Prologue
Hayley
Isa syang aroganteng lalaki, oo pogi sya, mayaman sya, habulin ng babae, hearthrob sa school.
Eh ako ano? Isang kasambahay!
Oo, kasambahay lang ako, alila, utusan, alipin, YAYA.
Kasambahay ako sa isang mayamang pamilya.
Sa Pamilyang Ramirez.
Top 1 na pinaka mayaman sa bansa at Top 3 naman sa buong mundo. Yaman no? Di kapani-paniwala pero yun ang totoo.
Siguro hanggang YAYA na lang talaga ako, na laging nakasunod sa among laging mainit ang ulo sa'kin.
Hans
Alam mo yung nakakasawa? Yung buhay ko yun eh.
Nakakasawa na lang laging kang hinahabol ng mga babaeng hindi mo naman kilala.
Nakakasawa na konting issue lang na madawit yung pangalan mo, paguusapan ka na agad. Hindi lang sa school pati na rin sa buong bansa-- minsan pa nga sa buong mundo.
At nakakasawa na lagi na lang may YAYA na nakasunod sa'yo.
Pag-pinapalayo mo naman nag-pupumilit, hindi daw sya pwedeng lumayo sa'kin. Dinaig pa nya ang isang selosa at possessive na girlfriend.
Kesyo utos daw ng daddy ko, bilin daw ng daddy ko, trabaho daw nyang bantayan ako.
Bakit kasi YAYA pa? Pwede namang bodyguard na lang?
Trip din ng tatay ko, wala daw kasi akong palag sa babae. Bwiset! ASA naman sya. -_-
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Nerd Yaya [EDITING]
Teen FictionWhat will happened if Hans fell inlove with her personal (and all around for him only) YAYA?