Kim Pov
Buti na lang naintindihan ako ni Shenna kung bakit ako matagal magtext. Kasi naman naghagilap talaga ako para magkaload. Hay kung alam niya lang kung paano ako naghanap. Hmm. Kasi parang may sumusunod sa akin na kung ano habang naglalakad sa daan papuntang tindahan kung saan merong nagloload. Kwento ko ba? Sige.
*FLASHBACK*
Habang naglalakad ako waring may sumusunod sa akin. Pero kapag tumitingin ako sa paligid wala naman. Kaya nagtataka ako kung bakit parang may nararamdaman ako na may sumusunod sakin.
Una baliwala ko lang siya dahil hindi naman ako natatakot eh. Alam ko hindi na uso yung multong-multo na sinasabi ng ilan. Pero napatunayan ko na totoo pala. Bakit? Kasi ako mismo nakakita. Tumaas nga yung balahibo ko nung nakita ko yung babaeng nakaputi. White Lady ata ang tawag doon.
Sa sobrang takot eh tumakbo ako ng mabilis na mabilis. Nagtataka yung mga taong nakakakita sakin. Kasi wala naman sila nakikitang humahabol sakin kaya naman may nagtanong saking babae nung napahinto ako sa sobrang hingal.
"Hey Mister anong problema mo?" - pagtatakang tanong ng isang babae sa akin
"Ah eh 0___________________0 teka miss. Hihinga lang ako. Inhale Exhale." - paghihingal kong sabi sa kanya kasi naman hingal na hingal na ko kakatakbo eh. Kaya naman inhale exhale ako para naman makapagpahinga ng konti.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo? Bakit ka tumatakbo? At hingal na hingal ka?" - tanong niya sakin ng sunud-sunod parang armalight. Haha ganyan na lang ang spelling di ko alam eh :P
"Wala ka bang nakikitang sumusunod sakin?" - tanong ko sa kanya na hingal na hingal pa rin
"Wala eh kasi magtatanong ba ko sayo kung meron diba? Hmm." - pambabasag na sagot niya sa tanong ko. Wow ha? Lakas mambasag haha :D
"Ou nga naman. Nevermind na lang miss. Sige alis na ko" - sabi ko sa kanya tapos sabay alis.
*END OF FLASHBACK*
Oh diba? Nakakatakot yun? Ikaw kaya yung makakita ng White Lady habang naglalakad ka sa daan? Anong gagawin mo? Hindi ako bakla for your information natakot lang talaga ako. Hindi ko talaga maimagine na makakakita ako ng ganun.
Makapag-twitter na nga lang ayoko na maisip pa iyon dahil sa tuwing naaalala ko iyon natatakot ako. Hindi na ko makatulog ng ilang gabi dahil sa nangyaring iyon. Baka sa panaginip eh dumalaw siya sakin. Naiisip ko nga baka may meaning yun or humihingi ng tulong? Kung bakit nagpakita sakin yun. Hay anyways ayoko muna isipin yun. Makapag-log-in na nga lang sa twitter.
BINABASA MO ANG
Mysterious Apartle (Complete)
HorrorHello po ^_^. Gumawa na naman po ako ng Story kahit hindi pa tapos ang dalawa hahaha xD. Maikli lang naman po ito so sana magustuhan niyo. Kakaiba ito sa mga nagawa ko. Bakit kakaiba? Malalaman niyo po hihi <3 Pag binasa niyo haha thanks ^_^ PLAGIAR...