diez

1.2K 24 0
                                    

M I A

"Parang Sagrada ba si Celine? Pagibig na hindi matapos-tapos. Pinapatagal pa."

I said and smiled bitterly, while looking at the beautiful Sagrada Familia. Ely looked at me, confused.

"Vamos? Let us proceed!"

Nauna nalang ako at itinour ang mga turista. Iniwan ko syang tulala parin at mukhang malalim ang iniisip.

After the day he hugged me and said he missed me, he started acting weird. Parang iniiwasan nya na ako.

• • • •

Binuksan ni Ely ang pintuan ng apartment at pinapasok muna ako, bago sya. Kakatapos lang ng raket namin at hapon narin.

"Ah sya nga pala Mia bukas na yung prenup shoot na sinasabi ni RJ. Maaga tayo bukas."

"Okay." Sagot ko at pagkatapos ko magbihis, dumeretsyo nako sa terrace para magsampay.

Nakita ko naman si Ely na mukhang may ka-videocall sa computer.

E L Y

Agad kong binuksan ang computer at tinawagan si Tatay.

"Nasa clinic kami. Nakuha ko na yung resulta ng eye scan ni Buboy."

"Okay lang ba sya tay?"

Habang nagsasalita si tatay, napatingin ako kay Mia na nagsasampay sa terrace na nakakuha ng atensyon ko, mula paa hanggang ulo...

"Okay daw, pagtapos daw ng operasyon magiging okay naman daw. Ang problema gastos nanaman yun. Nagastos ko na nga yung perang padala mo sakin."

Magsasampay lang ng damit, bat kailangan ganun ang suot? Ang iksi iksi ng short at ang baba ng pangitaas. Basang basa na sya sa tubig, eh paano kung may ibang lalaking makakita sa kanya dyan sa labas?

Napalingon sya sakin at napansing nakatitig ako sa kanya kaya umiwas ako ng tingin.

"Sige tay, pagiipunan ko nalang."

"Madali naman lahat yan eh, puntahan mo nalang nanay mo."

"Tay wag na tayo mangutang kay nanay."

"Oh bakit? Kung di dahil sa mga doliar na naipon ko sa Saudi hindi sya makakarating dyan sa España! Pera ko yung ginastos nya! Pero ano ginawa nya? Pinagpalit nya tayo dun sa mga español!"

"Tay wag ka naman maingay."

Saktong sakto biglang dumaan si Mia at nakita ni tatay.

"Sino yan? Si Celine ba yun?"

"Hindi ho tay, si Mia ho yun. Kasamahan namin dito."

"Tawagin mo nga! Tawagin mo!"

"Wag na!" Bulong ko.

"Hi po good evening!" Sabi ni Mia na bigla biglang sumusulpot.

"Pasensya ka na iha ha. Kamukha mo kasi si Celine eh."

"Sino ho si Celine?"

Buti nalang may kumatok.

"Mia may tao sa pinto." Sabi ko sa kanya.

"Sorry excuse me po." Saka sya umalis para pagbuksan sila Tita at Tonying.

"Hoy Elias, baka naman sitahin mo yung babaeng yan. Malalagot tayo sa mga magulang ni Celine. Baka sabihin eh wala pa dalawang taon pinalitan mo na yung anak nila."

"Sige na tay papadala ko nalang ha?" Sabi ko sabay sarado ng computer. Hindi pa 'to ang oras para pagusapan yung mga ganung bagay.

Tumayo ako at kumuha ng isang malaking towel at ipinulupot ko kay Mia.

"Magbihis ka na."

























Feel free to vote and follow me!

Please comment your feedbacks, so I can improve this story! I want to hear your opinions :)

Sorry kung ngayon lang nakapag-update after so many long time. So ayan, pinagpuyatan ko na dito time check 02:38am na! Goodmornight from Rome! 🤗

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Barcelona: A Love Untold (special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon