SHORT UPDATE
Kulang pa 'to, kaso trip ko na syang i-update kasi Birthday ko ngayon. (Okey anong connect?)
**
Hans
"Ang tagal naman ni Nerdy, kanina pa yun ah? Mag ta-time na kaya. Gutom na ako." Angal nanaman ni Clay. Bwiset tong lalaking to, kanina pa angal ng angal.
Nasaan na ba kasi yung si Hayley, pinabili ko lang pagkain namin di na nakabalik.
"Baka kasi hirap na hirap sa pagdala ng pagkain, sa dami ba naman ng pinabili mo idagdag mo pa yung sa amin tingin mo makakaya nya yun? Di ka talaga nag-iisip Clay." Sagot naman ni Blue sa kanya.
"Sa gutom ako," Gutom pala sya edi sana sya na ang bumili ng pagkain nya. "Nasaan na ba kasi yun?"
"Manahimik nga kayong dalawa dyan, Lief pa abot naman nung cellphone ko nandyan sa bulsa ng bag ko." Nandoon kasi sya naka-upo sa upuan ko, tapos katabi nya yung dalawa. Ako naman nasa teachers table naka-upo.
Tumigil sya sa pagbabasa at kinuha nga yung cellphone ko at inabot sakin, ite-text ko kasi si Hayley gutom na rin kaya ako.
"Ay nga pala Lief, anong nangyari sayo kahapon? Bakit bigla kang umalis?" Biglang tanong ni Blue kay Lief.
Napatingin naman ako kay Lief dahil sa tinanong ni Blue sa kanya. Parang natigilan naman si Lief sa narinig nya.
"A-ahm.. a-no.. ano k-kasi may emergency lang kaya umalis agad ako." May patango-tango pang pagpapaliwanag nya.
"Emergency? Bakit anong nangyari?" Nagsisimula nanaman po si Blue basta tsismis hindi na talaga titigil bunganga neto kaka-tanong.
"Hoy Clay pasakan mo nga bunganga nyang si Blue hindi nanaman titigil yan." Sabi ko kay Clay na kumakain ng Burger. Bwiset na to may pagkain naman pala nagpabili pa ng pagkarami-rami kay Hayley.
"Hoy! Clay ang daya mo naman, may pagkain ka pala pahingi ako ang tagal ni Hey-ley gutom na ako e." Buti naman at napunta kay Clay ang atensyon ni Blue. Nakakainis kaya yan lalo na pag tanong ng tanong nakaka-irita.
"Ayoko nga gutom din ako, kung gusto mo puntahan mo na si Nerdy doon baka natabunan na yun ng mga pagkain pinabili ko hahahahaha." Sabay tawa pa nya, bwisit lang may mga kulimag-mag pang tumatalsik habang tumatawa sya.
Kadiri din to.
Sasagot na sana si Blue ng bigla syang matigilan, tumingin naman ako kung saan sya nakatingin. Sa pinto, doon kasi sya nakatapat tapos kaharap nya si Clay na nakatalikod naman sa pinto sa gitna nila si Lief. Wala naman tao ah.
"D-diba si Hey-Ley yun? B-bakit may kasama syang lalaki?" Sabi nya, kaya nag taka naman ako at tumingin ulit sa pinto kanina kasi walang tao dun e.

BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Nerd Yaya [EDITING]
Teen FictionWhat will happened if Hans fell inlove with her personal (and all around for him only) YAYA?