First Person's POV
Pumunta kami sa guild ni Bridgette para humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan namin sa kanya.
Sasali rin kami sana sa Greaos Olbus para makasama siya pero hindi pumayag ang master kaya wala kaming magawa. Nag-makaawa pa nga kami eh.
Naramdaman ko na may tao sa likuran namin. Pagkatalikod ko nakita ko si Bridgette na nakatingin sa amin kasama ng kaibigan niyang hingal na hingal.
Gumawa pa ng excuse si Bridgette para makatakas sa amin. I try to stop her pero tumakbo na siya.
We try to follow her until i found her at the park with her friend.
Nagtanong yung kaibigan ni Bridgette sa kanya hindi namin marinig kung ano yung tanong pero biglang tumawa ng malakas si Bridgette.
Namiss ko na yung tawa niya. Hindi lang pala ako, kaming 5 rin.
Umalis na sila ng park. Nakita kami ng kaibigan niya at nag hi sa amin ng mahina para hindi marinig ni Bridgette. Yung isa naman dito masayang-masaya at kumaway pabalik sa kanya.
May tinanong si Bridgette hindi namin alam kung ano. Sinagot ng kaibigan niya at bigla siyang sumigaw ng 'JUNE 25!'
Ahhh. Petsa lang pala ang tinanong niya. Eh bakit kaya siya sumigaw?
Halata sa mukha niya na masayang-masaya siya at parang naeexcite rin. Kinaladkad ni Bridgette yung kaibigan niya siguro pabalik sa guild.
"Tara! Sundan natin." Sabi nitong airhead girl.
"Baliw ka ba! Hindi nga tayo tinanggap sa guild nila diba? Saka siguradong iiwasan nanaman tayo ni Bridgette." Saway naman nitong gunggong kay airhead girl.
"Tumahimik nga kayo! Kausapin na lang natin yung HeadMaster at sabihin natin na gusto natin sumali sa Greos Olbus." Sigaw ko. Lagi silang ganyan. Hindi nagbabago.
Tumango na lang sila at pumunta na kami sa HeadMaster's Office.
Ako pala si Prince Felix Restia. From Restia Kingdom in West .17 years old. Dito kami nag-aaral sa Auratasia Kingdom. Balita ko kasi dito nag-aral si Bridgette kaya sinundan ko. Ex-Boyfriend niya ako dahil sa pagkulang ko sa kanya ng trust. Nasira ang relasyon namin.
Arghhhhhhh!!! Naiinis talaga ako sa sarili ko habang kinukwento ko!
Kasalanan ko kasi eh.
Kumatok muna kami sa pintuan ng HeadMaster's Office bago pumasok.
May nakita kaming dalawang naka kulay Black na hood at may yellow na stripes sa dulo nito. Sa likod ng hood nila ay ang Academy's Symbol.Nakita kami ng HeadMaster.
"Oh ano pala ang ginagawa niyo dito? Royalties?" Tanong niya.
"Pwede ba namin kayong makausap?" Tanong ko.
"Aba! Oo, syempre naman." Sabi niya.
"Umupo muna kayong dalawa diyaan. Kakausapin ko muna sila." Sabi ni HeadMaster sa dalawang nakahood.
"Hindi na. Gusto ko nang bumalik sa guild at matulog *yawn* inaantok na ako." Sabi ng isa sa nakahood. Babae siya. Syempre nalaman ko dahil sa boses. Yung boses niya ay parang magandang pakinggan.
"Same here. I want to sleep. I'm so very tired. We will talk to you later kung magigising pa kami." Sabi naman ng isa pa niyang kasama. Babae rin.
Tumawa lang si HeadMaster sa kanila at sinabing pwede na silang lumabas.
Nagbow muna yung dalawang babae na nakahood at lumabas.
YOU ARE READING
Magical Knights
FantasíaA world where magic exist and people rely on magic in everyday. A cheerful girl lives in Auratasia Kingdom and since she was a child. She dreamed to be one of the Magical Knight. The one who protects, serve and maintain the peace. A secret lies on...