Chapter 6

5 3 0
                                    

Aina POV

Nag-isip kami kung saan nila pwedeng dalhin si Steff.

"Baka nasa dorm nila? Di ba may birthday?"-Rose

"Multo nga yung kasama ni Steff di ba? Malamang sa lugar na di halata nila ito dadalhin"-Mian,tama may punto si Mian.

"Malamang nasa pinaka malayo o dulong parte ng lugar sila"-me

"Sa Sementeryo"-napatingin ako sa katapat ko si Franz. Apat na lang din kasi kami dito sa mini-bus,actually di ko sya napansin.

Pero matutulungan nya kami mas marami syang alam sa lugar na to.

"Franz! Nandyan ka pala tamang-tama..."-Rose

"Pwede ko kayong tulungan"-tumingin ako sa kanya at tumango na lang.

Nagpahatid na kami sa sementeryo,sana nandito sila, sana di pa huli ang lahat. Maya-maya pa ay bumaba na kami sa sementeryo.

Masyado ng madilim kaya mahirap aninagin. Sa di kalayuan ay nakarinig kami ng malakas na pagsigaw ng isang babae.

"Si Steff!"-agad kaming tumakbo papunta sa lugar ng pinanggalingan ng boses.

Nakikita na namin si Steff. Namimilipit ito. Nang tuluyan na kaming makalapit ay wala na itong malay. Napansin ko ang sunog na braso nito.

"Steff! Gumising ka!"-Rose

"Humihinga pa sya, Franz pwede mo ba sya buhatin?"-me, dahan-dahan nya itong binuhat.

Nagmadali na kaming ilayo si Steff sa lugar. Bigla akong napatid ng sanga kaya napa dapa ako.

Pagtayo ko hahakbang na sana ako ng bigla akong nahulog.
"Ouch! Te..teka nasan ako?"-para syang basement.

Bakit may ganito dito? Kinuha ko sa bag ang phone ko at ginamit itong flashlight. Di naman malalim ang lugar na pinagbagsakan ko siguro mga 5meters mula sa taas.

Tumayo na ako at nag masid sa paligid. A-ano to? May pinto rito upang makapasok sa loob.

Pumasok pa ako sa loob kinakabahan man ay tuloy pa rin ako. Parang may kung anong bumubulong sakin na dapat akong pumasok. Nang tuluyan na akong makapasok napa nganga ako sa dami ng mga libro.

Biglang may pumasok sa isip ko. Di kaya nandito yung librong sasagot sa mga katanungan ko?

Saan naman kaya ako magsisimulang maghanap?
*BOGSH* Nagulat ako ng biglang sumara ang pinto.



Franz POV

Buti na lang at hinintay kami ng mini-bus na sinakyan namin. Papasok na kami ng mag salita ang isa sa mga kaibigan ni Aina, Rose ata ang pangalan.

"Te..teka nasan si Aina?"-sya, napatigil ako sandali sa sinabi nya. Lumingon ako sa likod at di nga sya nakasunod samin.

"Aina!! Nasan ka na?"-Mian,agad ko ng sinakay si Steff at dahan-dahang inihiga sa dulong upuan ng mini-bus.

"Mauna na kayo sa infirmary babalikan ko si Aina"-napilitan silang pumasok na dahil baka kung ano pa ang mangyari kay Steff.

Lumabas na ako at bumalik sa mga dinaanan namin. Sa sobrang pagmamadali ay di ko na pansin na may hukay pala kaya nahulog ako dun.

"F*ck"-me, pagtingin ko sa loob sobrang dilim gabi na rin kasi.

Kinuha ko ang phone ko para ilawan ang lugar. Sa tagal kong paninirahan sa village at pag punta dito sa sementeryo di ko alam na may ganito pa dito.

Nakakatakot ang lugar ang daming sapot.

*BOGSH*
nagulat ako sa tunog ng pag sara ng pinto. Agad kong inilawan kung saan nanggaling ang tunog. May limang pinto akong nakita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lewis International College ( Paaralang Puno ng Misteryo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon