mag comment kayo pag kinilig kayo :(
pag hindi ok lang T^T alam ko namang korni ako eh lololol.
--------------------------------------------------------------x
“ tapos na ko jongin, nakalimutan ko kasing humiram ng damit sayo.. “
“ a-a-aah o-o-oo ! oo ! saglit lang hyung “
Pagka kuha ko ng damit sa itaas ay ibinigay ko agad ito sa kaniya para makapag palit na siya. Buti na lang hindi niya napansin na nanginginig ang mga daliri ko. Dahil malamang ay mag aalala siya, minsan kasi sa sobrang inosente niya sobra siyang mag aalala sayo.
“ hyung .. ok nga lang kasi ako “ sabi ko sakaniya dahil ang lungkot lungkot ng mukha niya.
Nandito kami ngayon sa clinic ng school namin, muntik na kasi siyang matamaan ng bola ng volleyball habang naglilinis kami ng field para sa community service namin sa school. Masyado siyang tuwang tuwa sa mga langgam na pila pilang naglalakad kaya hindi niya napansin ang paparating na bola.
Dahil ako ang pinaka malapit, niyakap ko siya kaya natamaan ng todo ang balikat ko. Kitang kita ko sa mukha niya ang pag aalala kaya ningitian ko na lang siya. May mga sumubok na tulungan ako pero tinataboy sila ni kyungsoo.
“ wag mo ngang hawakan si jongin !! kasalanan niyo kaya !! kainis T^T “ hinawakan niya ko sa baywang at inakbay niya ang kamay ko sa balikat niya para suportahan ako habang naglalakad dahil pakiramdam ko babagsak ako ano mang oras.
May mga gusto pang humirit na may kasalanan rin naman si kyungsoo pero sinamaan ko lang sila ng tingin. Dahil wala silang karapatang pagsabihan ng masama ang taong mahal ko.
“ jongin .. sorry talaga “ sabi nito pagkatapos gamutin ng nurse yung balikat ko kaya iniwan na niya kaming dalawa sa loob ng clinic.
“ ok nga lang kasi hyung.. wag mo sisihin yung sarili mo “ hinawakan ko yung batok niya at medyo minamasahe ito.
“ sorry “ nagulat na lang ako ng bigla siyang humagulgol sa iyak. Pilit naman niyang pinupunasan yung mga luha niya pero hindi ito tumitigil sa pagtulo kaya tinapik tapik ko na lang yung likod niya. Napapangiti na lang sa kinikilos niya.
Lumapit siya sakin para yakapin ako, isinubsob niya yung mukha niya sa dibdib ko kaya niyakap ko na lang din siya habang minamasahe pa rin yung batok niya para naman kumalma siya.
“ hoy jongin =_= “ nagising ako sa pagt-throwback ko nang may naramdaman na lang akong tumutusok na daliri sa labi ko.
“ bakit hyung ? “
“ anong gusto mong lutuin ko kako O^O “ hinila ko siya para yakapin. Isinubsob ko yung mukha ko sa leeg niya. Gustong gusto ko kasi talaga yung amoy niya lalo na pag bagong ligo. “ joooongin.. magluluto na ko eeeh ! alam kong gutom ka na ng mga ganitong oras OvO “
Naglakad siya papunta sa kusina namin habang nakayakap pa rin ako sakaniya kaya umaatras naman ako. Tahaha ang cute namin :”””>
“ jongin T^T magluluto na koooo.. parang awa mo na T^T “ tumawa ako dahil sa sinabi niya, umalis ako sa pagkaka subsob ko sa leeg niya para lumipat sa likod niya. Nakayakap pa rin ako sa kaniya kaya pinatong ko na lang yung baba ko sa balikat niya. Napapangiti na lang ako at alam kong ganoon rin siya.
I’m 'truly madly deeply' in love with you hyung..
--------------------------------------------------------------------x
halata naman sa title, na wala siyang SPG moments xD tahahah :3
pahinga muna sa smut dahil nanunuyo na yung utak ko xD
sana binabasa niyo to hindi dahil sa Rated siya, kung hindi para sa KAISOO :))
na-miss ko magsulat sa kaisoo imagines kaya ginawa ko to, syempre joke lang xD
hindi na edit, kakatapos lang gawin. kaya baka may mga errors xD
happy 100 comments xDD lalalala~~ <3 <3 <3
please vote and comment :DD
-saranghaedyo <3
BINABASA MO ANG
Innocent Hyung. [ K A I S O O ]
Fanfictionsamahan si Kim Jongin na mag pigil ng hormones sa inosente niyang bespren na si Do Kyungsoo. © saranghaedyo April - August 2014