Chapter Four

87 8 4
                                    

=A Promise =

"I LIKE YOU, LEWIS COLE"

Para akong naging estatuwa.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Maraming katanungan ang nangingibabaw sa isipan ko.

Bakit?

Kailan pa ?

Paano ako tutugon sa kanya?

Baka inaasar n'ya lang ako. Aba! Sumusobra na s'ya sa pang-aasar. Hindi na nakakatuwa. Pero... bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi kaya.... may gus--... imposible! Hindi ako magkakagusto sa tulad n'ya. Nakakainis talaga, I don't like this feeling.

Nilapag ko na ang camera sa study table ko at pinatay ang lamp shade. Dumiretso na lang ako sa kama para humiga. Matutulog na lang ako, ayaw ko mabaliw sa kakaisip. But, an hour later, tumingin ako sa wall clock na glow in the dark. Ala-una na ng madaling araw. Pinilit kong matulog. Iba't- ibang posisyon na ang ginawa ko sa paghiga. Dumapa, padiretso... halos umikot na ko. Hindi pa din ako makatulog. Nakakainis!

Kinabukasan, sa school. Hindi ko na mabilang ang paghikab ko sa sobrang dami. Antok na antok ako. Pakiramdam ko, parang lumulutang ako sa alapaap. Wala din akong naintindihan sa mga lessons namin. Math subject namin ngayon, nagsusulat kami ng notes. Napahikab na naman ako.

"Miss Del Rio?"

Gusto ko ulit bumalik sa kama.

"Miss Del Rio?!"

Napabalikwas ako sa pagtayo nang marinig ko ang apelyido ko. "Yes, Ma'am"

hikab ulit. Nagtawanan ung mga classmate ko.

"Puyat na puyat ka yata?" tanong n'ya sa'kin eh, obvious naman. " Ang lalim ng ng mata mo."

"Sorry Ma'am. Hindi po kasi ako nakatulog ng maayos kagabi," dahilan ko. Lagot ka talaga sa'kin kuya Borris.

"Ganoon ba? Kanina ko pa kasi napanansin yung mga hikab mo. Nadidistract ako. Next time matulog ka na ng maaga."

"Opo."

"Okay, you may take your sit."

"Thanks Ma'am." naupo ako at nagpatuloy sa pagsusulat.

Pagkatapos ng Math, breaktime namin. Nagring na ang bell.

"Ok ka lang, Lewis?" tanong ni Mark.

"Ok lang," sagot ko, pero 'di talaga ako okay. Tumayo ako.

"Saan ka pupunta?" tanong n'ya.

"Punta lang ako sa CR."

Pumunta ako sa CR para maghilamos. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Napahikbi ako, totoo nga ang sinabi ni Ma'am.. ang lalim ng mata ko at umitim ito. Hay... bigla na naman pumasok sa utak ko yung picture kagabi. Napailing na lang ako.

"Kalimutan mo na ang nakita mo. Aalis naman na siya bukas." Napabuntung-hininga ako. Para akong baliw na kinakausap ang sarili sa salamin. Pero bigla akong nakaramdam ng lungkot. Sa buong gabi na hindi ako nakatulog kagabi. I realized na....

Biglang may pumasok sa CR kaya nasira ang moment ko. Si MJ pala taga section 2-A.

"Hi Lewis, how is your day?" tanong niya.

"Hi din. Okay naman, medyo antok pa ko," hindi medyo eh super dapat.

"By the way, sinundan talaga kita dito kasi may itatanong ako sa'yo." Napakunot ang noo ko.

"Ano yun?"

"May kilala ka bang Sky De Valliere?"

"Hmm..." Sky De Valliere? Teka lang, parang narinig ko na ang pangalan na yan. Ah... Si Sungit pala. "Hindi gaano." sagot ko.

Fallin' for You (by IFoundYou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon