ocho

1K 20 1
                                    

E L Y

"Puedes imaginar las dificultades de cambiar esta ciudad.."

Tumunog ang phone ko at tinignan agad yun.

"Perdón, perdón.." I excused to my prof who was explaining.

I saw Mia's message kasama ang selfie nya na katabi ang inidoro.

"Hardworking! Sasagutin mo na ba ako?"

Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.

"Nanliligaw ka ba?" I replied.

M I A

"Ayoko nga dun ma! Anong gagawin ko sa Mallorca ang layo layo nun!"

"Ano ka ba! Malaki ang pasweldo dun hindi ka nagiisip!"

Rinig kong naguusap ang mag-ina.
Oo nga pala, sasama nga pala ako kay Tita Insiang sa Mallorca para magtrabaho, pero hindi ko pa alam kung ilang araw kami doon.

Pumunta naman ako sa kusina at nakitang nagluluto si Ely.

"Hmm.. Bango ha!"

"Ops! En español?"

"Hmm.. Huele bien!" I said confidently.

"Okay." He smiled.

"Meron pa akong isang alam sabihin sa español." At lumapit ako sa kanya.

"Quien es Celine?"
(Who's Celine?"
I asked.

"No me preguntes mas eso."
(Don't ask me that anymore.)
He replied.

Napasimangot tuloy ako at nakangiti naman sya ng nakakaloko habang nagluluto.

E L Y

Kakauwi ko lang sa bahay at narealize ko na magisa na naman ako dito ngayon.

"Paano ba yan? Tayong dalawa na naman ang naiwan dito." Sabi ko kay Celine sa harap ng computer.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang nagiisang gustong gusto ko ng makausap.

"Hello Mia? Kamusta? Uuwi na ba kayo dito bukas?" Tanong ko.

"Okay naman kami dito, Ely. Sabi ni Tita Insiang hindi pa daw kami makakauwi dyan sa Barcelona."

"Nanaman?! Ilang araw na yan ha!" Napabuntong hininga ako.

"Eh kasi nga marami kaming guests ngayon, eh inoffer pa ko rumaket sa isang resort ni señor. Sino ba naman ako para tumanggi diba?"

"Sipag ah.." I smiled.

"Para sagutin mo na ako.."
..kung sino si Celine."

Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"Sige na, goodnight na Mia. Tawagan nalang kita ulit, magiingat kayo dyan."

Pagkababa nya ng telepono, napatingin ako kay Celine na nasa computer, umiwas nalang ako ng tingin at pinatay iyon. Hindi ko na alam kung ano 'tong nararamdaman ko, hindi ako ganito at ngayon ko lang 'to ulit naramdaman...

Barcelona: A Love Untold (special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon