Hayley
"Sir eto na po yung assignment nyo sa math, project nyo sa physics, documentation nung film showing sa english at yung report nyo po sa history." Hindi ko maintindihan kung bakit ako rin ang taga-gawa ng mga assignment at projects nya maging mga reports nya, eh ang trabaho ko lang naman ay yung bantayan sya, mag linis ng kwarto nya, mag-handa ng pagkain nya, at magpaalala sakanya ng mga dapat puntahan o gawin nya.
Kung iisip para akong isang secretary pero ang totoo isa lang akong YAYA.
"Ilagay mo na lang dyan, ikuha mo ako makakain." 'Yun, 'yun dapat ang trabaho ko hindi yung taga-gawa ng kung ano-ano nya sa school.
Hindi naman kasi yun ang responsibilidad ko, responsibilidad nya yun bilang isang mag-aaral. Pero ano nga bang magagawa ko sa anak ng isang mayamang pamilya? Na kayang gawin ang lahat sa pamamagitan ng pera. Wala, wala akong magagawa kundi ang sumunod na lang.
Tulad ng sinabi nya ikinuha ko sya ng makakain nya. Habang iniinit ko yung carbonara nya nag-hiwa naman ako ng isang slice ng cake at ipinag timpla sya ng hot choco. Favorite nya yun kaya laging may ganun sa ref. Isa yang mga pagkain na yan ang hindi pwedeng mawala sa mala-aparador nilang refrigerator.
Nang matapos nang initin yung carbonara inilagay ko na rin yun sa tray at dinala sa movie room ni Hans.
Pagkapasok ko hindi ko inasahan na may kasama na sya. Dumating pala yung barkada nya-- yung barkada nya na lagi akong binubully.
"Oh! Hi Hey-ley, hahahaha!" Biglang bati sa'kin ni Blue. Hindi ko alam kung bakit Hey-ley ang tawag nya sakin, eh ang basa sa pangalan ko ay Hey-li. Si Blue lang tumatawag ng ganun sa'kin, sya din ang pinaka madaldal sa kanilang apat.
"Nerdy bakit si Hans lang may foods? Kami wala ganun? Anong klaseng yaya ka?" Biglang angal naman ni Clay nang makita nya yung hawak kong tray. Si Clay naman ang pinaka matakaw sa kanilang apat-- halata naman. At pagdating sa pang bubully sa'kin nagkaka-sundo sila ni Blue.
"Ano pang tinutunganga mo dyan Hayley ilapag mo na yan at ikuha mo rin sila, damihan mo na alam mo namang may alaga si Clay."
Inilapag ko naman yung tray sa mini table sa harap ng sofa na nakatapat sa flatscreen TV. Pagkalapag ko bumaba na ulit ako para ikuha ng pagkain yung barkada ni Hans.
Gaya ng utos ng amo ko, dinamihan ko yung pagkain kaya sobrang dami nung dala ko dalawang tray kaya inuna ko mo muna yung bowl ng carbonara at isang box ng cake. Isusunod ko na lang yung mga beverages nila.
Nang makarating ako sa tapat ng movie room hindi ako magkanda-tuto kung paano ko bubuksan yung pinto, pag-isang kamay lang kasi ang gamit ko sa tray may possibility na malaglag yung cake. Maglilinis pa ako ng hindi oras. Kakatok na sana ako gamit ang paa ko ng may biglang nagsalita sa likod ko.
"Ako na mag-papasok nyan." Napatingin naman ako sa likod ko, and i found Lief standing there. Si Lief ang pinaka tahimik sa kanila, madalang lang sya mag-salita. Tulad ko may pagka-nerd sya pero hindi gayang-gaya ko na nakasalamin pa. Same lang kami na mahilig sa libro at grade concious. Sya rin ang pinaka mabait sa kanilang apat, paano ko nasabi yun? Sya lang kasi ang hindi nang bubully sakin at tulad ngayon madalas nya rin akong tinutulungan.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Nerd Yaya [EDITING]
Teen FictionWhat will happened if Hans fell inlove with her personal (and all around for him only) YAYA?