami ni Reegan sa bahay dahil nang-invite ang barkada nila ng isang night out para sa pa-welcome party nila kay Cassey.
It was two days after ng Opening ng Tuna Festival kung saan halos free umano silang magbabarkada na pumunta, at ayun, damay na naman ako.
Seven ang out ko at day-off naman ni Bessy kaya pagdating ko sa bahay ay ready to go na kami. Nagbihis lang ako saglit at lumabas na agad kami. Buti nga at napakiusapan ko si Bessy na sumama.
After kasi nang nangyari sa Plaza ay di ko pa ulit nakikita at nakakausap si Trex. Even the invites tonight, si Reegan lang din ang nagpaabot sa amin
Ayoko talagang sumama, I know hindi manhid si Reegan para hindi ma gets ang dahilan kaya lang, talagang pinuntahan ako nina Ecca at Rose kaninang lunch, just to remind me about this party. And so I would meet Cassey na din daw.
Alas siyete y medya na din ata kami dumating sa Gensan View Resort. Kotse ang dala ni Reegan nang sunduin kami. Nasabi ko din kasing sasama lang ako kapag kasama si bessy.
Matapos maipark ni Reegan ang sasakyan ay kaniya kaniya na kaming baba bitbit ang mga gamit namin. Hanggang 12 midnight lang ang Resort kaya may assurance pang makakapagpahinga kami tomorrow ng madaling araw before ng duty namin ni bessy.
Pumasok akong nag-aalangan at kinakabahan dahil na rin sa eksenang maaari kong madatnan.
Cassey, she's pretty. Na e stalk ko sa IG pati sa friend's list ni Reegan at Trex. Sa Germany pala ito nag-aaral sa kasalukuyan base na rin sa mga posts niya. Yung maganda, maputi, balingkinitan tapos sobrang bait pa.
Masyado siyang mabait sa mga replied comments sa mga posts niya. Ganun, kaya feeling ko ang bait niya.
At ang nakakaloka pa, na mas nagpasakit sa puso ko at nagpamaga ng mata ko ay yung katotohanan sa likod ng IG name nito.
CasseyLoveDy - My at Dy pala tawagan nila dati nung sila pa at patunay dun ang mga litrato nila noon with full of love captions.
Kung ganon pala nila kamahal ang isa't isa noon, bakit sila naghiwalay? Edi sana diba, di ako nagkakaganito ngayon.
Eh ano ba ang dapat kong gawin kung sakaling makita silang pareho na magkasama? Aaktong nagseselos na girlfriend, tampu tampuhan? Oo alam ng mga barkada nilang kami pero isa sa mga pumipigil sakin na gawin yun ay ang kadahilanang baka isampal sakin nito ng harap harapan na hindi naman talaga kami.
Pero para saan pa nga ba yung sinasabi nito sakin dati na "Let's make things right" at ang pa sweet na dinner and movie dates. Was it just for fun o dahil bored lang siya? At nang dumating na ang tunay na mahal nito ay echapwera na ako sa buhay niya, ganun?
Para akong maiiyak sa naiisip. Tama ba tong ginagawa ko? Para kasing tinutulak ko pa ang sarili na masaktan ng husto.
Pagkarating namin sa cottage nila ay sinalubong agad kami ng mga kaibigan nila.
"Ailyn, buti nakapunta ka. Akala namin hindi ka isasama ni Trex. Asan na siya?" Si Ecca ang nagtanong.
"Ako sumundo sa kanila, nakikita mo ba?" Parang inis na sagot ni Reegan na iniayos ang mga gamit sa upuan at prenteng naupo dun.
Para namang natahimik sila sa inasal ni Reegan kaya walang umimik na tila may isang lihim sa likod ng pagkainis ni Reegan at ng katahimikan nila.
"Ahmmp. Kaibigan ko nga pala si Kristin." Pang-iiba ko ng usapan at pagpapakilala sa kaibigang alanganing nakatayo sa tabi ko.
"Ahmmp, hello." Bati ng bessy ko. Binati naman siya ng iba kaya bumalik ang kaninang ngiti bago kami dumating.
"Kain na muna kayo. Galing ka pa ba sa trabaho Ai?" Alok tanong ni Rose sabay lahad ng mga paper plates sa amin.
BINABASA MO ANG
SOX 1: My Happy Ever After
Historia Corta"Gusto kong pumunta sa DisneyLand, kung saan may Faraway Land na may maraming Prince Charming." - Ailyn Claraval Date Started: November 22, 2017 / March 6, 2018 Date Ended: August 29, 2018