Chapter 2

99 6 1
                                    

Hayley

"Aack!" Ang sakit nun ah. Kasi naman sino ba yun?

Tumingala ako para makita kung sino yung bumangga sa'kin. Nanlaki yung mata ko nang makitang si Lief yun.

"A-are you okay?" Nauutal nyang tanong.

"Kwaenchanayo." Bigla akong napatakip sa bunganga ko ng ma-realize ko kung ano yung sinabi ko. Gumana nanaman pagiging Korean lover ko. "Ay! A-ano.. a-ayos lang ako." Sabi ko pa sabay tayo.

"Bakit ka kasi nananakbo?" Sa tinanong nyang yun biglang nanlaki yung mata ko. Hala! Muntik ko nang malimutan.

"May tao sa baba." Sabi ko sabay takbo nanaman pero yung malas? Ako yun ngayon. Bwiset nadulas pa ako at sa harap pa ni Lief.

Lupa kung may balak ka mang bumuka suportado kita, kaya bumuka ka na please lamunin mo na ako. Pero kung wala kang balak sa tyan na lang siguro ni Clay pwede pa hindi nabubusog yun eh.

"Ayos ka lang?" May pag-aalalang tanong nya.

"Pre' ano yun? Kanina pa kalabog ng kalabog yun?" Bigla namang bumukas yung pinto sa Movie room at iniluwa nun si Hans, Clay at Blue.

"Oh Hey-ley anong ginagawa mo dyan sa lapag?" Pansin naman ni Blue sa'kin.

"Pre' tanga mo naman kitang naka-upo sya, tinanong mo pa anong ginagawa nya obvious na nga." Sagot naman ni Clay sa kanya.

"Anong naman nangyari sa'yo Hayley? Bakit ka nandyan sa sahig?" Tanong naman sa'kin ni Hans.

"Nadulas pre." Napatingin ako kay Lief nang sya ang sumagot sa tanong ni Hans.

"Gaano na ba kalabo mata mo Hayley? Nadudulas mag-isa.Psh." Sabi pa ni Hans sabay pasok ulit sa Movie room.

"Ay nga pala Nerdy? Kuha ka foods pwede?" Ngiting-ngiti namang sabi ni Clay. Naubos na siguro nila-- nya yung dinala ko kanina.

"S-sige." Sabi ko sabay tayo.

*Beep-Beep* *Beep-Beep*

Natauhan naman ako nang marinig ko nanaman yun busina. Nanakbo nanaman ako pero this time nag-ingat na ako. Bakit kasi ako lang nakakarinig nung busina na yun? Nasaan yung ibang katulong dito? Hindi ba nila alam na may kotseng naghihintay pagbuksan sa labas?

Paglabas ko hindi alam kung bubuksan ko o hindi yung gate kasi di ko kilala yung kotseng nasa labas. Pero nataranta nanaman ako nang bumusina yun. Kaya binuksan ko na.

Tinignan ko lang yung kotse habang papasok yun. Nang makapasok na yung kotse isinara ko na ulit yung gate.

 Bumaba naman ang isang matanda at isang ka edad ko yatang babae. Grabe ang ganda nya, nahiya naman daw ako sa pananamit nya. Malamang Hayley mayaman yan halata naman oh, look at her she's so gorgeous. I thought to myself.

I'm Inlove With My Nerd Yaya [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon