Chapter Seven

21 2 1
                                    

AUTHOR'S NOTE

Hi! How are you guys?

I'm very sorry sa very late update. Nag-bakasyon kasi ang utak ko.. Napadpad sa kung saan eh hahaha just kidding.

Sana magustuhan nyo ang new update na ito.

I hope you enjoy reading Fallin' for You.

Salamat po pala sa mga nag-aabang sa susunod na mangyayari sa story nina Lewis, Sky and Caroll. Love you guys ❤❤❤

I promise I will do my best to satisfy you guys.

Ja mata ne!

°.*\( ˆoˆ )/*.°

Pls. Feel free to leave a comment. Your comments and suggestions are very appreciated. ✒

--April

Chapter 7

Mula nang nagkaroon ng relasyon si Caroll kay Sky. Nawala naman kami ng bonding. Hindi na kami masyado nagkikita. Kung magkita man kami, ngitian at batian na lang kami.

Mag-isa ako ngayon sa garden. Buti na lang hindi umulan. Ang sarap ng hangin... Haaayyy... Masaya sana kung kasama ko si Caroll tumambay dito.

Maya-maya may narinig akong kumaluskos sa likod ng malaking puno ng mangga. Tumayo ako para tingnan kung may tao.. Dahan-dahan akong sumisilip.. at may nakita kong paa. Hala may tao nga.. Akala ko naman ako lang tumatambay dito.

Lumapit ako at lalaki pala yun. Natatakpan ng libro yung mukha niya kaya di ko alam kung sino siya. Lalo pa kong lumapit, ewan ko ba.. na-curious kasi ako eh, gusto kong malaman kung sino siya. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko para alisin yung tumatakip sa mukha niya. Napagitla ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Pilit kong binabawi ang kamay pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Sino ba tong lalaking to? Dapat pala hindi na ko lumapit. Ano ba to? Pinahamak ko pa sarili ko. Ay naku..

"Bitiwan mo na kamay ko. Sorry na hindi na kita iistorbohin. Bitiwan mo na ko.. Please!!!"

Sa pilit kong pagpupumiglas lalo niya pang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ko. Inangat niya ang ulo niya at natanggal ang libro sa mukha niya. Si Sky pala..

Tinitigan niya ko. Tumigil ako sa pagpupumiglas.

"Ikaw pala yan, bitiwan mo na kamay ko."

Binitiwan niya ang kamay ko at hindi na niya ko pinansin. Lakas talaga ng sapak ng lalaking to.

"Bakit naman kasi dito ka natutulog?"

"Bakit ka nangingialam? Pinakakailaman ba kita kapag pag lagi ka tumatambay dito.."

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na lagi ako tumatambay dito?

Mukhang nagulat din siya sa sinabi niya.

"Teka, paano mo nalaman―..." bigla siyang tumayo.

"Mauna na ko..." naglalakad na siya papalayo.

"Teka nga lang.. bakit ka ba ganyan? Bigla-bigla kang aalis.. ang sungit-sungit mo.. di ko alam kung ano nagustuhan sa'yo ni Caroll. Nakakainis ka.."

Nakatayo lang siyang parang estatuwa. Nakatalikod pa rin siya. Hindi siya kumikibo.

"Ganyan ka naman eh.. hindi nagsasalita. Duwag ka ba?"

Bigla siyang humarap. Madilim ang mukha niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin.

"Bakit? Ano gagawin mo?"

Fallin' for You (by IFoundYou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon