Chapter 2: On the way to the Amusement Park!

71 9 0
                                    

[AN: The photo on the right is Ceian Sean]

*Shinrei POV*

"Saan mo ba ako balak dalhin?!" hinampas ko siya ng sapatos sa mukha.

"A-Aray" nilapag niya ako at inupo sa may tabi ng hallway.

Instead of cursing me, he smiled. This guy he's so... irritating!

"Oh" inabot niya sa akin ang papel na medyo lukot.

Flyer pala. Binasa ko ang flyer at ito ang nakasulat...

Phantasy Land. Soon to open!

October xx, 2014.

"Alam mo yung Fantasy University diba? Yung may-ari nun at ang papa ko ang nagpagawa ng amusement ark na yan at ngayon yan magbubukas. Gusto ko sana isama si Shinrei kaso alam kong hindi ka papayag kaya kinidnapp na lang kita." umiiyak na naman siya.

"Napakaiyakin mo!" tumayo ako at hinatak siya palabas.

"Saan tayo pupunta?!" nagpabigat siya para hindi ko siya mahatak.

"Bakit ba napakaslow mo ha?" binitawan ko siya at hinrap ng nakapamewang. "Diba gusto mo pumunta sa amusement park?" tinaas ko ang flyer na binigay niya sakin kanina. "Sasama lang ako sayo dahil gusto kong mag-sorry sa nagawa ko sayo ka-"

Nagningning ang mukha niya at ngumiti ng abot tenga. Ang weird na naman ng mukha niya.

"Shinrei!" tumakbo siya papalapit sa akin at yinakap ako. Haayy, umiiyak na naman siya.

Naglakad na kami palabas ng school. Akala ko sasakay pa kami ng jeep pero sabi niya di na daw kelangan. Siguro walking distance lang 'yon. Nung nalagpasan na namin ang seven elwvwn na katabi ng school, biglang may kalesang tumigil sa harap namin at inabot nung mama na nagda-drive ng kalesa ang kamay niya sakin.

"Tanda! Late ka ah!" sigaw ni Ceian, yung transferee, sa mama na nagda-drive ng kalesa habang hinihila ako. "Ah, Shinrei, ito pala ang sasakyan natin papuntang amusement park, medyo malayo kasi yun dito eh." sabay kamot sa ulo.

Binatukan ko siya, hindi ko alam kung bakit pero galit na galit ako sa kanya. Pano ko na sabi na galit ako? Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko at init na init ako. Iniwanan ko siya sa may sidewalk at pumunta na kay manong.

Sasakay na sana ako sa kalesa kaso... hindi ko abot ang tapakan. Kahit anong talon ko, hindi ako makasampa sa kalesa. Inaasar ata ako ng kalesa na 'to ah!

Sisipain ko sana yung kalesa pero nagulat ako ng may biglang bumuhat sakin. Ang laki ng kamay niya at parang hindi 'to kamay ni Ceian kasi yung sa kanya parating malamig, ito, mainit at ang gentle ng pagkakahawak niya sakin.

"Ang gaan mo naman." biglang nagsalita ng taong bumubuhat sakin.

"S-Sino ka ba? Hindi naman kita kilala ah! Bakit mo ba ako tinutulungan?"

"Eh? Sabi ng mga tao nakakatakot ka raw pero parang hindi naman. Ang cute mo pa nga eh." tumawa siya at inupo ako sa kalesa. "Kaya siguro ikaw ang napili ng kapatid ko, Shinrei Eiwa Zia."

Ano daw? Napili ng kapatid niya? Bakit niya ako kilala, ganun na ba ako ka sikat para makilala ako ng taong 'to?

Inupo na niya ako sa kalesa at umalis. Agad ko naman siyang tinignan para makita kung sino siya pero, nakatalikod na siya nung nakita ko. Hindi kami magkapareho ng uniform kaya sigurado akong hindi siya sa Sonouii nag-aaral at  dahil masyado siyang matangkad, college na siguro siya.

"That guy, pisses me off!"

"Anong meron, Shinrei bakit parang galit na gali ka?" sabi niya habang excited na sumakay sa kalesa.

Sa wakas! Dumating na rin ang sakit sa ulong transferee na si Ceian! 

"Saan ka na naman ba galing? Sa malapit lang naman kita iniwanan ah, bakit napakatagal mo." sinigaw ko sa tenga niya.

"Ice cream?" inabot niya sakin ang plastic bag na puno ng ice cream at ngumiti

'yan na naman ang nakakairita niyang ngiti!

"Ilan ba binili mo bakit parang ang dami ata nito?"

"Chocolate flavor lahat yan!"

"Cho-chocolate?" kumuha na agad ako ng isa at nilagay ko sa tabi yung iba.

*Ceian POV*

Ang cute talaga niya kapag kumakain ng ice cream. Para siyang bata na binilhan ng bagong laruan. Nakaatuwa siyang tingnan.

Hindi ko alam kung bakit chocolate ice cream lang nakapagpapasaya sayo pero, kung 'yan lang talaga makapagpapasaya sayo, kahit ikutin ko pa ang buong mundo para lang bilhan ka ng chocolate ice cream ay gagawin ko.

[After 2 hours]

Nakatulog pala ako.

Kikilitiin ko sana si Shinrei pero bumulaga sakin ang isang anghel na natutulog. Haha, ang cute niya. Nakatulog siya ng may ice cream pa sa bunganga.

Itong natutulog na Shinrei siguro ako pa lang ang nakakakita nito, dahil kung nakita 'to ng iba, siguradong hindi na sila matatakot sa kanya. Kapag gising kasi siya, palaging magkasalubong ang kilay niya at napakacold niya. Masyado rin siyang mataray kaya walang nagtatangkang lumapit sa kanya para makipagkaibigan.

Haay... Shinrei, kelan mo ba ipapakita ang tunay na ikaw samin?

Sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at tinanggal ang popsicle na nasa bunganga niya.

"Ilang oras na tayo dito tanda ah! Pwede bang takbuhin na lang namin papunta doon? Baka kasi di na namin maabutan ang grand opening eh."

"Ikaw na bata ka! Halos isang milya pa ang layo natin sa Phantasy Land na 'yon. At isa pa, sa lugar lang naman na 'to matraffic eh. Paglabas natin sa street na 'to mabilis na ulit ang takbo natin" sabay batok sakin.

"Bakit mo ako binatukan, tanda! Hindi mo ba alam na si Shinrei lang ang may karapatan na mambatok sakin!!"

"Ha? May tumatawag ba sakin?" biglang nahising si Shinrei at nag-inat ng kamay niya.

"Ceian, nasa-"

Napayakap sakin si Shinrei dahil biglang binilisan ni tanda ang pagtakbo.

"Ah, o-okay ka lang ba, Shinrei?"

Nakatulog siya ulit habang yakap yakap ako.

Ang puso ko, bakit kaya biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at pati na rin ang pulso ko.

"Idiot Ceia-" biglang nagsalita si Shinrei.

Sleep talking? I can't stop staring at her.

"Haay... mga kabataan talaga ngayon!" sabi ni Tanda habang nakatingin samin.

At dahil sa na-stuck nga kami sa traffic, hindi na namin na abutan ang festival nung dumating kami. Nag-check in kami sa isang hotel na malapit sa amusement park dahil tulog na tulog na si Shinrei.

At simula nung hinatid ko si Shinrei sa kwarto niya, naramdaman ko na mainit siya kaya kinuhaan ko siya ng body temp.

"39 degrees? Bakit parang angtaas naman yata?" hinawakan ko ang noo niya at mas uminit nga siya kumpara kanina, nanginginig na nga rin siya eh. Ano na ba ang gagawin ko?

Naglakad ako ng pabalika balik sa may kusina at nung balikan ko siya sa kwarto niya, nagulat ako dahil may tumulong luha galing sa mata niya.

"Wag!..." bigla niyang sinabi at tinaas niya ang kamay niya. Para bang may inaabot siya. "Don't go." hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Sh-Shinrei.."

Stupid TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon