Broken 18: A day before christmas eve

1.6K 87 38
                                    

It's been 2 years since that day. Wala akong narinig na balita sakanya or kahit kanino. Even my friends who learned about the annulment hindi nalang nagkwento kung asan na siya. When his parents learned about this annulment they badmouted him over the phone call pero hindi nalang nila sinabi sakin kung saan siya or anong nangyare sakanya. His family still treats me as part of them and every 23rd of december pumupunta ako doon para mag visit and to greet them a happy christmas. Syempre, nagtatanong ako kay Jillian kung andoon ba kapatid niya para naman hindi ko siya makita.

I know na 2 years ago ang tanga ko lang para hayaan siya na gawin saakin yun, pero nagmahal lang kasi ako. I can say now na I am somehow moved on, but not totally healed. May times pa rin na umiiyak ako pero yung mga iniiyakan ko na ay yung mga good memories ko with him.

About the house, umalis na ako doon. I am now renting an apartment and now working as a finance employee sa isang company.

Speaking about house, bukas pupunta na ako doon kina tita Marie but Jillian is not answering her phone. Kanina pa ako tumatawag sakanya but hindi niya sinasagot, baka busy lang siya kay Josh? or baka busy sila for the preparation for christmas diba?

Sumuko na ako kakatawag kay Jillian at tumitig nalang sa kisame and started thinking kung ano paba need ko para bukas. Kasi meron na akong gift for josh, nakaready na rin yung cake, natapos ko na din eprepare yung susuotin ko para bukas. 

Ano na ang gagawin ko ngayon? I look at the clock at alas tres pa pala ng hapon. 

Pumunta kaya ako ng mall para tumingin? baka malaman ko pa ano yung kulang ko pa para bukas.

Kaya tumayo ako kaagad at nagbihis para pumunta ng mall. Hindi naman kalayuan ang mall dito sa apartment na iniistayhan ko since pinili ko talaga na malapit lang sa city.

Nung tapos na ako magbihis kaagad ako bumaba at sumakay ng jeep. Tumingin ako sa labas at ang daming tao ngayon na naghahanap ng masasakyan, ganito talaga kapag palapit na ang pasko 'nu? Tumingin ako sa tao sa loob ng jeep at karamihan nandito may mga anak, magkapamilya. Hindi naman sa naiinggit ako kasi naranasan ko naman magpasko kasama parents ko nung buhay pa sila pero yung feeling na walang nagaantay sayo sa bahay pagkauwi mo lalo na't pasko ngayon, nakakalungkot lang.

Inalis ko nalang sa isipan ko ang pagiging madrama, positive vibes lang kasi pasko. Pwede naman ako makistay kila tita marie or sa mga friends ko, or kay Trexie since nag iisa din yun.

Mga ilang minuto pa lumipas nakarating na ako sa mall, pagkapasok ko palang ramdam ko na agad yung pasko. Ang daming tao grabe, buti talaga nakabili na ako para sa ihahanda ko sa pasko kundi mahihirapan ako sa supermarket, mahahaba yung linya ngayon. 

Tumungo ako kaagad doon sa department store para magtingin tingin kaso inikot ko nalang buong store, wala akong mahanap eh hindi ko rin naman alam ano hinahanap ko. Kaya lumabas nalang ako at tumingin tingin nalang sa mga botique baka dito may mahanap ako. 

Napadaan ako sa mga masisikat na brands pero puro naman damit, sakto pa naman mga damit ko kaya hindi na ako bibili ng bago. Napadaan din ako sa mga sandals pero okay pa naman sandals ko. Nung napadaan ako sa isang salon napahinto ako, napahawak ako sa buhok at napaisip na, magpagupit kaya ako?

Bago pa nagbago isip ko, pumasok na ako at pumila. 

Hmm, ano kayang maganda?

Mahigit 2 hours akong nag antay para sa turn ko at nung ako na, napaisipan ko na magpa short hair nalang, yung shoulder length tapos magpa color ng light brown para magmukhang brunnet. 

So I gave my instruction sa naghandle sakin and for almost 3 hours, tapos na ako. Tumingin ako sa salamin and smile, nakita kong ngumiti yung babae sakin sabay sabi ng, "Bagay sayo ma'am"

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon