MHEA - 7

182 7 5
                                    

Chapter 7





"Hoy bessy ha, basta later. We will go gala gala sa plaza. Call me or call me. Your choice!" Habilin ni bessy sa akin dahil out ko na ng seven.

"Yesh bessy!" Natatawa kong sang-ayun.

Mas mauuna kasi akong mag out sa kaniya at dadaanan ko na lang siya dito mamaya para sabay kaming pupunta sa plaza para maggaga gala.

Closing kasi ngayon ng Tuna Festival dito sa Gensan. Local holiday din kaya madaming tao sa mall dahil walang pasok.

Nagpaalam na ako sa kanila na uuwi para makapagbihis na muna at makapagpahinga. At timing din, restday ko bukas kaya naman, keri lang gumala hanggang umaga, hanggang mapagod. Pero bagu pa ako makalabas ng tuluyan ay tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko yun sa loob ng bag bago sinagot. It was Trex calling.

"Hello?"

"Asan ka? Out mo na?" Sunod sunod nitong tanong.

"Ahh, kaka out ko lang, pero nasa store pa ako." Sunod sunod ko ding sagot nang may tumikhim sa likuran ko na ikinalingon ko.

Si Bessy pala na may nanunuksong tingin. Pinandilatan ko nga, kung ano ano na namang iniisip.

"Okay, I'll pick you up." Maya'y sagot nito.

"Hala, teka, wait. Bakit?" Awat ko.

"The gang wants to hang out tonight. Gusto ka nilang isama." He directly said.

"Oh-kay! Pero sandali, uuwi muna ako at magbibihis."

"Sa bahay mo na lang kita susunduin. I'll drop the call now, I'm driving."

Hindi na ako nakasagot pa dahil sa namatay na ang linya.

"Aba, may date kayu bessy, ha? Ha?" Pangungulit sa akin ni Bessy kahit may binabantayang customer dun.

"Hindi no, kasama daw mga kaibigan niya. Pero text mo ko mamaya kung out mo na, para may kasama ako." Baling ko dito.

"Ma o-OP lang ako niyan, for sure."

"Baka ako ang ma-OP sa kanila, kaya wag ka ng arte arte. Maganda lang tayo, hindi maarte." Natatawa kong pahayag at kumbinsi dito.

"Oo na, maganda na kung maganda. Maliit na bagay." Sang-ayun nito."Tsuppeeeh na, masamang paghintayin ang Prince Charming magandang Prinsesa." Sabi pa nitong yumuko ng bahagya na parang nagpupugay sa isang Royalty.

"Oh siya, tagapaglingkod. Aalis na ang kamahalan." Sakay ko sa kalokohan nito na natatawa at natawa na din siya ng bongga kaya napatingin sa amin ang customers.

Napa escape na ako agad dahil nakakahiya yung tawa namin, ang lakas. At tsaka baka mauna nga si Trex sa akin sa bahay, naku talaga.

















----------------- 🚶🚶
















"Whoah!" Sabay sabay naming sigawan habang nagliliwanag ang kalangitan dahil sa pa fireworks ni Mayor.

Nasa parking Area kami ng Plaza Heneral Santos habang ang Fireworks naman at ang Party zone ay nandun sa Oval Plaza. Madami kasing tao at siksikan sa Oval Plaza kaya nagdecide ang mga kaibigan ni Trex na dito na lang sa Parking Area tumambay muna. Katatapos lang din kasi naming kumain at nagdecide na manood muna ng Fireworks.

"HAPPY TUNA FESTIVAL!" Hiyawan nila at nagtawanan ng malakas di alintana kung madaming nagsilingon sa gawi namin.

"Uie, tumawag pala si Ken, nandun na daw sila sa Gastro at may table na tayo." Anunsyo ni Eros na isa dun sa mga nakilala ko nung birthday ni Kit.

SOX 1: My Happy Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon