Broken 14 Part 1: Dance
Sarah's Point of View
I just close my eyes and let the raindrops fell on my face. He knew all along. All this time parang pinaglalaruan lang niya ako
Kaya siguro pinaparinig niya lagi para hindi na ako magulat kung sasabihin man niya na may kabit siya at magpapasign siya ng annulment papers. Kaya siguro pinadama niya saakin yung konting oras na saya para naman hindi ako magmumukhang kawawa kapag sasabihin na niya. Pero kasi kahit anong iyak ko pa, anong isip ko pa, anong pagpigil ko pa, anong asa ko pa, at kahit anong kahit pa, wala na talaga at mahal ko pa rin siya
Minsan napapaisip ako na sa mga pinapanuod at napanuod ko nang mga pelikula na lagi nilang pinaglalaban at nakikipagpatayan pa sila kapag inaagaw sakanila yung mister nila pero ako, hindi ko kaya. Nakakatawa lang kasi kahit anong deny ko sa sarili ko, duwag pala ako at tanga.
Hindi pala ganun kadali na kagaya sa pelikula na isang pagmamakaawa lang at iyak lang, babalik na ang lahat. Na isang araw lang na magkasama kayo tapos ansaya saya niyo ay babalik na ulit yung spark, hindi pala ganun
"Balik na tayo, ang lakas na ng ulan" he said pero parang hindi ko narinig ko, na para bang may gusto akong sabihin kaya hindi ko siya binigyan ng gusto niyang sagot pero ayokong tanungin siya, ayokong mas ipahiya ko pa ang sarili ko
"Mauna kana. Susunod ako" mahina kong sabi
"No. Tara na sa loob" sabi niya and he shrug me kaya napabukas ako sa mga mata ko and look at him, pleading...
"Please" I said kaya napatango nalang siya. Maybe nasense niya, maybe naiinip na siya kaya tumango nalang, maybe iniisip niyang pabebe ako, or maybe ayaw niya sa mga taong pinipilit
Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo siya at dumaan sa taas ng ulo. Pagkaalis niya, napapikit nalang ako. Tinitiis yung sakit at pinipilit na wag umiyak. Lagi nalang akong umiiyak, lagi ko nalang ginagawang tanga ang sarili ko, lagi ko nalang pinapamukha sakanya na mahina ako, lagi ko nalang pinapakita na andali dali kong iwanan, at lagi ko nalang pinapamukha sa sarili ko na kahit anong gawin niya mahal ko pa rin siya
Nagstay nalang ako doon mga ilang minuto at umalis nalang rin. Baka magkasakit pa ako kakaemote ko doon tsaka malapit na rin kami uuwi, ayokong magkasakit habang nagbya-byahe
Habang pabalik doon sa rest house rinig na rinig ko yung banda na kumakanta. Maybe time na ng mga guest na sumayaw. Gusto ko sanang pumunta kaso ano naman gagawin ko doon? mainggit sa mga may kapartner sumayaw?
Kaya naman napagdesisyonan ko nalang talaga na bumalik nalang sa kwarto namin at magpahinga. Nakakapagod na rin kasi
Nung nakarating na 'ko sa kwarto ang una ko talagang ginawa ay maligo ulit at magpalit ng pantulog kaso nga lang pahiga pa ko eh bigla biglang bumukas yung pintuan at nakita ko kaagad yung mukha nina Trexie at Ate Jillian na nakataas ang kilay. Ano nanaman kaya ang problema ng dalawang to..
"At anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nakataray na tanung ni Trexie saakin
"Halata naman sigurong nakapantulog na ako ano?" pilosopo ko nalang na sagot tas biglang natawa siya. Nangyayare?
"Ansarap pakinggan ulit ang ganyang klaseng sagot na galing sayo Sarah" Sabi naman ni ate kaya natawa nalang rin ako. Oo nga nuh? medyo natigilan ako sa mga ganitong linyahan kasi hindi katangian ng isang asawa yung ganun base sa nabasa ko sa isang libro
"Tara na nga! Magbihis kana! Magkakantahan pa tayo mamaya nuh!" Excited naman na sabi ni Trexie at hinila-hila pa nila ako patayo. Natawa nalang ako habang patayo at agad agad kumuha ng isang simple na blue dress at flats