Chapter One
=School Garden=
It's a bright sunny day. Nasa school garden ako ngayon, sitting on my favorite spot--- a bench under the big mango tree. Maganda ang spot na 'to, perfect for meditating. Kasalukuyang break time namin, lagi akong narito para mag-relax, kumain o kaya naman umidlip nang saglit. Minsan, naisip ko na----
"Lewis!!" Ay panira ng moment. Lumingon ako sa kinaroroonan ng boses.
"Lewis!!" Si Mark pala classmate ko.
"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." Sabi nya habang humahangos.
"Bakit? May kailangan ka?" tanong ko.
"Pahiram ako ng notebook mo sa Biology. Kokopyahin ko yung mga notes natin kahapon. Yari na naman ako nito mamaya, di ko kasi nakopya kahapon eh."
"Hindi mo nakopya? O hindi ka kumopya?" hehe, pang-aasar ko. Napakamot s'ya sa ulo.
"Importante pa ba yun? Pahiram na please! Magchecheck si Ma'am ng notebook di ba? Sawang-sawa na ko sa minus eh..." umakto pa na iiyak, eh di naman bagay sa kanya.
"Wag kang gumanyan, hindi bagay sayo. Sige na, anong oras na ba?"
Tumingin siya sa wrist watch n'ya.
"9:10 AM na."
"May twenty minutes pa ko. Kunin mo na lang sa bag ko yung notebook. After twenty minutes pa ko aakyat eh.."
"Oki-doki!!! Thank you, classmate!" at yun para s'yang nag-teleport sa bilis ng pagkawala n'ya sa harap ko.
Nalimutan ko magpakilala. Ako pala si Lewis Cole Del Rio. Second year high school (class 2-B). Hindi ako magaling sa introduction kaya mag kukwento na lang ako.
Maaga akong naulila sa ama kaya ang mama ko na lang ang bumubuhay sa akin. Hindi ko s'ya kapiling ngayon kasi nagtatrabaho s'ya sa Paris as Head Chef sa isang five star hotel doon. Mag-isa lang ako, at wala rin akong kapatid. Sa araw-araw ang lagi lang bumubungad sa akin ay ang e-mail ni mama. Marami s'yang binibilin. Miss ko na si mama, miss ko na yung mga luto n'ya, at miss ko na din yung good morning kiss n'ya. Hay! Sana umuwi na s'ya. Almost one year na s'ya dun. Kung pwede lang sumama doon, kaya lang baka ma-culture shock ako. Pero nangako sa'kin si mama na kapag naka-graduate na ako ng high school ay sa Paris na kami titira.
Doon ko na rin i-pursue ang pangarap ko as Professional Photographer. Hindi na ko makapaghintay.
Huminga ng malalim si Lewis. Tumingin sa kalangitan at uminat.
I always saw this girl on that garden at this hour. Maybe that is her favorite spot. I'm at the second floor of this school building katapat ng room na ito ang garden. Kapag break time dumidiretso lang ako dito sa Arts room para mag-painting. She's my favorite subject sa mga paintings ko. She's always on my canvass but I always wondering... Who's this girl?
Sa bawat pagpahid ko ng brush sa canvass na ito. Lagi kong itinatanong sa sarili ko. Bakit hindi siya maalis sa isip ko?
The school bell rangs, isang hudyat na tapos na ang mga klase . Kaya namumutawi sa bawat estudyante ang ngiti sa kanilang mga labi. Ayan na, parang nakawala sa kural ang mga ito. Nag-aayos na ako ng mga gamit ko sa pag-uwi.
"Lewis, thank you," Nagulat ako, si Mark pala. "Para saan?"
"Pinahiram mo ko ng notebook mo kanina eh. Gusto mo ilibre kita mamaya?" pag-aalok ni Mark.
"Hindi na."
"Sure ka?"
"Oo.." pakipot ako eh.
"Okay. Sayang naman. Bibili pa naman ako ng pocky. Pero kung ayaw mo tal--.."
"Sige na nga," hindi na ko makatiis, kahinaan ko kasi ang pocky eh.
"He-he sabi na nga ba eh.." tumawa siya.
"Bakit ka tumawa?"
"Wala lang. Ang cute mo eh," sabay kurot sa pisngi ko.
"Aray! Talaga lang ha?"
"Joke lang," binawi niya pa. "Si Caroll nga pala?"
"Nasa court siya ngayon. Nagpapractice."
"Ganun? Oo nga pala. Malapit na pala yung Volleyball championship game nila."
"Ano oras kaya matatapos yun?"
"Hindi ko din alam eh," sabi ko. "Pero kung gusto mo, hintayin na lang natin matapos yung practice game nila." Suggestion ko.
"Sige tara na!" abot-tainga ang ngiti n'ya. Tapos hinatak na n'ya ko palabas ng room.
Nasa court kami ngayon, nanunuod ng practice game ni Caroll. Ang galing talaga ni Caroll. Very determined talaga n'ya. Varsity player s'ya, kaya puspusan ang kanyang pag-eensayo. Maliban sa matalino siya, maganda pa siya kaya marami ang nagkakagusto sa kanya. Honestly, I really envy her. Hindi dahil sa sikat s'ya sa school kundi mayroon s'yang kayamanan---- she have a happy and loving family.
"Lewis? Nakita mo?" nakangiting tanong niya.
"Ang alin?" tanong ko.
"Ay.. nginitian ako ni Caroll. Nakita mo ba? Ang ganda talaga niya," grabe, kalalaking-tao, kinikikig.
"Sorry, di ko nakita," sabi ko.
"Tingnan mo," nakaturo siya sa kinaroroonan ni Caroll, kumakaway siya. Kumaway din kami ni Mark.
Pagkatapos ng practice game ni Caroll. Pumunta kami sa isang mall. Ililibre kmi ni Mark. Parang date na rin, ako ang chaperone nila. Pa-simple si Mark kay Caroll.
"Saan niyo gusto kumain?"
"Sa Mcdo n lang," I suggested. Pero parang ayaw ni Caroll kaya tinanong ko siya. "Ikaw, Caroll? Saan mo gusto?".
"Kahit saan na lang. Wala akong maisip eh, gutom na ko," sagot niya.
After namin kumain, dumiretso naman kami sa supermarket. Bumili si Mark ng ten boxes of pocky. Binigyan niya ko ng lima at pati rin kay Caroll. Dahil sa pagod na pagod na si Caroll after sa supermarket ay umuwi na kami. Alas-siyete na pala ng gabi, magkasabay pa kami ni Caroll, naglalakad. Tatlong street lang kasi ang pagitan namin.
"Cole..." Hindi niya ko tinatawag na Lewis kasi mas madali bigkasin ang Cole.
"Bakit?" Yumuko siya. Lalo akong nagtaka sa kanya."Bakit, Caroll?" tanong ko ulit.
"Cole, can you support me?" Sa championship game siguro.
"Sure," sabi ko. "You can count on me."
"So... sasamahan mo ko?"
"Ha? Saan ba? Sa championship game ba?"
"Hindi..." Lalo akong nagtaka.
"Saan?" kunot na kunot na yung noo ko."Direct to point na kasi."
"After the game.. I'm going to confess sa longtime crush ko."
"Ha? May crush ka? Long time crush? Ibig sabihin matagal na. Bakit hindi ko alam?"
"Sorry, Cole.. Nahihiya kasi ako eh."
"Ganun ba? Caroll, di ko alam kung paano kita susuportahan. But I assure you, dito lang ako sa tabi mo."
"Thanks, Cole." She smiled at me.
In love ang bestfriend ko sa kung sino man. Whoever he is, mapalad siya. Pero ba't ganun? Ang daya... meron pala siyang "LONG TIME CRUSH" at ngayon ko lang nalaman. Samantalang ako wala, ang boring talaga ng buhay ko.

BINABASA MO ANG
Fallin' for You (by IFoundYou)
Teen FictionMeet Lewis Cole a high school student. She never fell in love before. And, when that time comes, hindi na niya alam ang gagawin.