hindi ko alam kung anong meron sa vanilla flavored milk na iniinom ko ngayon at sinipag akong tapusin tong chapter na to lols. xDD
sabaw at maikli tong chapter na to pasensya na =_= gusto ko lang tlagang mag update dahil sa mga natanggap kong comments sa nakaraang chapter T^T i'm so tats. I creii <3
------------------------------------------x
“ hangyajharje jongifsddsmvndn ? “
“ Ano ? =_= “ tanong ko kay sehun na tuloy lang ang pag lamon
“ sabi ko anong nangyari ! “
“ saan ? “
“ tss, dibale na nga ! nagyayaya nga pala sina kris mag bar mamaya ! “
“ oh ? “
“ sehun “
“ =_= “ binato ko sa kaniya yung hawak kong stick-o, sinalo naman niya ito at ginawang sigarilyo
“ pupunta tayo kahit anong mangyari ! hahampasin ko yang ulo mo ng bato tapos kakaladkarin kita hanggang sa bar ! BWAHAHAHAHA !! “
“ ayokong mag bar, sasakit lang ulo ko doon “
“ kung sabagay.. wala na si kyungsoo na mag aalaga sayo pag nagk— sabi ko nga titigil na -3- “ sinamaan ko lang siya ng tingin at namagitan ang katahimikan sa aming dalawa.
Naalala ko tuloy nung unang beses akong mag bar, kasama ko rin noon sina sehun at iba pa naming kaibigan na sumasayaw din. Napadami ako ng inom at muntik pa kong mapahamak. Pinagalitan ako ni kyungsoo nang maka uwi ako pero habang sinersermunan naman niya ko ay inaalagaan naman niya ako.
Hindi siya umalis sa tabi ko noon, hanggang umaga pinagsilbihan niya ko. Pero kung mag b-bar ako ngayon, sigurado akong wala akong kyungsoo na madadatnaan pag uwi ko..
“ seryoso jongin, sumama ka na. Hindi naman masamang magpaka saya muna kasama kami diba ? “
Tama siya, simula nung bakasyon wala na kong inisip kung hindi si kyungsoo. Kung kumakain ba siya ng tama, kung nakaka uwi ba siya ng ligtas, kung sumasama pa rin ba siya sa iba’t ibang lalaki. Gusto kong malaman lahat pero hindi ko magawa dahil pag nasa SC room kami ay pinagbabawalan ako ni suho na lumapit kay hyung. Kung may kailangan ako sa kaniya lang ako lalapit dahil siya naman ang vice-president.
Napapansin ko rin ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Para bang prinoprotektahan ni suho si kyungsoo sa mga tao.. lalo na sa akin.
Pero wala lang sa akin iyon, kasi may tiwala ako kay suho. Mas okay nang sila ang magkasama kaysa naman sa iba ibang lalaki. Dahil alam kong wala siyang gagawing masama kay kyungsoo.
Tao’s POV
“ suho-hyung.. sobra naman ata yang ginagawa mo ? “
“ wag kang makialam tao. “
Nandito kami sa isang bahay na pagmamay ari niya, maganda naman ito at halatang hindi pa nagagamit. Pero malayo ito, malayo sa school at sa bahay ni kyungsoo at ni jongin.
“ pero bakit kailangan mo pang ikulong dito si kyungsoo ?! “ napa tingin ako kay kyungsoo na walang malay ngayon. Kinakain ako ng pagsisi at awa. Hindi ko akalaing aabot sa ganito, na masasaktan si kyungsoo.
Tinulungan ko si suho na makuha si kyungsoo para makapag higanti kay Kim Jongin. Nagpakamatay ang matalik kong kaibigan dahil lang sa ate niya.
Nalagpasan ko naman iyon maka lipas ang ilang taon pero hindi ko alam kung anong ginawa sakin ni suho para manumbalik ang galit ko. Sinabi niya sakin ang mga plano niya para makuha ang mahal niya at makapag higanti naman ako kay jongin at pumayag naman akong tumulong sa kaniya.
Pero ngayon ay puno na ko ng pagsisi, dahil kung titingnan mo, wala talaga akong napala sa pagtulong sa kaniya. Naka sakit lang ako ng ibang tao at naka sira ng relasyon. Hindi naman si kyungsoo ang ate ni jongin kaya bakit ko nga ba ito ginagawa..
“ kumuha na ko ng magbabantay sa kaniya dito “
“ h-hindi ako ? “ tanong ko
“ syempre. Alam kong nagsisi ka na ngayon, kaya hindi ako magkakamaling ipagka tiwala ito sayo “ sinarado na niya ang pinto ng bahay, iniwan ang walang malay na kyungsoo sa loob. Lumapit siya sakin at bumulong
“ mag isip ka ng mabuti tao, isang maling galaw mo lang.. alam mo nang mangyayari sa taong mahal mo “ napa ngisi siya bago tuluyang umalis sa harapan ko
Kris-hyung..
------------------x
ohorat ! ^o^/
HunHan moments sa next chapter ok lang sainyo ? :3
please vote and comment :DD
-unedited.
-saranghaedyo <3
BINABASA MO ANG
Innocent Hyung. [ K A I S O O ]
Fanfictionsamahan si Kim Jongin na mag pigil ng hormones sa inosente niyang bespren na si Do Kyungsoo. © saranghaedyo April - August 2014