Chapter 35

419 4 0
                                    


















Gemma's POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng bahay namin. Jusme! Hanggang kailan ako paghihintayin ng lalaking yun? Ang sabi malelate lang ng kalahating oras, bakit mag-iisang oras na wala pa rin yung loko-lokong yun?

Pagtatawagan mo hindi naman sumaaagot. Pagtinext mo naman hindi din namang nagrereply. Nababagot nako kakahintay dito. Bwisit na lalaking yun! Humanda talaga sya sakin pagdumating syang hayop nya dito.

"Oh nak, wala pa rin ba sya?"

Tanong ng papa ko sakin paglabas nya ng bahay.

"Ang tagal nga po eh."

Malungkot kong sagot sa kanya. Naupo naman sya sa kaharap kong silya.

"Ganyan talaga nak, kailangan hindi lang ang lalaki ang marunong maghintay, dapat ikaw rin na babae ay naghihintay ng may pasensy. Kung talagang may tiwala at pagmamahal ka sa kanya."

Ibang datingan ng tatay ko ngayon ah. Ano kayang nakain nya? Hahaha... Joke lang.

"Salamat po sa mga paalala pa."

Sabi ko saka ngumiti sa kanya.

"Wala yun nak, tumayo ka na dyan at nandito na ang kanina mo pa hinihintay."

Sabi naman ni Papa saka sya napatingin sa kotseng huminto sa harapan ng bahay namin.

Sa wakas nandito na rin sya. Tumayo na kaming dalawa ni papa at inihatid ako sa tapat ng gate namin. Pinagbuksan nya ako ng gate at hinarap ang manliligaw ko.

Matapos ang nangyari samin ni Isaiah noong nakaraan. Agad syang humingi ng permiso sa mga magulang ko kung pwede ba nya akong ligawan. Syempre pumayag agad sila Mama at Papa. Matapos daw kasi noong heart break ko, wala na ulit akong dinalang lalaki sa bahay namin. Kita nyo na. Sobrang supportive ng parents ko pagdating sa mga lalaking dumadating sa buhay ko.

"Magandang Hapon po, Pa."

Ang kapal talaga ng pagmumukha nitong lalaking toh. Hindi porket maayos yung relasyon nya sa parents ko kung makatawag sa tatay ko ng Pa akala nya kami nah.

"Magandang hapon din sayo nak. Mag enjoy kayo ng anak at paki inggatan nalang. Wag masyadong gabihin sa pag-uwi."

Paalala ni Papa kay Isaiah.

"Makakaasa po kayo, Pa. Sige po alis na po kami."

The Gay I'll Never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon