Dedicate to : @pureblss thank you po sa pag gawa ng cover ^_^
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Shenna's Pov
Hello po ako nga po pala si Shenna. 25 years old. Galing akong probinsiya. Magtatrabaho ako sa Makati. So kailangan kung maghanap ng bahay para naman malapit lang doon sa pagtatrabahuan ko. So nagtanong tanong ako sa mga kaibigan ko kung may alam sila.
"Kim may alam ka bang pwedeng tirhan sa Makati?" tanong ko kay Kim
"Aba'y madami. Pero parang ang layo ata ng dadayuhin mo para magtrabaho?" pagyayabang ni Kim at tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Eh kasi nga Kim malapit lang doon yung pagtatrabahuan ko. Kaya nga nagtatanong ako sayo kung meron kang alam eh" sambit ko sakanya.
"Ah kaya naman pala. Text na lang kita ha? Pag may nakita na ko na pwedeng tumulong sayo." sagot ni Kim sa sinabi ko
"Sure basta agahan mo ang pag-iinform sakin ha? Kasi by Sunday eh kailangan ko na ng bahay kasi sa Lunes eh mag start na ko mag trabaho" pag eexplain ko kay Kim
"Sige alis na ko ha?" pagpapaalam niya sakin
"Sige ingat ka ha?" pag-aalalang tanong ko
"Sure" sagot niya
Habang tinitignan ko siyang paalis. Pumasok na ko sa bahay namin para makapagpahinga. Napagod kasi ako naglinis ng bahay eh. Teka teka nasan na ba si Nanay ng makausap ko. Hindi ko pa kasi siya nakakausap sa bagay na paglilipatan ko sa Makati. Ayaw niya kasi akong malayo sa kanya. Eh ano magagawa ko kailangan eh -.- Pinuntahan ko siya sa kusina kasi nakita ko siyang nagluluto.
"Nay" sambit ko
"Ano yun? May problema ba anak?" tanong niya habang nagluluto
"May sasabihin po sana ako sa inyo. Pero wag po sana kayong magagalit ha?" sabi ko sa nanay ko habang hindi makatingin sa kanya
"Sige anak ano yun?" sabi niya sa sinabi ko na busy pa rin sa pagluluto
"Kasi nay naghanap na ko ng tutulong sakin para makahanap ng bahay sa Makati. Magtatrabaho na po kasi ako by Monday tapos sa Sunday lilipat na ko" pag eexplain ko sa tanong niya habang hindi pa rin makatingin sa kanya
"Ano? !!! Diba sinabi ko na sayo na ayaw kong nalalayo ka sakin? Baka ano pang mangyari sa iyo. Bakit hindi ka na lang humanap ng trabaho dito sa probinsiya?" galit na sagot niya sa explanation ko.
BINABASA MO ANG
Mysterious Apartle (Complete)
HorrorHello po ^_^. Gumawa na naman po ako ng Story kahit hindi pa tapos ang dalawa hahaha xD. Maikli lang naman po ito so sana magustuhan niyo. Kakaiba ito sa mga nagawa ko. Bakit kakaiba? Malalaman niyo po hihi <3 Pag binasa niyo haha thanks ^_^ PLAGIAR...