Nakakahiya!
Bumuntong ako ng hininga ng maalalang mayroon ng pasok kinabukasan.
Maaga akong gumising ngayon dahil hindi pa ako nakapapamili ng mga gamit para sa dadating na pasukan. Ganun narin ang dalawa kong tamad na kapatid. Kaya naisipan kong pumunta sa kwarto ni Drudex upang mag pasama sa kanya upang may taga- bitbit ako ng aking mga pinamili. Tsaka para hindi na rin ako mahirapan para mamaya.
Nag simula akong mag lakad patungo sa kwarto ni Druex. Mag kalapit lang ang kwarto naming dalawa kaya hindi na ako nahirapan pa.
Kumatok na muna ako bago pumasok sa loob ng kanyang kwarto.
Tumambad sa akin ang tamad kong kapatid na nakahiga sa kama niya at tulog na tulog.
Umubo- ubo pa ako upang maalimpungatan siya sa pag kakatulog at sa awa ng Diyos ay magising sa mahimbing na pag kakatulog niya.
"Tsss... Sleeping Beauty. You need to wake up." Natatawang bulong ko sa sarili.
"Hey kuya, wake up." Sinadya ko talagang lagyan ng 'kuya' at lambingan ang boses ko upang mapilitan siyang samahan ako.
Who can resist a Villa Monte?
"Hey kuya Druex, please wake up." Sabi ko ulit. At mas lalong nilakasan ng kakaunti ang aking boses.
"I'm still sleepy Zephyrine!" Pagalit niyang sabi. Halatang antok antok pa siya dahil sa kanyang boses.
"Please kuya, Samahan mo ko sa mall bibili ako ng gamit ko may pasok na bukas e," Paki- usap ko muli na may halong pag mamakaawa ang boses.
"Tawagin mo nalang si Vaughn." Maikling utos niya sa akin.
"I don't want to go with him. He is so annoying." Pakunwari'y sabi ko sa kanya upang mapapayag siya sa pag sama sa akin sa mall.
"I.Dont.Want." maikling sambit niya sa isang matigas na tono.
Nag kunwari akong umiiyak dahil sa sinabi niya nilakasan ko ang aking hikbi upang marinig niya ng sa ganoon ay makonsensya siya at samahan na ako sa pamimili.
"Are you crying?" Nag aalalang tanong niya ng bigla na lamang bumangon mula sa pag kakatulog.
Ang kaninang iritado niyang mukha ay napalitan ng pag kagulat at awa.
Well, that's the key upang mapapayag si Druex. Cry. Upang maawa siya at kalauna'y papayag din siya. Just wait and see.
"No, mag isa na lang akong pupunta sa mall." Sinadya kong paitan ang tono ng aking salita upang lalo lang siyang makonsensya.
Call me childish but I don't care.
"No, sasamahan na kita."
"Hindi na kuya, Okay lang talaga ako nalang mag isa ang mamimili." Malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Sinadya kong ngumiti ng malungkot sa kanya upang samahan na niya ako.
