Hayley
"Hayley, I'm Hazel Jane Ramirez. Sister of your freakin' master." Sabi nya tapos inilahad nya yung kamay nya para makipag shake hands.
"Hayley Iris Madrigal." Sabi ko naman at tinggap yung kamay nya kahit may hawak akong tray.
"Ayan we're friends na." May palakpak pa nyang sabi.
"Ay sige po Miss Hazel, ilalagay ko pa 'tong pinagkainan nung barkada ni Hans."
"Ate kwentuhan naman tayo." Biglang sabi nya habang inaayos ko lababo yung mga pinggan.
"Ano naman pagkukwentuhan natin?" Tanong ko.
"About sa buhay mo? Bakit nagtatrabaho ka eh mukhang ang bata-bata mo pa. Ilan taon ka na po ba?" Nag hugas ako ng kamay at nag punas muna bago ko sya sagutin.
"16 pa lang ako, naulila kasi ako noong 14 ako lahat ng trabaho pinasukan ko, mga kamag-anak ko hindi ko kilala sa parehong side. Nag-aral din ako ng sarili ko, kaya kailangan doble kayod kasi pangbayad sa inuupahan, kuryente, tubig, at pang araw-araw na gastos. Pero isang araw nag-tanggalan doon sa pinag tatrabahuhan ko at isa ako sa natanggal, yung isa ko pang part time job na-bankrupt. Nung araw na yun hindi ko na alam ang gagawin ko hindi ko na alam kung saan ako pupulutin? Hanggang isang may nakita akong flyers na nag hahanap daw ng personal yaya, syempre ako nag-apply, trabaho din kasi yun. Pumunta ako sa address kung ano yung nakalagay doon. At dinala ako dito, dito sa mansion na to. Simula nang magtrabaho ako dito nag-bago ang buhay, kasi pinag-aral ako ni Mr. Ramirez para daw mas mabantayan ko si Hans, hindi na rin ako nag-aapartment kasi dito na ako pinatitira ni Sir Hendrix at simula rin ng mag-trabaho ako dito naka-ipon na ako para sa kinabukasan ko. Kaya malaki ang utang na loob ko sa daddy mo, kasi kung hindi sya nag-hanap ng personal yaya kay Hans hindi ko alam kung ano at nasaan na ako ngayon. Kahit minsan napaka-hirap bantayan ni Hans tinitiis ko dahil ayoko nang mawalan ng trabaho, mahirap kasing mag-hanap lalo pa't wala pa ako sa legal age."
"Grabe pala pinag daanan mo ate." Tumango lang ako sa kanya.
"Anyway tara malling tayo." Malling? Wala sa bokabularyo ko yun.
"Pasensya na pero hindi pwede kasi walang mag-babantay kay Hans, baka mapagalitan pa ako."
"Hindi akong bahala sa'yo, Please Ate tara na."
"Hindi talaga pwede." She pout her lips. Pero umiling parin ako.
"KUYAAAAAA!!!" Nagulat ako ng bigla syang sumigaw.
"ANO?!" Sigaw naman si Hans na nasa living room. Bigla naman nanakbo si Hazel palabas ng kusina. Sumunod ako sa kanya.
"Please Kuya payagan mo na sya." Pagmamakaawa ni Hazel sa Kuya nya, nagpapaalam siguro.
"Ah Hazel, Hindi talaga pwede wag mo nang pilitin yung Kuya mo."
"Sige payag ako." Napa nga-nga ako sa sinabi ni Hans.

BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Nerd Yaya [EDITING]
Teen FictionWhat will happened if Hans fell inlove with her personal (and all around for him only) YAYA?