Chapter 4

23 1 0
                                    

Third Person's POV

Pumunta na ang mga estudyante kasama ang master nila sa Arena.

Walang kaalam-alam ang mga students kung bakit pinatawag sila.

Na biglang lumabas at nakita nila sa personal ang mga sikat na Magic Knights sa buong mundo.

Nakilala rin nila ang mga Prinsipe at Prinsesa ng bawat kaharian at magiging kaklase rin nila ito.

Nagsigawan ang mga estudyante sa narinig nila.

Hindi rin makapaniwala si Kryzen at hinahampas niya sa braso si Bridgette dahil sa sobrang excited.

Si Bridgette naman ay parang malungkot ang mukha. Hindi alam ni Kryzen kung bakit kaya nag-sorry siya. Siguro akala niya dahil sa paghampas niya.

Pumunta rin ang HeadMaster ng paaralan. At inanunsyo ang Class Level

Ang Benezius Class or tinatawag nilang Beginner Level itinuturo dito kung paano mag-control at maglabas ng kapangyarihan. In short, basics lang ang tinuturo. Lagi rin silang nabubully.

Ang Demicius Class. Sunod lang ng Benezius. Pero kaya ng mga napupunta dito ang basics. Dito nabibilang ang marunong ng Telekinesis at Teleportation. In short Self-convenience power, pang-sarili lang.

Ang Zeseus Class. Dito napupunta ang may hawak na Elemental powers.
Malakas pero hindi nila kayang gamitin ang kapangyarihan nila ng matagal. Alam rin nilang gamitin ang Teleportation, Mind-Reading, etc.

Ang Royaltus Class. Dito napupunta ang mga Royal-Blood. Mga Prince and Princess. Pati rin anak ng council. Malakas sila at kaya nilang gamitin ang magic nila ng matagal.

Ang Deus Class o mas tinatawag na God Class. Napupunta dito ang mga students na may God Powers or gift from god. Sila ang pinakamalakas. Hindi nila tinatake ang mga normal na academics. Kasi ang Royaltus hanggang Benezius ay nagtatake ng normal classes. Konti lang ang estudyante napupunta dito. Mga hindi aabot ng sampu.

Nag babago ang Class mo every year.

At syempre it takes many years para maging ganap ng Magical Knights.

Kryzen's POV

Nandito ako ngayon sa harapan ng machine. Itong machine na ito sila ang i-identify kung anong class ka nabibilang.

Nauna si Bridgette ewan ko kung bakit para bang nagmamadali siyang bumalik sa Guild. Doon kasi kami nakatira ngayon. May mga rooms doon. Syempre hiwalay ang lalaki at babae.

Napunta siya sa Zeseus Class. As expected from her. Siya ba naman na Rank 1 sa Water Element Test.

Umalis na siya at tumayo na ako sa machine. Narinig ko pang sinabi ni Bridgette na Good Luck.

Please.... Please.... Please.... Not in Benezius not there. Syempre wag din sa Demicius. Ok na ako sa Zeseus kasama ko si Bridgette doon. Pleasssse.

Nakita ko na napunta ako sa Zeseus Class. Phew.. Buti naman.

Sumunod na ako kay Bridgette ang bilis niya mag-lakad.

"W-wait lang teh. Wala naman humahabol sa atin ah." Sabi ko sa kanya at hinahabol siya.

"Ayokong madaanan natin ang Royalties yun lang." Sabi niya at  parang tatakbo na.

"Eh? Eh. Bakit naman. U-uy s-sandali." Tumakbo na ako dahil tumakbo na rin siya.

Lumiko kami sa kanan at saktong nandoon sa tapat ng pintuan ng Greos Olbus ang mga Royalties.

Tumigal na sa kakatakbo si Bridgette at nanigas sa kinatatayuan niya.

At ito ako hingal na hingal dahil ang bilis tumakbo nito.

Pagoddd na akooo, gusto ko na matulog.

Yan ang nasa isip ko.

Naramdaman ng Royalties ang presense namin at tumingin sila sa likod.

Nanlaki naman ang mata ng Royalties na nakita nila si Bridgette.

"On the second thought Kryzen." Sabi niya sa akin.

"H-h-huh?" Yan lang ang sabi ko hingal at pagod na akooooo.

"Pumunta na tayo sa klase. Gusto ko magaral." Dugtong niya. Kinuha niya ang kamay ko at kinaladkad pabalik.

Kaladkarin mo pa ako ayoko na maglakad at tumakbo.

"W-wait Brid-" Sabi ng isa sa prince ng Royalties pero hindi na niya napagpatuloy.

Kinaladkad ako ni Bridgette papuntang park ng eskuwelahan.

Nag-papanic rin ako kasi baka may klase ngayon at ito ako nag-cucutting.

"Kilala mo sila Bridgette?" Tanong ko.

Tahimik na tumango si Bridgette at hindi ako tinitignan.

"Mamaya ko na itatanong yan. May klase ba ngayon? Nagpapanic na ako. Ayoko madungisan ang records ko." Sabi ko at nagpapanic.

Tumawa siya. Ang lakas ng tawa niya.

-_-"

"Seryoso ako!" Sabi ko.

"HAHAHAHA! Sorry na. Para ka kasing ewan diyaan eh." Sabi niya at hawak-hawak ang tiyan niya dahil hindi pa siya tapos tumawa.

"Ok na? Tapos ka na ba?" Sabi ko at nag ok sign pa ako.

"Wait.. HAHAHA! Ok tapos na." Sabi niya.

I sighed and look at her.

"Balik tayo sa tanong kanina. Syempre kilala mo sila Royalties sila eh. I mean bakit ka nila kilala." Tanong ko sa kanya. Nag bago ang expression niya sa mukha from Adik to Depressed.

"Nainom mo ba ang gamot mo?" Tanong ko.

"Gaga! Hindi ako baliw. Let's just say na kilala nila ako dahil naging kaibigan ko sila. Past na yon' saka tara na. Balik na tayo sa Guild."
Sabi niya at pumasok na sa school.

"So. Walang pasok ngayon?" Tanong ko.

"Wala. Bukas pa." Sagot niya.

Tumangi na lang ako. Napansin ko ang royalties sa gilid. Nakita nila ako na nakatingin sa kanila at nagtago pero tinignan ulit nila ako at si Bridgette. They sighed.

Hindi ko alam kung anong past ni Bridgette sa kanila.

Kumaway ako sa kanila na hindi napapansin ni Bridgette dahil nauuna siya maglakad.

Nakita kong naging maaliwalas ang mukha nila at ngumiti ng malaki sa akin at kumaway.

"Oh yeah. Anong date ngayon Kryzen?" Tanong niya. Napatalon ako dahil biglaan siya nagtanong.

Tumingin ako sa kanya.

"Hmmm... June 25. Bakit?" Sabi ko.

"June 25, Huh...." Sabi niya ng mahina.

Tumingin siya sa akin at sabat sigaw na

"JUNE 25!!!"

"Oh? Anong meron sa June 25." Tanong ko at nag-crossed arm dahil nabingi yug tenga ko sa sigaw niya.

"Babalik na sila! Yung sila. I mean sila!" Sigaw niya at nakangiti na malaki.

"Sinong Sila? Baliw ka na yata eh. Dalhin na kita sa infirmary gusto mo?" Sabi ko.

Tumingin siya sa akin ng seryoso at binigyan ako ng REALLY-YOU-DON'T-KNOW LOOK.

Kinuha na lang niya ang kamay ako at kinaladkad nanaman ako papuntang guild.

Nag-aalala ako sa braso ko baka matanggal sa katawan.

Wag naman sana.

Sino bang sila. Na sinasabi ni Bridgette?

Malalaman ko rin pa punta na kami sa Guild eh.

Magical KnightsWhere stories live. Discover now