Aina POV
Ate nya si Rosary? At pa-patay na ito?
"Patay na siya?"-me,huminga sya ng malalim bago sumagot
"Oo 2 years ago na"
"H-how?"
"Na..natagpuan syang patay sa isa sa mga cr"-namatay sa loob ng cr..CR!
"Bakit pala walang salamin mga cr dito?"-me
"Di ko din alam pero may isang cr na may salamin, kaso nilock na ito kaya wala ng nakakagamit nito"
"Bakit naman?"
"Dun si Ate natagpuang patay"-pano?bakit? Di ko na sya tinanong pa. Halata kasi na wala din itong alam.
Niyaya ko na sya bumalik sa loob,pero nagpa iwan na lang sya. Break na ng pumasok ako kaya walang tao sa loob ng room. Nasa cafeteria siguro yung tatlo.
Pag upo ko diko maiwasang di mapa isip sa mga nangyayari. Para itong isang puzzle na may kulang pang mga piraso.
Pano ko kaya malalaman ang mga tinatago ng eskwelahan na to? Yung LIBRO! Pero saan ko naman to hahanapin? Matagal na daw yung nawawala. Tska gusto kong makausap si Rosary alam kong kaluluwa na lang ito pero nakausap namin sya di malabong maulit iyon.
Tumayo ako at lalabas na sana pero nakaramdam ako ng pag galaw ng upuan sa gilid ng room. Pagtingin ko may patak ng dugo ang upuan. Tumingin ako sa kisame sa tapat nito may tumutulong dugo galing dun.
Dali dali akong tumayo at lumbas bigla namang sumara ng malakas ang pinto. Muntik pa kong maipit! Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa malabas sa building. Hinihingal pa ako ng makita ako nina Rose.
"Ai! Ok ka lang? Bat di ka na bumalik sa room?"-Rose
"Wa-wala, samahan nyo naman ako sa Library"-me, wala akong balak sabihan sila dahil alam kong mag sisigaw lang ang mga to. Susubukan ko na lang muna libangin sarili ko sa library, susubukan ko ding hanapin yung libro.
Pagdating sa library dumiretso ako sa History section. Tinignan ko ng maigi ang mga libro.
Hmm. Di ko nga pala alam yung hitsura at title ng librong yun. Medyo madilim sa section nato kaya kinuha kong yung phone ko at inilawan yung mga aklat.
Bigla kong nabitawan ang phone pupulutin ko na sana ito ng may makita akong libro sa ilalim.Kukunin ko na sana ito ng may kamay na kumuha dito.
Bigla akong napaatras. Kinuha ko yung phone ko at inilawan yung ilalim. Wala na dun yung libro. Sinong kumuha?
Imposibleng may tao sa likod dahil pader na ang nandun. Aalis na sana ako ng may biglang nahulog na libro.
Pinulot ko ito at pinagpagan. Dinala ko ito sa may liwanag upang mas malinaw ko itong makita.
"Ai, anong klaseng libro yan?"-bungad sakin ni Steff
"Mukhang pinaglipasan na ng panahon"-Mian
"Tumahimik nga kayo"-me, pinagpagan ko yung libro grabe ang kapal ng alikabok. Nagtaka ako dahil walang kahit anong nakasulat sa cover nito,kaya dahan-dahan ko na itong binuklat.
Agad na bumungad sakin ang mga katagang 'Makakatakas ka pa kaya?'
"A-ano yan?-Rose
"Shh"-me , binuklat ko pa ang mga kasunod na pahina.
Mukang naisulat ito during WWII. Sinasabing libo-libong katawan ng mga sundalo ang natagpuang patay at halatang walang awang pinatay ang mga ito.
Sinunog lamang ang kanilang mga katawan hanggang sa maging abo ito.
BINABASA MO ANG
Lewis International College ( Paaralang Puno ng Misteryo)
ParanormalBuong pag aakala ni Aina na ang dahilan kung bakit sya ipinatapon sa paaralang malayo sa syudad ay para lamang mapatino sya. Ngunit sa pagpasok nya sa isang misteryosong paaralan ay matutuklasan nya ang mga nakakikilabot na katotohanan. Katotohanan...