Nag uusap kami ni Trisha habang papasok kami sa Hall, pinapakita niya sa akin yung mga selfie photos nila ni Brenan, nang may sumisigaw na lalaki sa harap ng pintuan.
"Bakit ang tagal mo?"
Napalingon ako bigla, at laking gulat ko nalang. Jezzzz,! si Marcus, nakatayo siya sa harap ng pinto ng Hall, at naka sunglasses pa! Abay matindi! Para lang syang security guard ng school! Kaya napalingon kami ni Trisha sa Kaliwa, Kanan at sa likod, nagtataka kung sino ba ang sinigawan nang mukong natu! wala namang ibang tao sa likod namin nor sa gilid! Sino kaya ang kausap nya? Nababaliw na yata tung taong to!
"Besh, ikaw siguro ang tinutukoy ni Marcus, pabulong na sabi ni Trisha."
"Ba't naman ako besh, di naman kami close. Baka baliw yang lalaki na yan"
Trisha: " ays! Di siguro tayo yun, baka may ibang kausap sa luob"
Ayier: "Siguro besh, wala akung pakialam sa kanya!. Tayo na!Kaya binilisan nalang namin ang paglalakad para makapasok na kami at maka upo na! 10minutes din yung nilakad namin from Building 3 to School Hall.
Habang papalapit na kami sa pintuan, dahan-dahang tinanggal ni Marcus ang sunglasses nya at naka titig sa akin.
Ito namang beshie ko, kinilig!
"Beeesh,.ang gwapo... habang kinukurot ang tagiliran ko."Agaay!. Umayos ka nga besh."
"Ang gwapo talaga eh!
Ays! papansin lang yang palakang yan!
Yumuyuko aku habang naglalakad ng mabilis papasok sa hall, Hila-hila si Trisha na naka tulalang nakatitig kai Marcus.
Marcus: Hey! Hey! Wait..
Di ko talaga sya pinansin, bahala sya sa buhay nya. Papansin.
Hays, nakaupo rin! Ang sakit-sakit nang mga paa ko!, ouchie! Napa sabak ako sa alay lakad ngayung umaga huh! Mmm.
Buti nalang may silyang walang naka upo sa harap ko, kaya pinatung ko yung mga paa ko sa silya. Hays! Salamat nakapag relax din yung mga paa ko!
Hindi pa dumadating yung teacher namin, kaya nagdrawdrawing na naman ako nang kung ano-ano habang nag hihintay, si Trisha naman, nakatulog. Gigisingin ko nalang tung babae'ng to pag dumating na ang teacher namin, puyat siguro to! Ang aga kasi gumising kanina dahil sa excitement.
Habang ginagalaw ko yung mga paa ko na naka patung sa silya, habang nag drawdrawing, parang inaantok ako! "Yawning"hays, dahang-dahang pumipikit ang mga mata ko!.
At laking gulat ko nalang!
Boooom! Booom! Booom!
Ang bwesit na Marcus, nag dadrum!at naka tingin pa sa akin. Rrrrrrrrrrr! Halatang nang-aasar!!
Nakakainis talaga tung lalaking to! Ays! Yan tuloy, nagising si Trisha!.
"Anong nangyayari besh?"
"Wala beshie, may nagpa-papansin lang"
" Sino?"
" Wala nga, tulog kana ulit."
" Ays! Ayaw ko na matulog besh, ang ingay-ingay kasi.
Grabe! Ang ingay-ingay na sa Hall, para silang nanunuod ng concert, kasi Si Brenan, Jack , Anton at Marcus nasa stage na, nag tutugtugan! Yung mga babae naman panay sigaw!! Wow huh? Feeling artista tung Apat na to!, Yung beshie ko nawala na sa tabi ko, Ayun pumunta na sa harap at nagsisigaw! Hay naku!
Ako lang yata ang di nag eenjoy! Yung mga mata ni Marcus sa akin lang naka tingin! Ays!
Nasan na ba kasi yung teacher namin, para matigil natung kabaliwan ng mga mukong natu!
BINABASA MO ANG
Mahal Ko O mahal Ako
RomanceYour True Friend Vs Your True Love who you would choose? Kaya mo bang ewan ang kaibigan mo para sa taong mahal mo? Kaya mo bang kalimutan at iwanan ang mahal mo para sa kaibigan mo? Kailangan bang mamili? Kailangan bang masaktan? Kailangan bang may...