*Shinrei POV*
"Okay class, go back to your seats now!"
Haaayy! Buti naman at bumalik na ang lahat sa dati. Masyadong nakakapagod yung mga pinag-gagawa ko nung mga nakaraang linggo.
"Class, aware naman siguro kayo na next week na ang exams diba?"
Sobrang nagugutom na ako kaya wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni sir.
"Nakalagay yun sa mga circular niyo diba? Bahala kayo, kayo rin naman ang babagsak eh."
*brrrrrr*
Nagagalit na yung tiyan ko! Bilisan mo na sir!
"By the way, aalis kasi ako ngayon. Pupunta kami nila Ma'am Lea sa mall para bumili ng mga kakailanganing materials para sa office."
"YEHEY!" naghiyawan ang lahat.
Sa sobrang gutom ko, akala ko yung ulo ni sir malaking cookie.
"Pero! May iiwanan akong seatwork sa inyo at kailangan maipasa 'to sakin mamaya."
Tumahimik yata yung mga classmate kong naghihiyawan? Si sir naman, ba't nagback-out yun? Pabayaan mo na nga sila, Shinrei! Ang mahalaga, pwede ka ng kumain ngayon!
"Shinrei! Shinrei! Shinreiiii!"
"Ano bang problema mo?" I glared at him.
"Test na natin next week ah. Bakit parang chill na chill ka pa diyan?" sabi ni Ceian na mukhang namumutla.
"Chahit himbi awo maw-aral, waat ng fubdek nababasa ko."
(Kahit hindi ako mag-aral, lahat ng subject napapasa ko.)
"Ang cute cute mo talaga, Shinrei!" Kinurot-kurot niya yung pisngi ko. "Wala nga lang akong naintindihan sa sinabi mo."
Inapakan ko yung paa niya. Yung halos madurog na yung buto niya.
"Alam mo naman siguro na ayaw kong naiistorbo kapag kumakain ako diba?" tinitigan ko lang siya ng masama.
Ngumiti lang siya at biglang lumuhod sa harapan ng lamesa ko.
"Ano na naman?"
"Tulungan mo akong pumasa sa mga test, please!"
"Ayoko"
"Sa totoo lang... wala pa akong napapasang test simula nung kinder ako eh." sabi niya sabay ngiti at kamot sa ulo.
"Proud na proud ka pa ah." uminom ako ng tubig at niligpit yung baunan ko."Kahit ano pang sabihin mo, hindi kita tutulungang mag-aral."
Bigla naman niyang hinampas yung mesa ko ng malakas.
"Tutulungan mo ako sa ayaw mo at sa hindi!"
"Talaga? Paano mo naman ako mapapapayag?"
"Kapag nakapasa ako dahil tinuruan mo ako, da-dadalhin kita sa pagawaan ng chocolate. Papaturuan din kita sa chef namin kung paano gumawa ng mga desserts, at..."
Uwaaaah! Paggawaan ng Chocolate! Gagawa ng desserts! Grabe! Matagal ko ng gustong makita kung paano ba sila gumagawa ng chocolate. Konti lang din ang mga alam ko pagdating sa mg desserts. I'M SO LOOKING FORWARD TO IT!!
"Shinrei! Oy, Shinrei! Shinreeeiii."
Nung bumalik ako sa katinuan, nakita ko ang mukha ni Ceian na napakalapit na naman sa akin. Kaya...
BINABASA MO ANG
Stupid Transferee
Ficção AdolescenteWhat will happen if a lazy and anti-social girl meets the very hyper transferee student who is the third son of the owner of the school?