siete

1.2K 19 3
                                    

M I A

Kakalabas ko lang ng cr at kakatapos ko lang maligo.

Nagbihis ako ng puting sando at shorts, dahil linggo naman ngayon at wala akong trabaho.

Habang pinupunasan ko ang mga buhok ko, lumapit si Ely at may inilagay sa ibabaw ng lamesa.

Pinagtimpla nya ako ng kape.
That thought made me smile, and he smiled back to me.

E L Y

Kami lang dalawa ni Mia ang nasa bahay ngayon kasi si Tita Insiang at Tonying ay magkasamang nagtatrabaho pa sa Sitges.

Ayokong nakikita syang malungkot, ewan ko ba kung bakit na-aapektuhan ako ng ganito.

Sa kasulukuyan nasa harap ako ng computer at naisip kong kunin ang cd ng animation film ko, na gustong gusto nya.

Nung last time na pinanood nya 'to ay walang permiso ko, nagalit ako agad sa kanya at alam ko na dapat hindi ko ginawa yun at hindi ko sya dapat sinisigawan. Ano ka ba kasi Ely!

Lumapit ako sa kanya na kakatapos lang magsampay ng mga damit sa terrace.

Iniabot ko yung cd, at agad napaawang ang bibig nya sa tuwa at gulat.

"Pwede ko ba 'to panoorin ulit?"

Tumango ako at ngumiti.

"Will you love me now?"
"Not yet. Be patient."

Kakatapos nya lang manood, tumayo sya at lumapit sakin sa terrace habang pinapahid nya ang mga luha nya.

"Alam ko na kung bakit iyak ako ng iyak sa kwento mo. Kasi pareho kaming naghihintay. Naghihintay na mapansin, makilala, naghihintay mahalin.
Ang pinagkaiba lang, hindi ako ganyan katiyaga maghintay. Pagod na ko maghintay na sabihin din ng papa ko na proud sya sakin."

"Bakit hindi mo totohanin yung hinihintay mo?" I asked.

"Hindi ko naman talaga gusto mag-law, pinagbigyan ko lang sya noon. And we both know what happened." She smiled bitterly.
"Kaya kailangan ko maging successful dito sa Barcelona. Gagawin ko lahat, ayoko umuwi doon ng walang nangyari sa buhay ko."

Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya para paharapin sya sakin. She was still crying. I slowly wiped her tears from her cheeks.

"Maswerte ka Mia, buo ang pamilya mo at kahit malayo ka, mahal na mahal ka nila at nagaalala sila lagi sayo."

She nodded to me and looked straight to my eyes.

"Eh ikaw ba't ka ba nandito?"

Napabitaw ako sa mukha nya. Umiwas ako ng tingin..

"Dahil kay Celine? Sya ba yung babae doon sa animation mo?"

Napabuntong hininga ako at pumasok sa loob.

"If you live long enough, if you work hard enough, I  just might tell you who she is."
Were the only words who came out from my mouth.

"Dare ba yan? Okay game ako dyan!" And she smirked. Damn, I like that kind of Mia.

Barcelona: A Love Untold (special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon