Chapter 5: Me and him

55 8 0
                                    

*Ceian POV*

[At the hotel]

Nakakainis! Natakasan na naman ako ng Alexis na yon!

Ihiniga ko na agad si Shinrei 'pag ka pasok namin. Mainit ang katawan niya kaya pinakuhaan ko siya ng body temp. kay manang. Medyo mataas nga daw ang lagnat niya sabi ni manang. Maghahating gabi na kami dumating dito sa hotel at dahil may pamilya sa manang, hindi niya na masyadong nabantayan si Shinrei. Kaya ako na lang ang nagbantay sa kanya simula nung pagkaalis ni manang.

"Hn... Ce...ian"

Biglang nagsalita si Shinrei. Agad akong bumangon para tignan kung gising na siya pero, nagulat ako dahil nakita ko siyang umiiyak at mukhang nananaginip ng masama.

"Shh... Nandito lang ako..."

Yinakap ko siya para tumigil na siya sa pag-iyak.

"Ce...ian"

"Yes. I'm right here."

"Tubig..."

"Tubig? Sige sandali lang ah kukuha ako."

Inihiga ko siya ulit at tumayo ako para kumuha ng tubig pero bigla siyang tumayo at hinatak ang t-shirt ko.

"Saan ka pupunta?"

"Kukuha ako ng tubig. Diba sabi mo gusto mo ng tubig?"

"A-Ah, oo nga pala. S-Sige tumuloy ka na sa pagpunta mo sa kusina." yumuko siya at binitawan na niya ang t-shirt ko.

Lumapit naman ako sa kanya at inupuan ko ang maliliit niyang mga paa.

"Ang dapat na sinabi mo sakin ay 'wag kitang iiwan diba?" hinawakan ko ang kamay niya dahil nanginginig siya.

Nakayuko pa rin siya kaya binuhat ko na lang siya at hiniga sa kama. Napakalungkot ng mukha niya kapag umiiyak kaya hindi ko na napigilang yakapin siya.

"Ceian" niyakap niya rin ako at umiyak pa lalo. "Hindi mo naman ako iiwan diba?"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

"Hinding-hindi kita iiwan kasi ikaw lang ang nakakapagtiis sa mga kalokohang ginagawa ko."

Hindi ko alam kung bakit siya natatakot at umiiyak pero, alam ko na kailangan niya ako ngayon kaya hindi ko dapat siya iwanan.

Buong gabi ko siyang binantayan. Takot na takot siya kaya buong gabi rin niya akong yakap yakap. Kahit nga tulog siya eh patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mata niya.

[Kinabukasan]

*Shinrei POV*

Ang bango. Hinigpitan ko ang yakap ko sa mabangong unan na niyayakap ko pero bigla itong gumalaw.

Inaagaw na naman siguro ni Ceian ang unan na niyayakap ko! Dumilat ako para batukan si Ceian pero...

"uwaahh!!" sigaw ko.

Nagulat ako dahil ang inaakala kong mabangong unan ay isa pa lang tao! Ang mas malala pa, nakita kaming dalawa ni manang!

Agad kong tinanggal ang mga kamay ko na nakapaikot sa kanya pero bigla siyang humarap sakin at niyakap ako! Hindi lang kamay niya ang nakapaikot sakin, pati paa niya ay nakatanday sakin. Masyado rin malapit ang pagmumukha ng unggoy na 'to sakin!

"Ma-Manang..."

Biglang dumilat itong mokong na nakayakap at nakatanday sakin.

"Shinrei! Gising ka na!"

Yinakap niya ako ng mas mahigpit pa kesa sa kanina. Yung ilong niya, nakadikit na sa pisngi ko! Manang, help! Ayaw ko pa mawala ang virginity ng pisngi ko!

"Ceian. H-Hindi ako makahingah." sabi ko habang tinutulak siya papalayo.

"Ah, sorry." binitawan niya ako at bumangon na siya sa higaan.

"Ma-manang! M-May pagkain na po ba?"

"Gising na pala ang alaga ko at ang kanyang magandang prinsesa! Mabuti na lang at gising na kayo kasi kanina pa ako pumapatay ng mga langgam na pulang pakalat-kalat dahil sa kasweetan niyo." tuwang-tuwang sabi ni manang.

"Ha-Hah? Wala naman akong kinain na matamis kagabi ah kaya hindi kami lalanggamin." sigaw ng mokong na Ceian habang naglalakad papuntang banyo.

Baka dahil sakin kaya maraming langgam dito. Puro kasi matatamis kinain at ininom ko kahapon eh.

"Pulang pula ka ata, hijo? Pati ba ikaw ay may labnat na rin?" sabi ni manang na may dalang tray na may mga pagkain at papunta sakin.

"A-Ano ka ba manang! H-Hindi ako namumula no!" sigaw niya habang naghuhubad sa may pinto ng banyo.

"Hoy! Doon ka nga sa loob ng CR maghubad ng mga damit mo!" binato ko sa kanya ang mga unan kaya dali dali siyang pumasok sa banyo.

"Hmmm. Wala ka ng lagnat ah pero bakit namumula ka?" sabi ni manang habang hinahawak-hawak ang noo ko. "Labnat na lang siguro 'yan at kailangan mo na lang ng kisspirin galing sa alaga ko." tuwang tuwa niyang sinabi at nilapag ang tray sa lap ko.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni manang! Ano ba yung labnat at kisspirin na 'yon? At normal naman ng mapula ang pisngi ko ah.

"Magaling din pala mag-alaga ng may sakit ang alaga ko ah." sabi ni manang habang isinusubo sakin ang scrambled egg at kanin.

Biglang lumabas ng CR si Ceian ng nakatowel lang.

"Naku! Hindi mo dapat ipinapakita ang katawan mo sa kanya hannga't hindi mo pa siya napapakasalan." biglang sigaw ni manang sa kanya.

"Manang naman!" nakakatawa ang mukha ni Ceian nung humarap siya kay manang.

Tumawa lang si manang at hinatak siya sa kwarto. Bibihisan ata siya eh. Hindi ko na lang sila pinansin dahil hindi ko naman sila naiintindihan.

Weird. Parang kanina pa tumitibok ng mabilis itong puso ko ah. Siguro dapat na akong kumunsulta sa doctor.

"B-Bakit kailangan ako pa! Na-Nakaainis ka talaga manang!" biglang lumabas yung dalawa sa kwarto at tinutulak ni manang si Ceian.

Nagtutulakan silang dalawa sa may paanan ng kama. Nagsisigawan pa nga sila eh. Sa bandang huli, si manang ang nanalo kaya inupo niya si Ceian sa tabi ko at iniwanan na kami.

"Ceian! Do you mind telling me what happened last night?!" I glared at him."

"A-Ah...Ano...Ehehe..." kinamot niya ang ulo niya at isinubo na lang sakin ang pagkain ko.

"Amomakafemangwawekavabe?"

"Hah?"

Nilunok ko ang kinakain ko at binatukan ko siya ng maraming beses.

"Wala ka talagang naaalala?" hinwakan niya ako at tumingin siya sa mata ko.

First time ko nakita yung mga mata niya ng ganito kalapit. Mukhang malungkot ang palaging nagniningning na mga mata niya ah.

"Nevermind" sinubuan niya na lang ako.

Ano ba kasing nangyari kagabi sakin doon sa ferris wheel kasama ang kuya niya?

Bigla siyang tinawag ni manang. Pagtayo niya, bigla kong napansin na nabuhol ang earphones niya sa butas ng bulsa ko kaya... nakaladkad ako.

"Shi-Shinrei? Ani bang ginagawa mo diyan? Walang tubig diyan kaya 'wag kang-"

Tumayo ako at binatukan ko siya pero bigla akong nadulas kaya naman bumagsak kaming dalawa. At pagkadilat ko...

My virgin lips!!

Stupid TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon