Kumakahol na aso ng kapitbahay, nagsisigawan na mga tambay, mga radyo na nagpapatugtog ng mga beatles song....
biglang umihip ang malakas na hangin...
" Ah... ah... Ano yun Nadine?".. tanong ko sakanya na tila huminto ang puso sa sobrang kaba na aking na fe-feel... :/
"Jet, mag tapat ka nga sakin, may gusto kaba saakin? kasi... sorry ah, napansin ko lang kasi kanina... gusto ko maging honest ka, di naman ako galit eh."
Nagulat ako na tinanong niya ako ng ganun.... grabe nahalata nya na pala ako....
"ahm, Nadine,.......Oo gusto kita, sinula nung first day." sagot ko sakanya
" First day? di mo pa nga ko kilala ng lubusan nagustuhan mo na agad ako? hindi naman masama magkagusto, pero sana kinilala mo muna ako bago ka dumiskarte, hindi ako galit o anu man, nailang lang talaga ako kanina" (sagot niya sa akin)
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. bistado na ako. friendzone naba ako?
"Ewan ko ba, basta ito na ang naramdaman ko simula ng makita kita, exception ang pagiging campush crush mo, alam mo, sa bawat araw na magkasama tayo lalo ako nahuhulog sayo" ito nalang ang tanging naisagot ko sa kanya. dahil sa sobrang kaba ko... "Gusto sana kita ligawan kung wala pang nauna saking manligaw sayo..."... Hays bakit ko ba nasabi to.. ano naman kung merun mang nauna sakin? eh may the best man wins naman ://
"Walang nanliligaw saakin.........Alam mo Jet, Hindi basta basta ang love, hindi porket nakita mo ko eh mahal mo na agad ako..... Jet hindi naman masamang manligaw ka, naappreciate ko naman lahat ng ginagawa mo pero kasi, hindi ba masyadong maaga para ligawan mo ko Jet?"
"Hindi ko alam Nadine, basta ang alam ko, ito ang nararamdaman ko sayo, hayaan mong patunayan ko sayo na seryoso ako na ligawan ka at maging tayo" wala akong ibang nasabi kundi ang mga linyang yan... talagang breathless ako dun ah...
"Bahala ka Jet.... kung yan ang desisyon mo hindi kita pipigilan, diskarte mo yan eh, pero sinabihan na kita....hmm. gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, hindi din natin masasabi, baka quite sometimes mainlove din ako sayo dahil sa panliligaw mo, lets see ah pero hindi ko mapapangako na masasagoit kita ngayon... bye..." sabay baba ng phone
mga salitang huli kong narinig bago mag end ang call... naku. panu yan alam na niya. nakakahiya... hindi ko alam ang gagawin ko.
Tinawagan ko si madison ng mga oras na iyon...
"Madison, hello? bestfriend!!!!" hinihingal ako na tila kinakabahan.
"oh bakit Jet??????"Sagot niya sa akin
"Bestfriend, nahalata na niya ako, na may gusto ako sakanya". at kinuwento ko na nga kay madison lahat ng nagyari.
"Jet, huminahon ka, hindi pa tapos ang mundo,... ayaw mo ba nun? pinayagan kang manligaw? which means binibigyan ka niya ng pagkakataon..(mahinahon na sinabi ito ni madison.)
"Pero seriously parang hindi ko alan ang gagawin ko, paano kung nagkita kami, awkward moment nalang? eh sa alam niyang liligawan ko na siya" mga katagang sinabi ko kay madison kahit na kinakabahan ako...
ang lakas ng pintig ng puso ko ng mga oras na iyon. para akong aatakihin sa sobrang kaba.
"Ano ba sinabi ko sayo kanina Bestfriend kong Jethro bago ka makipag kita sa kanya? di ba have a self confidence? oh chin up lang. hindi naman kayo nag away eh. besides pinayagan ka niya so walang dapat ika awkward dun nagegets mo ba ako?"
"ganun ba? salamat ah... salamat talaga.." sabay baba ng telepono...
----------------------------------------------------------------
Kinabukasan, sa school nagkita kami ni Nadine.. binigyan ko siya ng flowers at chocolate.
.
.
.
. halos araw araw o sabihin na nating dalawang buwan ko na siyang binibigyan ng flowers at kasabay nun, dalawang buwan ko na din siyang nililigawan,
isang araw, sa harapan nila ervic, madison at nadine.....
"Nadine? mahigit dalawang buwan na ko nanliligaw sayo, mayroon akong gustong itanong sayo.... Can you be my girlfriend?" sabay kuha ng kamay niya sabay luhod.
"Ha? Jet ang baduy mo talaga mag propose.... tumayo ka nga diyan."
"Hindi ako tatayo hanggat hindi ko naririnig ang sagot mo Nadine kaya please answer me....."
"Ahm pero... hays ocge na nga... Oo na tayo na" (sa wakas..... ang pinaka hihintay kong word ay nakamit ko na"
Nang mga oras na yun, Nagbablush ako, agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.......sobrang higpit...
" Congrats pre" nakangiting sinabi ni Ervic...
Di naka imik si madison sa sobrang gulat..... hanggang sa tinapik siya ni Ervic...
"Ah... nagulat lang ako haha.. congrats bestfriend.. congrats Nadine... sana magtagal kayo.."
"Salamat sa inyo guys" sabi namin ni Nadine sakanila
naalala ni madison na may kukunin pala siyang pera sa banko kaya agad siyang nagpa alam sa tatlo. "Guys, may pupuntahan pa pala ako... congrats sa inyong dalawa ah ".
.................
"Totoo kayang sa bangko pumunta si Madison?"
To be Continued........