Fallin' for You

101 7 7
                                    

Chapter Two

=What is Love?=

Love. Sa tagalog ay pag-ibig. What is love nga ba? Sabi nila "Love is blind"-- ito ang pinakapasung-paso na meaning ng pag-ibig. Pero kung iisipin, if love is blind, bakit may dahilan tayong mahalin ang isang tao. Ibig sabihin, may nakita tayong magandang katangian sa isang iyon.  Kaya dahil sa may nakita ka sa kanyang katangian na nagustuhan mo, ibig sabihin hindi bulag ang pag-ibig. Ang labo naman ng tao na nagsabi na "Love is blind" pasensya na may ipinaglalaban lang ako. I think this is the real meaning of love:

'Love is long -suffering and kind. Love is not jealous, it does not brag, does not get puffed up...... It bears all things, hopes all things, endures all things.'

--1 Corinthians 13:4-7

Ang ganda di ba? This is the best meaning of love. Ewan ko ba kung bakit ako nagkaroon ng interes sa love. Bigla akong na-curious  Hindi ko pa kasi alam ang feeling na magkagusto. Hindi naman sa naiinggit ako sa feeling ni Caroll, na-cucurious lang talaga ako.

*Ring-ring-ring* Nakakagulat naman. Tumayo ako para sagutin ang telepono.

"Hello. This is Del Rio residence. May I know wh--," naputol ang introduction ko. Nagsalita na kasi yung nasa kabilang linya.

"Colani!!" sakit sa tainga.

"Sino po sila? Pwede bang wag kang sumigaw?" pa-inosente kong tanong. Pero annoyed na ko sa taong ito

"I know you know me."

"Tatanungin ba kita kung sino ka kung kilala kita?"

"Sungit mo talaga, Colani," tawa siya ng tawa.

"Tigilan mo na ko," ibababa ko na sana ang telepono nang sumigaw siya.

"Wait! Lewis Cole. Sorry na.. Na-miss lang talaga kita eh."

Bumuntong-hininga ako.

"Ang lalim naman nun."

"Ng alin?"

"Nevermind," tumawa ulit siya. Nakakaloko na talaga siya. "Okay, this is Borris. You remember me?"

"Hindi.."

"Grabe ka Lewis Cole.. Ang sama mo talaga," narinig ko ang pagbuntung-hininga niya sa kabilang linya. "You really hate me, do you?"

Di ako sumagot.

"Lewis Cole? Nandyan ka pa ba? Sorry na, hindi na kita tatawaging Colani."

"Ano ba kailangan mo?" tanong ko.

"Hmm.. Bati na tayo?"

"Oo..." Para matapos na to.

"Talaga?! Hmm.. 'coz you're one of my precious friends. Ini-invite kita, tonight sa aking party."

"Party?"

"Yes, I also invited Mark and his closest friend. And your bestfriend, Caroll. I'm hoping na pumunta ka mamaya. They already confirmed na pupunta sila."

"Sige. Pupunta ako mamaya. Bakit may party? Ano meron?"

"Kasi sa tuesday na yung flight ko papuntang Canada. I don't think na makakauwi pa ko dito."

"Ang drama mo Kuya Borris. Sige, mamaya. I'll be at the party," I confirmed.

"Thank you, Lewis Cole. Aasahan kita mamaya."

"Sure. Thank you sa pag-invite sa'kin."

"Dahil dyan may reward ka sa'kin mamaya."

Fallin' for You (by IFoundYou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon