Prologue

10 1 0
                                    


THE CALL

Nagising ako sa ingay ng isang bagay na hindi ko matukoy, pagbukas ng aking mga mata, kisameng puti ang tumambad sa akin. Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang aking mga paa at naglakad palabas ng silid. Lumingon lingon muna ako sa paligid bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

Habang naglalakad, napatingin ako sa isang gawi sa hindi malamang dahilan, para bang may sariling utak ang ibang bahagi ng aking katawan at kusa nalang gumagalaw. Pagtingin ko sa gawing iyon, biglang tumindig ang aking mga balahibo sa kadahilanang gumagalaw ang mga kurtina, tumingin ako sa kanan at kaliwa upang tingnan kung may tao ngunit, wala. Dahilan upang muling tumindig ang aking mga balahibo.

Nakarinig ako ng kakaibang tunog na aking naging hudyat para tumakbo paalis sa lugar na iyon.

Takbo lang ako nang takbo hanggang sa hindi ko na namamalayan ang aking tinutungo. Pagod na pagod na ako sa pagtakbo ngunit hindi ko pa rin ito itinigil dahil pakiramdam ko'y may humahabol sa akin.

Nang maramdaman kong wala nang humahabol sakin, tumigil na ako at tumambad sakin ang isang kwarto na pakiramdam ko'y kakaiba, tumingin ako sa bandang itaas kung ano ito at laking gulat ko nang nakasulat ay...

... MORGUE

-

Death is inevitable, nothing and no one can stop it. Everyone will die, naturally or savagely. Every day can lead us to death, even if we're just sitting. Everyone is afraid of it, they treat it as a threat, but what can we do? its NATURAL. Death is the end, yes. It is the end of our sufferings on Earth. But it is the beginning of our everlasting life in heaven...but, is there such thing as heaven?
-

This story is a work of fiction.
Names, characters, places, incidents and events are products of the author's imagination and used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead is ENTIRELY COINCIDENTAL.

The CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon