Chapter 3: A Day at the Phantasy Land

57 8 0
                                    

[AN: The photo on the right is Shinrei Eiwa Zia.]

*Shinrei POV*

"Shinrei... I'm sorry. Sorry, kung iiwanan kita ha. Bukas, bukas pupunta na kami ng States at doon na ako mag-aaral hanggang sa mag-college ako. I know I'm selfish but I promise you, I'll come back here as soon as I finish my studies. And the memories we've made, I'll always treasure them."

"Cindy, don't leave me."

"Zia! Kahit isang taon lang tayong nagkasama, sana napasaya kita. Huwag mo akong kakalimutan ha! Minsan ka lang makakakilala ng isang taong mahilig sa carrots!"

"Roselle... No d-don't go."  

"Shin-Shin! Bye bye! I guess we won't see each other for a while, but, I promise I'll be back!"

"A-Annie! you'll leave me here too?"

Everyone... 

Every single person in this world.

All of the people I loved.

All of them.

They all left me here. Alone.

"Shinrei!

Who is that? someone's calling me?

"Shinrei! Wake up! Hey!"

Dinilat ko yung mga mata ko. Feeling ko umiyak ako ng buong gabi kasi ang hapdi ng mata ko eh.

"Buti naman at nagising ka na." 

Nagulat ako dahil nakakita ako ng lalaking brown ang buhok at nakangiti. Inangat ko ang ulo ko at inuntog sa nakakairitang mukhang nakita ko. Ikaw ba naman kasi pagkagising na pagkagising mo makakakita ka ng isang lalaking nakangiti at at nakapikit, napakalapit pa ng mukha niya sayo.

"A-aray!" sabi niya habang hinihimas ang noo niya na hineadbutt ko.

"Sino ka ba? At bakit ka nandidito? Ang kapal pa ng mukha mong gisingin ako ha!"  

"At least h-hindi ako ang katabi mo matulog." tinuro niya ang kama ko.

Lumingon naman ako sa kaliwa ko at nakita ko si Ceian na nakaupo sa upuan at nakaunan ang ulo sa higaan ko. Si Ceian? That reminds me... Hindi naman ganito ang itsura ng kwarto ko ah. Hindi rin ganito ang kumot ko at bakit naka-uniform pa rin ako? 

"Ceian... Ceian!"

"CEIAN! GUMISING KA NA AT PWEDE BANG TIGILAN MO ANG PAGLALAWAY!!" sinigaw ko ng malakas sa tenga niya. 

"Ha-huh?" bigla siyang bumangon at pumikit pikit.

"Shinrei" bigla niya ako niyakap at sinabing... "Buti naman at bumalik ka na sa normal."

Yung bibig niya, dumidikit sa damit ko. His... filthy... mouth... my uniform!

Tinulak ko siya palayo. "Do you mind explaing to me what happened last night? And please, maghilamos ka nga muna bago kang mangyakap ng ibang tao! You filthy jerk"

Napatingin na man ako sa lalaking gumising sakin kanina dahil nilapitan niya si Ceian at tinawanan.

"Mukhang close na close kayo ah, Ceian."

Tinulak siya ni Ceian at naglakad si Ceian papunta sa pinto pero bago siya lumabas ng kwarto, hinatak niya papalabas ang lalaking gumising sakin at sinabing "Mag-uusap lang kami." Ngayon ko lang nakita si Ceian na seryoso at ni hindi nga siya lumingon sakin nung sinabi niya yun eh. 

Stupid TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon