You don't just slap and grab a Villa Monte
Pag pasok ko pa lamang sa loob ng eskwela ay natanaw ko na agad ang mahabang pila sa college registrar.
Isang linggo na lamang kasi ay pasukan na kaya maaaring ngayon lamang sila mag-eenroll para sa sem na ito. Mabuti na lamang dahil mag kahiwalay ang registrar ng high school sa college.
Nag simula na akong maglakad papunta sa mahabang pila sa loob ng registrar office dahil baka lalo pang humaba ang pila at matagalan ako.
Pag pasok ko pa lamang ay rinig ko na ang malalakas na tawanan ng mga lalaki at hagikhikan ng mga babae.
Luminga- linga ako para hanapin kung nandito pa sila Vaughn at Druex ngunit na bigo ako. Baka kumain muna sila bago mag enroll dahil sa haba ng pila.
'Dapat pala sumama nalang ako sa kanilang dalawa' sabi ko sa isip ko dahil wala akong kakilala ni isa sa mga estudyante na nandito sa loob ng registrar office.
Habang nasa pila ay hindi ko maalis ang tingin ko sa lalaking nasa gilid ko lamang kasama ang kanyang kaibigang mga babae at lalaki habang nag tatawanan.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa lalaki ng bigla siyang tumingin sa gawi ko. Marahil ay naramdaman niya na may nakatingin sa kanya.
Lumipas ang isa at kalahating oras bago ako papasukin ng babae sa isang office.
"Good Afternoon ma'am." Bati ko ng papasukin niya ako sa kanyang office.
Isang tipid naman na ngiti ang isinukli niya sa akin bago mag salita.
"Good Afternoon hija, "
"Elena Zephyrine Villa Monte?" Banggit niya sa pangngalan ko. "Ikaw ba ang kapatid nila Druex at Vaughn?" Tanong niya sa akin.
"Yes ma'am, kilala niyo po sila?" Tanong ko rin. Hindi na ako nagulat dahil kilala talaga ang dalawa kong kapatid dito sa kanilang eskwela.
"Of course hija, everyone in here know them too well. Laging pinapatawag ang parents niyo kapag may ginagawa ang dalawang iyan na kabalastugan." Sagot niya sa akin na tila natatawa pa habang inaalala ang mga ginawa ng kapatid ko dito.
Natawa naman ako ng bahagya dahil sa sinabi niya.
"Teka?, nasa huling taon ka na ng college mo bakit ka pa lumipat dito?" Takang tanong niya sa akin matapos basahin ang form na ibinigay ko sa kanya.
"Uhm... Yes po, last year ko na sa college ngayon pinalipat po kasi ako ni Mommy and Daddy dito para makasama ko sila dahil sa Bulacan po talaga ako nag- aaral." Paliwanag ko sa kanya
Tumango tango naman siya dahil mukhang kuntento na siya sa sinabi ko.
Nag simula naman siyang tanungin ako ng mga bagay bagay at may pinasagutan narin siya sa akin tungkol sa course kong Fine arts.