Chapter 24

379 9 0
                                    









Gaymond's POV

Hanggang ngayon nasa ospital pa rin ako. At heto nag-iisa lang sa kwarto. May pinuntahan kasi si Ate at sila mama at papa naman busy sa trabaho. Kakatapos ko nga lang din magpa- chemotherapy. Nakakalungkot isipin na trabaho pa rin ang inaatypag ng magulang ko kaysa sakin na may sakit. Katulad nalang ng dati. Ang ate ko ang lagi kong kasama sa ospital noon. Minsan lang dumalaw sila Mama.

*tok* *tok* *tok*



"Can I come in?"

Nabaling ang tingin ko sa boses na nagmula sa pintuan ng kwarto ko.

"Pasok."

Saad ko naman.

Pagbukas ng pinto ay pumasok naman si Rina. Ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Lav.

"Ikaw pala Rina... Please take a sit first."

Saad ko sabay turo ng sofa sa gilid ng kama ko. Naupo naman sya pagkatapos nyang mailagay ang mga dala nya.

"Nagdala ako ng mga prutas para sayo."

Saad naman nya.

"Nag-abala ka pa pero thank you na din."

Nakangiting pasasalamat ko sa kanya.

"Kamusta na pala ang kalagayan mo Gaymond?"

Nag-aalalang pa nga-ngamusta nya sakin.

"I'm doing fine... By the way kasama mo ba si Lavine?"

Nag-aalinlangang tanong ko.

"Si Vine... Hindi eh... Ako lang ang bumisita sayo."

Siguro nga na nanaginip lang ako noong mga panahon na akala ko sya ang nasa tabi ko kapag natutulog ako. Natauhan na din siguro sya. Mas mabuting makahanap na sya ng iba.

"May bagay kasi akong gustong malaman."

Dugtong nya.

Napatingin naman ako ng may pagtataka sa kanya.

"Anong bagay ba yun?"

"Isang tanong isang sagot lang ang kailangan ko... Do you still remember who's Hope?"

Tanong nya.

Napaisip naman ako sa pangalang binanggit nya.

"Yes, I still do remember her. Why did you ask?"

Ewan ko ba pero pakiramdam ko may mali eh. Parang merong lihim na tinatago itong si Rina hindi lang sakin kundi pati na rin kay Lavine.



"Diba madalas kayong magkasama dati... Are you that close with each other?"



"Madalas kaming magsama dahil sa mga group project but I think mas naging close sya sa kuya mo."

The Gay I'll Never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon