Chapter 3

6 3 0
                                    


Aina POV

"Ang g..gwapo *Q* "-Rose

"Ikaw di ka rin ba tao *Q* ?"-Mian , haist nakakita lang ng gwapo ..Oo gwapo nga tss... nakalimutan agad yung nangyari kanina .Nakakahiya naman ang dalawang to :3

"Anong ibig mong sabihing multo ?"-me

"Multo yung pinag-uusapan nyo ngayon lang"-sya, ewan alam ko namang mga ito talaga yung may pakana ng kababalaghan dito pero...parang hindi pa satisfied ang utak ko.

"May I know your name?"-singit ni Rose

"I'm Franz Jhosyl Lewis son of the owner of this School"

"Hi I'm Rose Reyes" ^_^

"I'm Mian Monteverde" *_*

napatingin naman sakin si Franz
"And I'm Aina Miracle Smith"

"Bakit nyo naisipang mag-aral dito?"

"Kasi maganda tong School nyo"-Rose

"At mukhang mababait ang mga tao dito"-Mian -_- nawala na nga sa isip nila yung tungkol kanina ,pagkarinig lang na sina Franz ang nag mamay-ari ng school..Aba't binigyang puri ang eskwelahan.

"Sa totoo lang di namin ginustong mag-aral dito, ang mga parents namin ang naglipat samin dito"-me ,binigyan naman ako ng dalawa na BAT-MO-KAMI-BINUKING-LOOK :3

"Ah kaya pala wala kayong alam sa mga nangyayari dito" napatingin agad ako sa kanya. Tama sya wala nga kaming kaalam alam sa mga nagyayari dito. Pero sya mukhang maraming alam.

"Kung may alam ka sabihin mo na"-me,pagkasabi ko nun ay dumating ang teacher namin

"Malalaman nyo rin yan" di na muna ako umimik kaya naman nakinig nalang ako sa discussion.

_____________________________

"Okay for this day magkakaroon tayo ng 'ASK EVERYTHING' activity ang magiging partner nyo ay ang seatmate nyo para dina kayo maghanap pa. Ok you may now start at may gagawin pa ko remember Question lang ia-ask at hindi service or things this will also help you to get to know with each other more"-Sir hmm..kapag sinuswerte ka nga naman 

"Ai palit tayo ng upuan"-Rose

"Ai sakin ka makipag palit"-Mian

"Di ako makikipagpalit sa inyong dalawa okay? Kaya mag simula na kayo" sumimangot naman ang dalawa at tumalikod na.Humarap naman ako sa katabi ko...

"So pano ba yan?"at napa smirk ako

"Ask"

"Anong meron sa School na to?Kahapon may nakita akong babae sa may cr na nakaupo sa lababo na puno ng dugo, tapos may tumalon sa building at may creepy pa na babaeng nagsisigaw ,may nakita rin ako dito na walang mukha at kanina.."di pa man ako natatapos eh sumagot na sya

"Puno ng misteryo ang Paaralan nato kahit ako diko alam. Ang alam ko lang maraming multo dito yun lang. Ang tanging sasagot sa mga tanong natin ay nasa isang libro"

"Bakit di mo alam samantalang kayo ang nagmamay-ari sa School nato at Libro ? Anong libro ?"-me

"Oo kami may-ari nito nararamdaman at nakikita ko rin at ng lahat ng estudyante dito ang mga sinasabi mo,pero sa 5 years na pag stay ko dito wala pa rin akong alam sa likod ng mga misteryong nagaganap."-franz, tinignan ko sya ng mabuti mukha naman syang nagsasabi ng totoo.

"Eh yung librong sinasabi mo?"ewan ko ba pero parang gusto ko tuloy mabasa ang librong tinutukoy nya.

"Tinanong ko sa lolo ko yung mga katanungang gusto kong malaman ang sagot . Pero ang tanging sinagot nya ay nasa isang libro ang sagot sa lahat ng katanungan ko"-Franz

Lewis International College ( Paaralang Puno ng Misteryo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon