Chapter Six

71 5 2
                                    

Nanalo sa division level ang school namin sa sports na volleyball. Ang galing talaga nina Caroll. Nagbigay muli sila ng karangalan sa school namin. Pagkatapos ng game, nag-text ako kay Caroll to congratulate her pero hindi siya nag-reply. Lumipas ang ilang araw...

Nasa class room ako ngayon, hinihintay ang susunod na subject. Di pa kami nagkakausap ni Caroll.. hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang text niya. Nakalimot na siguro yun. Hmmp.. paghihimutok ko. Maya-maya may kumakalabit sa akin. Lumingon ako, si Mark pala.

"Bakit?" tanong ko.

"May lakad ka ba after ng class?"

Kumunot ang noo ko. "Wala. Bakit?"

Hindi siya agad sumagot. Napansin kong malungkot siya.

"Pwede bang sumama ka sa'kin mamaya? Kain tayo. Ako ang manlilibre."

"May problema ka ba Mark? "

"Wala naman. Bakit?"

"Ah.. Wala natanong ko lang.. Sige sasamahan kita mamaya." Bigla ulit pumasok sa isipan ko si Caroll. "Umm Mark, may balita ka ba kay Caroll?"

Lalo nalungkot ang mukha niya nang mabanggit ko si Caroll.

"Wala na rin ako balita kay Caroll eh.. Masyado na siyang busy."

"Ah ganun ba?"

"Mamaya ha?"

Tumango ako at bumalik na siya sa upuan niya. Dumating na ang teacher namin at nag-start na ang klase.

Pagkatapos ng klase, sabay kami ni Mark lumabas ng school. Tahimik lang si Mark habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep, pupunta kasi kami ng mall. Hindi ako sanay na tahimik ang lalaking 'to.

"Uy.. Mark...." kinalabit ko siya. Tumingin siya sa'kin ng makahulugan.

"Uy wag mo nga ko tingnan ng ganyan. Ano ba nangyayari sa'yo?"

"Mamaya ikuwento ko sa'yo habang kumakain tayo."

Nakarating na kami sa terminal ng jeep at sumakay na kami. Pagkarating namin sa mall. Nag-ikot kami saglit sa loob at nang magutom na kami dumiretso na kami sa Mcdo. Habang kumakain kami nagsimula na magsalita si Mark.

"Buti na lang nandyan ka Lewis.. Kung hindi di ko na alam ang gagawin ko."

"Bakit? Ano ba ang nangyayari sa'yo?"

"Si Caroll.. nakita ko kanina kasama si Sky." Muntik ko na malunok ang buong kutsara sa narinig ko pero syempre joke lang yun.

Naku nag-confess na yata si Caroll kay Sky.. Pero di man lang niya sinabi sa'kin..

"Talaga?" yun na lang ang nasabi ko. Di ko alam kung paano ako mag-rereact eh.

"Ano gagawin ko Lewis? Sila na yata."

Bumuntung-hininga ako.

"Mark, kumain ka na lang ng marami para gumuwapo ka naman." kumuha ako ng maraming fries at isinubo ang lahat ng iyon sa kanya. Haaayyy di ko alam kung paano siya papayuhan eh. Alam kong nasasaktan siya ngayon.

"Shgrabe shka naman.. Shgwapo naman ako ha?"

"Wag ka nga magsalita pag puno ng pagkain yang bibig mo!" saway ko.  Nilunok niya yun lahat at nagsalita ulit.

"Ikaw magbayad nyan ah."

"Haha kaw talaga.. Ang gwapo moーsobra ha-ha!" Pinisil ko pa pisngi niya. Agad niyang tinanggal ang kamay ko.

Fallin' for You (by IFoundYou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon