CHAPTER 5: MGA NAGPAPARAMDAM

2.3K 61 4
                                    

Shenna's Pov

Bago ako matulog naligo muna ko para naman ma preskuhan ang pakiramdam ko. Kasi ang bigat ng pakiramdam ko eh dahil siguro sa pagod sa biyahe kaya naman pumunta na ako sa banyo para makaligo. 

Habang naliligo ako may naririnig akong boses ewan ko ba kung saan nang-gagaling kaya inisip ko na lang na sa kapitbahay baka nanunuod sila ng TV. Ou tama ayon na lang iisipin ko kesa naman takutin ko sarili ko hello? Ako lang kaya mag-isa sa bahay baka atakihin ako sa puso kung tatakutin ko pa sarili ko. Mga ilang minuto lang eh natapos na ko maligo. Sympre magpupunas muna ng katawan bago magbihis pero bago ako makapagbihis narinig ko na naman ang ingay.

Nagbihis na ako agad-agad para makalabas na ng kwarto. Kasi hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman saan nang-gagaling yung ingay. Same pa rin ng narinig ko kanina habang naliligo ako. At ngayong nasa labas na ko ng kwarto ko wala naman ako naririnig. Siguro guni-guni ko lang yun makapasok na nga sa kwarto.

Siguro mga ilang minuto lang pagkapasok ko ng kwarto ayon na naman narinig ko na naman ang ingay boses babae eh kaya naman lumabas ulit ako ngayon hindi lang sa kwarto pati na rin sa labas ng bahay siguro kung tatanungin niyo ko kung anong oras na? Mga 10pm na ng gabi. Lakas ng trip kung sino man ang nag-iingay na yun. Wala naman ako nakita sa labas. Haist minsan pang may narinig ako sisigaw talaga ako. Tsk.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng humangin ng malakas tumayo mga balahibo ko sa kamay pati ata sa paa ewan ko ba kung bakit. Kaya naman dali-dali akong pumasok at diretso sa kwarto. Tinext ko si Kim para naman hindi ako gaano matakot.

TEXT FROM ME:

Kim? Gising ka pa ba?

Siguro naghintay ako ng mga 10 minutes bago ako replyan ni Kim. Sympre hanggat di niya ko nirereplyan nililibang ko sarili ko nag-seselfie ako. Ou mahilig ako mag-selfie lalo na't boring ako. Eto na pala nagtext na siya haha :D

REPLY FROM KIM:

Kanina hindi pero ngayon ou nagising ako sa text mo hindi ko kasi sinilent eh kasi may hinihintay din akong text from my boss tomorrow. Bakit ba bigla kang nagtext?

TEXT FROM ME:

Ay sorry kung naistorbo ko yung pagtulog mo at sorry kung nabulabog kita pero gusto lang sana kita makatext pwede naman tawag kung gusto mo tumawag hehe :D.

REPLY FROM KIM:

Ayos lang yun. Naku text na lang kasi yung boses ko hindi na ganun ka okay dahil nga diba? Nagising ako. Ano pag-uusapan natin Shenna? Dis oras na rin kasi ng gabi eh.

TEXT FROM ME:

Talaga? Ang baet mo talaga Kim. Pag-uusapan natin? Kahit ano. Siguro ito na lang lovelife mo?

Mysterious Apartle (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon