Chapter 19

398 8 0
                                    












Samantha's POV


I'm on my way home dahil bigla na lang akong tinawagan nila manang sa bahay at sinabing nagsusuka na naman ng dugo ang kapatid ko. Sinabi ko naman sa kanya na mag-hire na ng nurse eh. Noong nakaraang mga linggo ayaw nya pang maniwala sakin but when he receive his result sa  lab tests nya from other doctors, nagsimula ng maglabasan ang mga symptoms ng sakit nya, the same things as before. 

Pagdating ko naman ng bahay agad na akong nagtungo sa kwarto nya. Mabuti na lang at wala dito ang mga parents namin. Pagpasok ko sa loob hinanap ko naman sya sa loob ng banyo nya kung saan naka upo na sya sa sahig at nanghihina, hindi nga ako nagkamali.



"Let me help you."

Saad ko sa kanya at lalapit na sana kaya lang pinigilan nya ako sa pamamagitan ng pagtaas nya sa kaliwang kamay nya.


"I can help myself alone."

Pagmamatigas nya habang nahihirapang huminga. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at lumapit na lang ako sa kanya kahit sa ayaw o sa gusto nya.



"Don't punish yourself like this... Mas lalo ka lang mahihirapan at ang mga taong nasa paligid mo."

Saad ko.






"I told you... I don't need any help from you. I can stand by myself."

Sabi naman nya.


Baliw na batang toh! Sa tingin nya maloloko nya talaga ako sa pinapakita nyang pagmamatigas.

Hinayaan ko na lang sya sa gusto nya. Nakayanan nya ngang tumayo ang problema naman bigla na lang syang napatigil at napatitig sa salaming kaharap nya. Mapapansin mong nanga-ngayat na sya at marami na ding pasa sa katawan nya. Mabuti na nga lang hindi pa nalalagas ng lubusan ang buhok nya sa ngayon.




"We'll find a donor soon."

Pahayag ko.




"Please get out of my room now."

Paki-usap nya habang nakayuko at wala talagang balak na tignan ako. Para walang gulo sinunod ko na lang ang gusto nya. Lumabas na ako ng banyo sa kwarto nya pero hindi pa ako nakakalayo sa pintuan ng banyo nakarinig na agad ako ng mga hikbi nya. Alam kong mahirap at masakit para sa kanya ang kalagayan nya ngayon. Alam ko ring ayaw nyang ipakita na mahina sya at nahihirapan na din. Kung sana compatible lang ang bone marrow ko sa kanya edi sana hindi na sya naghirap noon hanggang ngayon.









Gem's POV


Ako na lang ba lagi ang nag-iisa? Char! Seryoso nga kasi! Nasaan na ba yung tatlong yun at hanggang ngayon naghihintay pa rin ako mag-isa! Hay... Pero pansin kong merong tensyon sa pagitan ni Grace at Rina. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-aawayan nilang dalawa. Ayoko ko na rin kasing makisali dahil baka pati ako awayin ni Grace. Kaya chill-chill na lang ako diba?




"Look who's here?"

Napalingon naman ako sa taong nagsalita.


"What a small world isn't it!?"

Tanong nya sakin habang nakatinging parang ulol. Char!

"Excuse me but do I know you?"

The Gay I'll Never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon