Chapter 9

21 2 0
                                    

Nakatanggap ng tawag si Mama mula kay Papa. Sabi nito na ititigil na ni Papa ang pagbibigay ng pera. Kaya nag-desisyon si Mama na magtrabaho muli sa Paris. Galit na galit na talaga ako kay Papa.

Simula noon itinanim ko na sa isip ko na patay na siya at maaga akong naulila sa ama. Wala na kong tatay.

"Wag ka na magtampo, anak. Uuwi naman ako every year. Lagi ako susulat sa'yo at kapag marunong ka na gumamit ng computer lagi ako mag-eemail sa'yo. Tsaka para di ka lonely, iiwan na lang kita sa tita mo sa Laguna. May resort sila doon."

Hindi ako kumibo.

"Sige na, anak. Para sa atin to. Iniwan na tayo ng Papa mo. Hindi na natin siya maasahan." umiiyak na si Mama. Naiyak na rin ako. Niyakap ako ni Mama.

Next month na aalis si Mama.

Nasa school ako ngayon. Habang naglalakad ako sa corridor ng school. Nakasalubong ko si Spencer. Hindi niya ko pinansin.

"Spencer!" Lumingon siya.

"Pwede ka ba makausap kahit saglit lang?"

"Sorry pala sa nasabi ko noon. At thank you sa nagawa mo."

He pats my head.

"Sorry din. Bati na tayo."

Nag-ngitian kaming dalawa.

Binisita namin ni Spencer si Phoebe. Hanggang ngayon wala pa rin progress si Phoebe. Lanta na yung bulaklak kaya pinalitan ko iyon ng bago.

"Lagi ka ba dumadalaw kay Phoebe?"

"Oo. Naaawa kasi ako sa kanya. Yung Mama niya di na siya pinupuntahan. Hanggang ngayon kasi si Phoebe pa rin ang sinisisi niya sa pagkamatay ng asawa niya. Minsan din nandito ang mga classmate namin. Kumakanta kami baka sakaling magising siya sa ingay namin. He-he.."

"Wow.."

"Bakit?"

"Ngayon lang kasi kita narinig tumawa."

Napayuko ako.

"Ganun ba?"

"Nauuhaw ako. Bili lang ako ng drinks." sabi ko. Pero hindi sumagot si Spencer. Sa halip....

"Lewis.... Tingnan mo, gumagalaw yung daliri ni Phoebe."

"Talaga?" tiningnan ko din. Gumalaw nga!

"Teka lang ha tawagin ko lang yung nurse.."

Sabi ng doktor malapit na magkamalay si Phoebe. Tuwang-tuwa kami pati na rin ng tita niya.

Mga isang linggo ang lumipas. Linggo, pumunta ako mag-isa sa hospital para dalawin si Phoebe. May dala akong bulaklak. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakaupo sa tabi niya ang Mama niya. Umiiyak ito.

"I'm sorry Phoebe... I'm sorry sa mga nasabi ko sa'yo anak....." niyakap niya ang anak niya. Napangiti ako sa nasaksihan ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob nang hindi namamalayan. Nilapag ko ang mga bulaklak sa mesa at dahan-dahan akong umalis ng ward. Habang naglalakad ako sa hallway. Nabigla ako nang makita ko si Papa. Dito na pala siya nagtatrabaho bilang isang doktor. Nagtago ako, hindi ko sasabihin kay mama na dito siya nagtatrabaho.

Bago kami nag-uwian sa school. Sinabi ng adviser namin na nagkamalay na si Phoebe at pwede namin siya dalawin. Sinabi ko rin iyon kay Spencer. Pumunta kaming dalawa para dalawin si Phoebe.

Pagdating namin doon ay nandoon na rin ang iba kong classmates. Tumatawa na si Phoebe. Napatingin siya sa'kin. Aasahan kong hindi niya ko papansinin pero ngumiti siya.

"Hi Lewis Cole.. Long time no see." ngimiti ulit siya. "Narinig ko ang lahat kay Mama. Maraming salamat sa'yo."

Spencer pushed me towards to Phoebe. Nagtawanan kaming lahat.

"Sorry pala sa mga nagawa ko sa'yo Lewis Cole."

"Kalimutan na natin yun. Ang importante.. Magpagaling ka para makabalik ka na sa school."

Biglang nalungkot ang mukha niya.

"Sorry mga classmate. Hindi na ko makakabalik sa school."

"Huh? Bakit naman?" tanong ni Mark.

"Babalik kami ni Mama sa America. Sa ngayon magpapagaling pa ko bago kami bumalik doon. Pero sisikapin ko makabalik dito."

"Hala.. Ano ba yan?? Kung kailan bati na kayo ni Lewis.. Aalis ka naman.."

"Oo nga eh.. But, I promise.. Babalik ako.."

"Group hug mga classmate!!!" sabi ni Mark.

"Bawal muna yan sa pasyente." sabi ng nurse.

"Ay... Tayo muna... Wag natin isama si Phoebe.." nagtawanan kami.

"May dala akong camera. Picture muna kayo." yaya ni Mrs. Romero.

Ayaw sumama ni Spencer.

"Ok lang ako.. Di ako kasama dyan.."

"Ano ba.. Kasama ka dito!" Hinila ko si Spencer.

One month later. Magaling na si Phoebe at pwede na siyang bumiyahe papuntang America. Bago siya umalis nagkaroon muna kami ng masasayang alaala. Paalis na rin si Mama papuntang Paris.

Nag-graduate na rin si Spencer sa elementary at di na rin kami nagkita. Hindi ako pumayag na pumunta sa Laguna pag umalis si Mama. Nang umalis si Mama,  may bagong lumipat naman sa kabila. Doon ko na nakilala si Kuya Borris. Sila na ang laging nagbabantay sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fallin' for You (by IFoundYou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon