**************
Jyzelle's POV
Naghihintay na naman ako sa gilid ng gate.
Back to normal na naman ang lahat, back to school, back to home.
Everything's normal, maliban sa patuloy akong naku-curious sa kung sino yung Mystery Guy sa ball. Bigla nalang kasi siyang umalis pagkatapos ng fireworks display.
Kaasar nga eh, muntik na niyang makuha ang first kiss ko pero umaalis siya ng ganun ka basta-basta.
Kaya iniisip ko nalang na isa siya sa mga lalaking sira-ulo, sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi paglaruan ang damdamin ng babae.
Pero di ko pa rin mapigilang umasa na baka siya ang Prince Charming ko, baka dahil sa kanya tuluyan ko ng makalimutan ang Prince ko NOON.
Pero wala eh, di siya nagpapakita, baka para sa kanya wala ring halaga yun.
Kaya nagpapasalamat nalang ako sa fireworks, kundi dahil sa kanya, baka naibigay ko na sa kung sinu-sino ang first kiss ko.
"Best! best!"
At sa wakas ay dumating na rin ang pinakamamahal kong bestfriend. Mukhang excited siya at may dalang good news.
"I've got a good news!!!" sabi niya sabay yakap sa akin.
See? may dala siyang good news! syempre kilala ko na yan eh.
"Ano?"
"Well..." may kinuha siya sa bag niya at pinakita sa akin.
Isa iyong ticket.
Welcome to Anime Town.
"So ibig sabihin-"
"Yes! I am invited to Cosplay Town! I am!" sabi niya sabay talon.
She really loves anime. Minsan lang siya ganyan kasaya eh.
"Congrats!" naki-sigaw rin ako sabay yakap sa kanya.
Syempre, matagal na niyang pangarap na pumunta sa Japan at dumalo sa Anime Festival.
Once a year kasi ay may Nag-ce-celebrate sila nun. May town sa Japan na puro Cosplays lang ang nandun. At ang mga sikat lang na Cosplays ang nakakadalo sa ganung Festival. Kaya ang saya niya, pangarap niya yun eh.
(A/n: Otaku, wag niyo yang dibdibin ah, di yan totoo, gawa-gawa lang ng baliw niyong author. Haha!)
Natuwa ako at the same time nalungkot, aalis siya for 3 days eh. Pero syempre nangingibabaw ang saya ko, ang saya kaya ng feeling na natupad ang pangarap ng BFF mo.
***
Home
"Good afternoon Princesses" sinalubong kami nina mommy sa pinto.
Anong meron?
Nagkatinginan kami ni Juztienne, parehong naguguluhan.
"Mom, Dad? anong meron?" di ko napigilang magtanong, nakakapanibago lang talaga.
Kadalasan kasi sa kitchen lang kami nagkikita, so nakakapanibago talaga.
"Well, may business meeting kasi kami sa America at kailangang kaming dalawa ang pupunta" sagot ni mom "So, okay lang ba sa inyo ang maiwan dito sa bahay?"
"Kailan po?" tanong ni Juztienne.
"Bukas." sagot ni dad
Bukas.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Princess
Teen FictionHe was my bestfriend, My saviour and the guy, whom I secretly love. Until, One day, a tragic happened, which made me left without saying goodbye. And, Now that I'm Back Everything had changed, He turned out into a guy, I never imagined of, A gangst...