Natapos na ang First subject namin at mahaba pa ang oras bago ang susunod naming subject. Pumunta muna kaming tatlo sa Canteen para bumili ng makakain dahil sa boring ang subject, boring din magturo yung prof.
"Jet!" (pabulong ni Ervic). "Bakit?" ( sagot ko)
"ayun si Nadine , pagkakataon mo na para makausap siya" (tugon ni Ervic)
Napaisip si jet na wari'y tama nga ang sinabi ni Ervic sa kanya, pero natotorpe ito at hindi alam kung paano niya kakausapin si Nadine.
Napa face palm ako sabay napaatras, "Pre, hindi ko kaya, natotorpe ako."
Natatawa si Ervic habang kausap ako. "hay naku, sige na nga ako na bahala "
"Sigurado ka na ba diyan sa gagawin mo Jet?" tanong ni Madison na tila nag aalangan sa binabalak kong makipagusap kay Nadine, Bakit? wala namang masama makipag kaibigan sa iba ah.
"oo naman nuh ako pa :)" (sagot ko)
At nilapitan na nga ni Ervic si Nadine upang kausapin. at ako, naupo sa nalang sa pwesto namin at nahihiya akong tumingin sa kanila. "Hi Nadine, pwede kabang makausap?" sambit ni Ervic kay Nadine
"O Ervic :)...Ahm ako? pwede naman bakit? para saan?" ngumiti si Nadine habang kausap ang kanyang alumni classmate na si Ervic.
"Gusto ka kasi sana makilala ng kaibigan ko. kung okay lang naman sayo, pero kung ayaw mo, ok lang din." sabay nakangiti habang hinihintay yung sagot ni Nadine.
Nagtataka si Nadine sa kung anong gustong ipahiwatig ni Ervic sa kanya.
Nagtaas ng kilay si nadine. "Sino ba? Nasaan siya?"
"Si jet, yung transferee natin. gusto niya daw makilala ka para madagdagan daw yung friends niya dito."
kakakuha palang ni Nadine ng binili niyang coke sakto sa tindahan at napatawa. "Haha! ganun? sige, asan ba siya? Bakit hindi siya ang lumapit sa akin at nagpatulong pa siya sayo?"
"Hindi naman sa natotorpe siya, ako lang kasi ang nag prisinta na kausapin mo siya." Nakangiti rin si Ervic na tila'y nakahinga na ng maluwag dahil pumayag na si Nadine na magkausap kami
Natutunaw na yung binili kong Ice cream ng biglang dumating si Ervic katabi si Nadine. "Ikaw ng bahala Tol, bibili lang ako ng makakakin ko, Tara Madison, bayaan muna natin silang dalawa mag usap."
"pero, paano si Jet? iiwan nalang natin siya dito mag isa?" pagtataka ni Madison at napatingin kay Ervic. "Kaya na niya yan, tiwala ka lang sa kanya at isa pa, andyan naman si Nadine eh." Nakangiting sagot ni Ervic na animo'y kumpiyansa siyang magtatagumpay ako sa pakikipagusap ko kay Nadine.
Maya-maya pa'y.....
"Hello Nadine, ako nga pala si Jet, Sorry kung ginamit ko pa si Ervic para makausap ka, siya kasi ang nag prisinta nun eh."
"Masarap yung Ice Cream kung kinakain mo, kaso mukang tunaw na eh" pabirong sinabi ni Nadine sa akin sabay upo sa harap ko at uminom ng coke. " Well, I'm Nadine, Alam mo naman na siguro yung pangalan ko diba? bakit mo pala ako gustong makilala?"
"Gusto ko sanang makipag kaibigan saiyo, kung ok lang, pero kung hindi, ok lang din" Pautal utal kong sinasabi iyon, nakakahiya, ayokong malaman niya na may gusto na agad ako sa kanya
"Yun lang pala yung dahilan eh, dinamay mo pa si Ervic, Haha, Oo naman, pwedeng pwede, saka Newbie ka lang dito sa school diba? Mukang sa iba na pumwesto sina Ervic eh or maybe nasa classroom na sila nung girl na friend mo, halika i tour kita dito sa school" Habang papatayo na si Nadine sa kanyang kinakaupuan at nakatingin sa akin.
"Tour?" ang tanong ko saknya, syempre sinong lalake ang hindi papayag eh yung crush mo na yung solo mong makakasama at i-tour kapa sa buong campus. " Ok lang ba sayo na i tour ako? wala kabang mga kasama?"
"Ako? Oo nuh," Sagot ni Nadine "ako nga nagsabing i tour kita eh, Ok ka lang ba friend?" namumutla na kasi ako nung mga panahong iyon habang papatayo na sa upuan. " Gusto mo dalhin muna kita sa clinic? mukang ubos na dugo mo eh" pag a-aya ni Nadine."
Nagulat ako sa concern niya sa akin. "Hindi, wag mo na akong dalhin sa Clinic, Kaya ko na ang sarili ko Thank you nalang Nadine. O sya tara na, alis na tayo at para malibot mo na din ako sa buong campus. Excited lang ako masyado dahil nga I tour ako ni Nadine sa Buong Campus at makikilala ko pa siya ng lubusan..
At tino-tour na nga ako ni Nadine sa Buong Campus, ang dami naming napagkuwentuhan, nakilala ko siya ng lubos, nalaman ko yung mga gusto niya at mga ayaw niya. Nalaman ko mga gusto niyang gawin, mga gusto at ayaw niyang pag kain at kung ano-ano pa. Hanggang sa Nakita namin si Madison ng Nag- iisa sa may ilalim ng puno habang nag aaral ito, Teka, Aral? wala pa ngang Discussions. Nakalimutan ko Katulad ko Nakakuha din siya ng Scholarship at siguro nag a-advance reading siya... Lupet!!!!
After a long long hours, Natapos na din ang aming klase,.
"Madison, Sabay na tayong umuwi ah?" Pagkatanong ko kay Madison. pumayag naman si madison sa alok ko sa kanya.
"Nadine? Thank you nga pala kanina sa pag tour sa akin ah, see you tomorrow." sabay shake hands ko sa kanya. at agad siyang umalis dahil hinihintay siya ng mga friends niya at mag ma-mall pa ata sila Hindi ko man lang nakuha yung number ni Nadine Sayang naman. Hindi naman ako ganun kayaman para mag mall lang kaya niyaya ko nalang si Madison sa palengke para mag meryenda bago umuwi. "Tara Madison, Kaen tayo, may alam akong masarap na lugaw malapit sa atin."
At nag meryenda nga kami sa sinabi kong lugawan, sa sobrang kakaisip ko kay Nadine, hindi ko namalayang lumamig na yung pagkain ko. " OY! tama na yang ilusyon mo! Malamig na yung Lugaw mo." Grabe pala manermon itong si Madison, parang si mama.
"Magustuhan kaya ni Nadine ang isang katulad ko?" Tanong ko sa Sarili ko,.... Biglang sumagot si Madison habang nakaturo sa akin yung kutsara niya. " Alam mo, walang makakasabi, pero sa nakikita ko, mukang hindi, kasi mag kaiba kayo ng estado, mayaman siya at ganito ka lang, sa magulang pa lang niyan tiyak bagsak kana, at base mo sa kinukwento ni Ervic na Ex- Boyfriend niya, nakakapunta sa U.S, mayaman yun nuh."
"Wala naman sa Estado yan eh, parang Cinderella Story lang yan." Patawa kong pagsagot kay Madison.
Nasamid si Madison at agad uminom ng tubig. "Cinderella? Yuck!!! Are you gay? Haha!! Well may point ka naman, pero sana mag-isip ka muna bago ka gumawa ng isang hakbang."
"Oo naman Madison, Pero sana talaga magustuhan ako ni Nadine at matanggap niya kung ano estado ko ngayon." sambit ko habang nakatingin sa langit.
...............................................
@_@
![](https://img.wattpad.com/cover/14829554-288-k451801.jpg)