TC: 3

3 1 0
                                    




TC 3: Secretary

Hirap akong kumilos dahil sa paa kong naipit kaya nalate ako sa trabaho ko. Uh, for sure mapapagalitan ako ng maarte kong boss. Uh.

Kung hindi lang malaki ang sweldo ng pagiging sekretarya niya, hindi ko iiwan ang pagiging journalist ko.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng apartment ko. Pagkalabas ko ay may nakita akong ulo-ng pusa. Titili na sana ako ng may makita akong pusang walang ulo na dumaan sa harap ko.

Damn!

I kicked the head of the cat without thinking na naka saklay ako. Argh! Tuloy, ay napaupo ako sa sahig at hirap na tumayo.

Nang okay na ako ay pumara na ako ng taxi.

Pagkapasok ko ng taxi ay bumati agad sakin ang driver. Nakangiti siya sakin at ang mga mata niya-waah! Wala siyang mata! Nagpanic ako ngunit huli na ang lahat, naisara na ang pinto at mabilis ng nagmaneho palayo ang driver.

"M-manong!" natataranta kong sabi.

"Miss? Bakit ho?" tanong niya at nilingon ako. This time ay kumpleto na ang mukha niya-yung normal na mukha ng isang tao.

"Kanina pa po kayo balisa ah? Nginitian po kita kanina pagkapasok niyo pero mukhang takot kayo sakin. Nakakatakot po ba yung mukha ko?" Nagtatakha niyang tanong at nagsalamin sa cellphone niya.

"Miss? Ok lang po?" tanong niya.

Nanginginig akong tumango. Tumango din siya at nagmaneho na papunta sa Vega's Gazette.

Inilabas ko ang cellphone ko at nakita ko doon ang mga textsss nina Chand at Vien.

Hoy babae nasaan ka na? -Chand

Rishe! Where are you na? -Vien

I saw you with boss? San kayo pumunta? -Vien

RISHE RICO!? Where the hell are you?! Kanina ka pa namin tinatawagan ni Vien! -Chand

HOY! -Chand

43 missed calls from Chand

24 missed calls from Vien

Gosh! Pagdating ko siguro sa opisina baka sabunutan na nila ako.

At hindi nga ako nagkamali, pagkadating ko ay agad nila akong binungangaan, lalong lalo na si Chand.

"HOY BABAE KA!" Mygod! Kotang kota na ako ng paninigaw ng mga tao. Si Sir kahapon tapos tong dalawang babae na 'to!

"Rishe, let's go." biglang sulpot ni Boss.

Tumingin muna ako kina Chand at Vien na binigyan ako ng magtutuos-tayo-mamaya look. Gosh!

"Faster!" sigaw ni sir Rayven.

Argh! Hindi ba niya nakikitang nakasaklay ako?! Tsk.

Habang nasa elevator kami ay nag-iisip parin ako kung bakit nararanasan ko nanaman makakita ng mga kakaibang creatures. Oo, naranasan ko na noon to noong bata pa ako.

Flashback...

15 years ago

"Lola bakit po ganun yung itsura nung tao?" Inosenteng tanong ng bata'ng si Rishe.

"Apo, normal lang naman yung tao kanina ha? Bakit?" sagot ng lola niyang si Lilly.

"Hindi lola! Yung hitsura ng mama kanina ay nakakatakot! Parang ilang beses pinagsasaksak ang mukha niya! Lola! Natatakot po ako." naiiyak na wika ng bata.

The CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon