Hans
Paglabas ni Hayley nagsimula na syang pag usapan nung dalawa.
"Maganda pala si Hey-ley."
"Di lang siguro nag-aayos."
"Ang puti pa, Nerdy nga lang."
"Hans swerte mo ha, ang ganda pala nung Yaya mo."
"Maganda na, matalino na, masipag pa."
"San ka pa?" Sabay nilang sabi.
"Psh. Maganda daw. Di nyo ba nakita yun? Maputi lang, pag pina-itim mo yun panget na yun." Inis na sagot ko naman sa kanila.
"Sus, ayaw pang aminin." Asar ni Blue.
"Pre' hayaan mo na, pakipot lang yan. Hahahaha" Ginatungan pa ni Clay.
"Tingin mo Clay? Ligawan ko kaya yun si Hay-ley?"
"G-ago neto, ako muna bago ikaw." Psh yung panget na yun pag-aagawan nitong dalawa? Masyado naman panget yun.
Bigla naman kaming napatingin sa pinto ng bigla na lang yun sumara ng malakas.
"Anong nangyari dun kay Lief?" Tanong ni Blue.
Nag shrug lang kaming dalawa ni Clay.
"Minsan nakakaduda rin yung mga kinikilos nyang si Lief at ang hirap nyang basahin minsan sobrang tahimik." Seryosong sabi ni Blue, sabay namin syang binatukan ni Clay.
"Ano akala mo sakanya? Kagaya mo? Sobrang daldal." Sabi ko sabay tayo. Susundan ko si Lief.
Paglabas ko ng kwarto nakasalubong ko yung isang maid, "Ay manang yung gamit nga po pala ni Lola at Hazel pakilagay sa guess room, yung kwarto naman ni Hazel paki linis na."
"Sige po sir." Sabi nya sabay bow sa harap at umalis na.
Pumunta naman ako sa kusina, baka nandoon si Lief pero wala sya. Tinignan ko din yung likod bahay sa may pool area, pero wala din sya. No choice na ako kaya sa garahe ako pumunta, pagdating ko dun wala na yung kotse nya.
Anong nangyari dun? Bakit bigla na lang umalis ng walang paalam? Nag dabog pa. Bahala nga sya.
"Oh kayong dalawa? Wala pa kayong balak umuwi?" Tanong sa kanila pagka-panik ko.
"Bakit umuwi si Lief? Anong nangyari dun?" Nag-shrug lang ako.
"Mamaya na nag-eenjoy pa ako." Sagot naman ni Clay.
Sya naman ngayon yung binatukan namin ni Blue. "Oo nga nag eenjoy ka sa pagkain nila Hans, para kang patay-gutom ka. May pagkain naman sakanila." Sagot sa kanya ni Blue.

BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Nerd Yaya [EDITING]
Teen FictionWhat will happened if Hans fell inlove with her personal (and all around for him only) YAYA?