First Person's POV
"MAGANDANG UMAGAAAA!" Sigaw ko. Kakagising ko lang abot langit ang ngiti ko dahil ngayong araw na ito ay makakapasok na ako bilang isang TRAINEE MAGICAL KNIGHT.
"HOY! KUNG WALA KANG MAGAWA SA BUHAY MO! WAG KANG MANG-GISING NG TULOG!" Sigaw ng kapit-bahay ko. Oops... Nakalimutan ko apartment lang pala ang tinutuluyan ko.
"SORRY!" Sigaw ko ulit. Hahaha. Paktay. Sana hindi ko nagising ang landlady.
"LECHE!" Sigaw niya pabalik. Narinig kong nilagay niya ang unan sa mukha niya. Paano? Manipis lang naman ang pader. Kaya naririnig ko.
Ang saya-saya ko ngayon. Nakapasok ako sa isang Elite School kung saan nag-aaral ang mga MAGICAL KNIGHTS! Or should i say. Mga magiging future Magical Knights.
Ganito kasi iyon. Sa mundo namin nag-eexist ang magic. Yup! Pagdating sa pagluluto magic ang gamit. Sa mga transportasyon? Yup! Magic din! Dahil ginagamit namin ang magic sa pangaraw-araw na gawain.
Ang magic ko? Hmmm... Mahina lang ako. Pero, element magic yung akin. LIGHTNING!
Kanina pa ako daldal ng daldal dito no? Hindi niyo pa ako nakikilala. Hehe.
Ako pala si Kryzen Cameron. 17 years old. Nakatira ako sa Apartment. Joke... Ang Apartment ko ay nasa Auratasia Kingdom.
Ang pinakamaraming populasyon sa buong continente. In the middle of the Kingdom nandoon ang kastilyo ng Hari at Reyna. Sa kanan ng kastilyo ay nandoon ang Auratasia Academy! Doon ako mag-aaral bilang isang Trainee Magical Knight.
Kanina ko pa binibigkas ang magical knight. Ano ba iyon? Sila ang mararangal, matatapang at matatalinong nilalang. Sila yung nagtatangol sa naaapi at nagliligtas sa nangangailangan.
Hahaha! Habang sinasabi ko ito nag-popose ako ng Hero Style. Walang pakielamanan.
Anyway, niligpit ko na ang kama ko at ginawa ko na ang routine ko sa pangaraw-araw.
OMG! Nakalimutan ko bumili ng Magic Vessel ko kailangan iyon sa school. Number 1 iyon sa listahan!
Tumakbo na ako palabas ng apartment at pumunta sa Auratasia Magic Shop.
Pagpasok na pagkapasok ko nakita ko nanaman ang matandang lalaki na ito. Tsk... Ayoko sa kanya masyadong mataas ang singil palagi sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at nilibot ko ang store niya.
Magic Vessel... Magic Vessel..... AHA!
Ang ganda naman ng Vessel na ito!
Kulay itim siyang Bracelet at may yellow na gem sa itaas.
(The picture in the media. Isipin niyo na lang kulay yellow iyon.)
Kinuha ko ito at dinala sa counter.
"Magkano po iyan." Tanong ko. Nakatingin sa akin ng masama ang tinderong matanda. Siguro hell day niya ngayon.
"120,000 Gems." Sagot niya.
0_0
"Magkano po ulit iyan?" Tanong ko. Binagalan ko pa para marinig niya ulit. Nabingi yata ako sa presyo.
"120,000 Gems." Sagot niya ulit.
Wooooshhhh~~~~
120,000 GEMS! Pinagloloko niya ba ako. Waaaahhhh! Wala akong ganiyang kadaming pera!
"Kung wala kang pambayad niyan. Ito na lang." Sabi niya. Aba! Nagsuggest siya. Which is weird for me. Kasi lagi niya ako sinisipa palabas ng tindahan niya kung hindi ko afford yung bibilhin ko. Nagagalit siya kung tatawaran ko.
"Oh! Uso to ngayon sa mga babae at bata." Sabi niya at binigay sa akin ang flower bracelet.
-_-"
Seryoso ba siya o niloloko niya lang ako.
Ayoko nga sa girly stuff eh. Kaya ganung vessel ang gusto kong bilhin.
Tinitignan ko lang ang bracelet na ibinigay sa akin.
Biglang may pumasok na lalaki sa loob ng store. Nakamask siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.
Lumapit siya sa akin at inilapit niya ang mukha niya sa mukha kong maganda. Hahhaha.. Totoo naman eh.
"Tabi." Sabi niya. Aba't hindi marunong mag-excuse me?
Tumabi na lang ako at tinitignan siya ng masama. Kinuha niya ang kwintas na kulay red. Magic Vessel rin yata ang bibilhin niya.
"Magkano?" Tanong niya kay tinderong tanda.
"250,000 Gems." Sagot niya.
0_0
WHAAAAAAAAAAATTTTTTT!!!!!
Mas mahal pa iyon sa bracelet na bibilhin ko!
Nakatingin ako sa lalaking naka-mask na may gulat na expression sa mukha.
Tinignan niya ako at bumalik ulit ang tingin niya sa tandang tindero.
Kinuha niya ang wallet niya at ibinigay ang pera kay tanda.
"Here. I'll pay that bracelet too." Sabi niya. Tama ba ang narinig ko? Tinignan ko kung anong bracelet ang tinitignan niya.
ANGGGG BRACELEET KOOO.....
"Thank you and come again." Sabi ng tindero.
Kinuha niya ang kwintas na binili niya at umalis iniwan niya ang bracelet na gustong-gusto ko.
Lumabas ako para habulin siya.
"SANDALIIII! NAIWAN MO ANG BRACELET!" Sigaw ko. Lumingo siya sa akin at sabay sabing.
"Gusto mo yan. Diba? Sayo na yan." At naglakad ulit siya paalis. Talaga? Sa akin na ito?
Sobrang saya ko. Tumatalon-talon pa ako sa gitna ng kalsada.
"SALAMAT!! ANONG PAN-." Nawala agad siya. Siguro nag-teleport.
Dibale na lang. Basta magpapasalamat na lang ulit ako sa kanya.
Shooot! Anong oras na ba? Magliligpit pa ako ng gamit. Ahhhhhh!!!!!
Tumakbo na ako pabalik sa apartment ko.
Third Person's POV
Abalang-abala ang mga Supreme Magical Knights para sa mainit na pagtanggap ng mga nakapasa sa kanilang mga pagsusulit para makapasok sa paaralan.
Sa 1,500 na gustong makapasok. 250 lang ang tinanggap. Ganun sila kahigpit pagdating sa pagsusulit. At isa si Kryzen doon sa natanggap.
Ang mga ibang estudyante naman ay nagdedecorate ng gate at ng lobby. Inihahanda na rin ang Stage para sa pagpapakilala ng mga guro at mga nauunang estudyante sa paaralan.
=============================
Chapter 1 is done. Sorry kung maraming typos and wrong grammar.
=============================
YOU ARE READING
Magical Knights
FantasyA world where magic exist and people rely on magic in everyday. A cheerful girl lives in Auratasia Kingdom and since she was a child. She dreamed to be one of the Magical Knight. The one who protects, serve and maintain the peace. A secret lies on...