TC 4: Averna Ish"Rishe!" Sigaw ni Chand sakin pagkarating ko palang sa Cafeteria.
Tumungo ako at umupo sa pwesto nila.
"So, kamusta?" ngiting tanong ni Vien.
"Secretary na ako." nakatungo kong sabi.
"Ah, tsk. Secretary lang pala-wait what?! Secretary ka ni?" Gulat na tanong ni Vien. "Don't tell me Secretary ka ng Sexy, handsome, gorgeous at yummy nating boss?"
Dahan dahan akong tumango.
"WHAT?!" sabay nilang sigaw na halos itapon na ang pagkain nila sakin.
Uh.
"Oo. Secretary ako ni Sir Rayven." sabi ko.
"What? Paano? Why?" Di mapakaling tanong ni Vien. May hidden desire kasi siya sa boss namin e. Tsk.
"Kahapon ba 'nong inaya ka niya sa office niya?" tanong ni Chand.
"Oo. Gosh! Napaka-arte niya!" sabi ko habang inaalala ang mga kaartehan niya.
Hinampas ni Vien ang balikat ko.
"Its a blessing girl!" sabi niya na halatang naiingit.
Umirap ako.
Nakita kong masama ang tingin sakin ni Chand.
"Matinik sa mga babae ang boss natin." babala ni Chand.
"What? Ni wala nga akong nakikitang babaeng kasama niya eh." kibit balikat kong sabi.
"More than 5 years na akong nagtatrabaho dito Rishe. Dati nga, halos araw araw may dala siyang babae sa opisina niya." seryosong sambit ni Chand.
"Weh? Seriously? Gosh! Sana isa na ako doon." Wika naman ni Vien na mukhang nanghihinayang.
"Pero-" I was about to say something nang may sumabat.
"Miss, ikaw po ba si Rishe Rico?" tanong ng security guard sakin.
Tumango ako. "Bakit po?"
"May nagpapabigay po sayo nito." wika niya at iniabot ang isang box.
"Ano to?" takha kong tanong.
Nagkibit balikat lang siya-teka, siya yung taxi driver kanina ah? Akmang aalis na siya ng hinawakan ko yung braso niya.
"Teka! Ikaw yung taxi driver kanina 'no?" tanong ko.
Tinitigan niya ako. Ngumiti siya ng malawak-na nakakatakot at ang mga mata niya-waahh! Bakit may mga tumutulong dugo?
"Oo ako nga, at nagagalak akong makita ka muli, Averna Ish..." wika niya at naglakad palayo. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga tao sa cafeteria na naka-freeze.
Averna Ish? Sino siya?
Maya maya pa'y gumalaw na ulit sila.
"Rishe Rico! You're spacing out!" sigaw sakin ni Chandria.
Rishe Rico. Biglang naghalo halo ang emosyon ko. Damn! Bakit ba? Rishe Rico ang pangalan ko. Pero bakit ng banggitin iyon ni Chandria ay nag-iba ang pakiramdam ko? Pakiramdam ko'y hindi ko na kilala ang sarili ko.
Habang sumusubo ng pagkain ay may bumulong sa magkabilang tenga ko.
"Averna..."
"Rishe..."
Sumakit ang ulo ko. Uh. Ano bang nagyayari sakin?
"By the way, mother's day na next week. Anong plano nyo?" tanong ni Vien.
BINABASA MO ANG
The Call
Mystery / Thriller"I told you, you can't escape from Landali..." A woman named Lilla said. "Averna will change everything!" Said Lilly. "Lets see."