*Shinrei POV*
"Uwaahh!" bumangon ako agad at gumapang palayo sa kanya.
Bigla rin siyang bumangon at pumasok sa CR.
"Kayong dalawa ah! Talagang sa harap ko pa ha! Tirik na tirik pa nga ang araw gumaganyan na kayo ah!"
"Ma-Manang naman!" sigaw ni Ceian na nasa CR
Pa-Panaginip lang naman 'to diba? Siguro kapag kinurot ko yung sarili ko magigising na ako. Nakahanda na akong kurutin yung pisngi ko eh kaso, biglang may kumatok sa pinto namin.
"Ah, Good morning po. Ako po yung naka-check in sa kabilang room. May sulat po kasi na nakalagay sa labas ng kwarto ko eh pero hindi po sakin nakapangalan kaya naisip ko po na baka sa inyo dapat ito."
Si.... Si Andrei? Bakit nandidito 'yang SC President na 'yan?! Naku! Wag na wag ka lang magkakamaling tawagin ako at si Ceian manang!
Gumapang ako papunta sa higaan para sana magtago pero...
"Shinrei? You're Shinrei Eiwa, right?"
Shit! Nasaan na ba si manang? Bakit parang bigla akong nawalan ng mga kasama dito?
"H-Hi Pres!" bati ko sa kanya habang gumagapang papunta sa higaan.
'wag lang naman sana lalabas si Ceian sa CR!
"Nandito ka rin pala? What a coincidence!"
"Ah, oo nga eh. P-Pasok ka muna pres!"
"Masyado ka namang pormal. Wala naman na tayo sa school kaya kahit Andrei okay lang!" sabi niya ng nakangiti.
Pumasok siya at nakiupo sa kama na inuupuan ko. Feel at home na feel at home itong tao na 'to ah.
"Ikaw lang ba ang nandito?" tumingin siya sa paligid.
"Ah, hi-hindi. May kasama ako dito."
Bigla akong kinabahan ah.
"Nasaan sila?" patuloy pa rin siya sa pagtingin sa paligid.
"Lumabas lang. Siguro maya maya babalik na rin sila."
"Shinreiii! Sorry naaa!"
Biglang lumabas si Ceian sa CR at tumakbo papunta sa kama na inuupuan namin ni President Andrei. Bigla rin naman dumating si manang at napatitig na lang saming tatlo.
"Ma-Manang!" tinulak ko si Ceian at tumakbo papunta kay manang.
"Nawala lang ako ng saglit may naki-join na sa kaguluhan?" nilagay ni manang yung kamay niya sa ulo ko at lumapit doon sa dalawa.
"Shinrei! Are you still angry about the kiss? I'm really really sorry so please forgive me already." naka pout na sabi ni Ceian.
Napatingin na lang sakin si President Andrei. Tinitigan ko naman ng masama si Ceian.
Bakit ba kasi napakatanga nitong lalaki na 'to? Hindi niya ba alam na nasa iisang kwarto kami kasama ang student council president at binaggit niya pa yung kiss na kanina ko pa gustong - gusto kalimutan! Stupid! Stupid Ceian!
"Kiss?" sabi ni President Andrei na mukhang gulong - gulo na sa mga nangyayari.
"Oo. Nag-kiss silang dalawa ng alaga ko kanina." nakapamewang na sinabi ni manang.
Wait. Teka, akala ko ba nasa panig ko si manang? Manang, how dare you!
"Shinrei, are you and Ceian dating?"
BINABASA MO ANG
Stupid Transferee
Teen FictionWhat will happen if a lazy and anti-social girl meets the very hyper transferee student who is the third son of the owner of the school?