Chapter 28

386 6 0
                                    











Someone's POV

Matutupad na rin ang hinihiling ko. Isang tao na lang ang kailangan kong hintayin. Isang taong napakahalaga para sakin. Isang taong magbibigay ng bagay na matagal ko ng hinihintay.









"Hope?"






"Ikaw pala..."






"Matagal-tagal na rin pala ng huli tayong magkita ulit mula noong nakaraan."

Nakangiti nyang saad sakin.


"Oo nga eh. Kamusta ka na?"

Tanong ko.


"Eto... Masaya kasama nya."

Nakangiting sagot nya. Napangiti din naman ako dahil sa nakakahawa nyang ngiti sa kanyang labi.



"Eh kayo kamusta kayo?"

Tanong nya. Inaamin ko... Hindi ko inaasahan ang tanong nya sakin.





"Ok lang naman kami. Masaya sa kani-kanyang buhay namin."

Sagot ko na may pait sa puso ko. Tanggap ko naman eh. Tanggap ko kung ano man ang nangyari saming dalawa. Namimiss ko lang sya kaya ganun siguro.





"Wag kang mag-alala... Balang araw makakasama mo rin sya. Kunting tiis nalang Hope."

Napakapositibo nya talaga. Mas bagay ata sa kanya ang pangalan ko kaysa sakin.



"Sigurado ako miss ka na rin nya."

Nagbago naman ang expresyon ng mukha nya matapos nyang magsalita.




"Alam ko... Kaya lang malabo ata ang hinihiling ko."

Saad ko sa kanya.






"Wag kang mag-alala tutulungan kitang tuparin yang hiling mo."

Masigla at nakangiting saad nya sakin. Buti nalang at may kaibigan akong katulad nya.




















Felicity's POV

Panaginip?

Panaginip na naman. Pangatlong beses na syang nangyayari sakin. Napakamisteryo talaga ng babaeng yun. Sa bawat pagkakataon na banggitin ko ang pangalan nya ay tila nabibingi ako at hindi ko marinig ang mismong salitang binibitawan ko.



^°^°^°^°^°^°^°°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^

Maaga pa akong nag-ayos ng sarili dahil kakamustahin ko pa si Frea sa hospital. Matapos kasi ang nangyari noong nakaraan ay bigla na lang naglaho na parang bula si Rina. Hind ko nga alam kong saan yun dumaan palabas eh. Hindi ko naman nakitang lumabas ng pintuan eh. Ang mas inaalala ko kasi ang kalagayan ni Frea kaya hindi ko sya na pansin.

The Gay I'll Never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon