TC 2: Her BossMarami pa siyang sinasabing kaartehan niya na sobrang kinainis ko. Inikot ko ang mga eyeballs ko sa inis habang pinapaikot rin ang buhok ko gamit ang daliri ko.
"Hi Rishe!" May bumati sakin. Lumingon lingon ako.
At doon, nakita ko ang mga batang-sanggol, nakangiti sakin. Ang lawak ng mga ngiti nila at-ang white ng mga mata nila! Gosh!
Nagpanic ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, napapaligiran ako ng mga sanggol na panget! Nilingon ko yung boss ko na busy sa pagdidiscuss ng kaartehan niya.
Tumayo ako ngunit sinusundan parin ako ng mga sanggol. Oh my God! Tumakbo ako palabas sa office ng boss ko ngunit nakalock ito! Damn!
"RISHE!" Galit na sigaw sakin ng boss ko.
"S-sir..." nakayuko kong sabi.
"HOW RUDE OF YOU!?" bulyaw niya.
"I-I'm s-s-sorry s-sir..." paghingi ko ng paumanhin.
Nakita ko ang mga sanggol na pangit na lumawak ang mga ngiti nila habang diretsong nakatingin sakin. Nakarinig ako ng kalabog kaya lumingon agad ako doon at nakita ko ang mga sanggol na pinagpe-pyestahan ang mga gamit ng boss ko.
"WAG!" sigaw ko.
"RISHE!" sigaw ng boss ko. My God! nawawala na akosa katinuan ko!
"DAMN!" pagmumura ng boss ko at kinaladkad ako palabas.
"ALAM MO BA ANG PINAKA-AYAW KO SA LAHAT?" Galit na tanong niya sakin. "ANG PAGBABALEWALA SA MGA SINASABI KO!"
Nagpatangay nalang ako sa kanya habang ang mga mata ko'y nakapukol parin sa mga panget na sanggol na ngayo'y humahalakhak na. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa mga tsanak na yan.
Itinulak niya ako sa kotse niya ng makarating kami sa parking lot.
Pinaharurot niya ng sobrang bilis ang kotse niya.
"FVCK! BITCH! DAMN!" sunod sunod na mura niya dulot siguro ng pagkainis niya sakin. He's really short tempered.
Sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya at sa sobrang galit niya ay hindi niya namamalayan ang isang matandang naglalakad sa gitna ng kalsada.
*BLAAAAG!*
Sobrang lakas ng kalabog kaya naman dali dali akong lumabas para tingnan ang matanda.
"HEY YOU WOMAN! DAMN! BAKIT KA BA LUMALABAS NALANG BIGLA NG KOTSE!" Inis niyang sabi.
"YOU JUST BUMPED INTO AN OLD MAN, IDIOT!" I lost my temper kaya ko siya nasigawan.
"What!?" nakakunot kilay niyang tanong saka pumunta sa harapan ng sasakyan. "LOOK! There wasnt even scratch in my car!" sigaw niya.
Tiningnan ko ang itinuro niya at-damn! Gaya kaninang umaga'y nawala ang bangkay!
"NO! Nakabangga ka!" pilit kong sigaw.
"Aish!" sigaw niya at may tinusok sakin na syringe yata na nagpawala ng malay ko.
****
Nahihilo akong bumangon sa kama ko. Napahawak ako sa noo ko, ang sakit! Gosh! Inalala ko ang mga nangyari kahapon-o kanina? Hindi naman ako nakainom ah? Tumayo ako para kumuha ng tubig nang marealize kong hindi ko ito kwarto.
Tumingin ako sa gilid at namataan ko doong prenteng-prenteng nakaupo ang boss ko na nakasuot ng silk pajamas habang diretsong nakatingin sakin with his emotionless eyes.
Nailang ako sa mga titig niya at the fact na wala siyang suot pang-itaas ay talagang kinailangan ko.
"Stop. Go back to the bed." malamig niyang utos.
Sumunod naman ako dahil nakakatakot ang boses niya Gosh!
"Uhm..." paninimula ko. Uh. Ano bang sasabihin ko?
Tumayo siya at umupo sa gilid ng kama.
"Alam mo ba kung nasaan ka?" tanong niya.
Umiling ako.
"Nasa condo kita. Nasa kwarto at nasa 'bed', particularly." sabi niya at binigyan niya ako ng may panunuksong tingin.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang ibig niyang sabihin.
"HEY!" sigaw ko.
Damn, bat ko ba sinisigawan to!? Boss ko ito for Pete's sake!
Yumuko ako. "s-sorry, sir..."
I heard him chuckled na ikinagulat ko.
"You're cute." nakangiti niyang sabi. Kikiligin na sana ako ng maalala ko ang mga tsanak. Gosh!
Nabalisa ako at nangangatal na kinagat ang mga kuko ko.
"Hey, what's wrong?" tanong niya at hinawi ang kamay ko. "Umuwi ka na, tapos na ang pagpapahinga mo dito sa condo ko."
Tumango ako at dali daling lumabas ng kwarto niya.
Habang nasa elevator ako ay may nakasabay akong buntis na nasa wheelchair habang ang nasa likod niya'y isang nurse. Ang nurse ay nakayuko at bahagyang natatakpan ang pangalan ng hospital na pinagtatrabahuhan niya kaya nahirapan akong i-identify kung saan ospital siya nabibilang. Pero ang pinagtataka ko'y bakit siya nandito sa Vega Building.
Ang pagkakaalam ko kasi ay exclusive for Vega Families lang dito. Alam kong nasa Vega Building ako dahil may nakita akong logo kanina sa condo ni Sir Rayven.
Tumunog ang elevator at lumabas na ang dalawa. Lutang kong sinundan ng tingin ang dalawa at napagtanto ko lang na tumutulo pala ng dugo ang wheelchair. Tiningnan ko ang tabi ko at nakita ko doon ang napakaraming dugo. Damn! Bat ba ngayon ko lang to napansin!?
Nanlalaking mata kong nilingon ang nurse na nagtutulak ng wheelchair.
B-b-bakit siya n-nakatingin s-sakin?
Ang mukha niya'y kulay black, na may mga tumutulong dugo. Nakalabas ang mga ngipin niya, ang mga mata niya'y halos lumabas na ang eyeballs at sobrang laki ng eyebags. Ang kaliwang pisngi niya'y may malaking crack.
Sa hitsura niyang yan, bakit hindi ko manlang napansin kanina?! I'm so damn stupid! Akmang susugurin ko na siya nang biglang nagsara ang elevator at naipit ang paa ko.
"Ahhhh!" sigaw ko.
Namimilipit na ako ng sakit.
"Tulooong!" sigaw ko.
Damn, bakit pag nasasaktan ako ng pisikal, sumisigaw at humihingi ako ng saklolo ngunit pag nakakakita ako ng kakaibang creature ay natatanga ako?! Argh!
May mga tao'ng nakarinig ng sigaw ko kaya humini rin sila ng tulong. Dumating ang rescue team at binigyan ako ng paunang lunas ng maalis ang paa ko sa pagkaipit.
Binigyan nila ako ng saklay at hinatid sa inuupahan kong apartment.
Lahat ng nangyari ngayong araw ay iwinaksi ko at natulog na ng mahimbing.
***
3:30 a.m.
Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko.
Sinagot ko yung tawag.
"Yes?" may halong irita kong tanong.
Walang sumagot na boses kundi ay buntong-hininga at tunog ng hangin lang ang narinig ko sa kabilang linya.
Uh. Ano ba 'yan!
----
This story is a work of fiction.
Names, characters, places, incidents and events are products of the author's imagination and used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead is ENTIRELY COINCIDENTAL.
BINABASA MO ANG
The Call
Mystery / Thriller"I told you, you can't escape from Landali..." A woman named Lilla said. "Averna will change everything!" Said Lilly. "Lets see."