Broken12: defeated
Sarah's Point of View
"Goodmorning.." Napahinto ako sa pagpasok dahil sa boses na yun pero kaagad naman nakabawi at pumasok na ako ng tuluyan at ngumiti sakanya na nakahiga pa at nakakumot
"Morning.." Bati ko sakanya at ngumiti ng tipid at naglakad papunta sa kama tapos umupo habang siya naman nakahiga lang at unti-unti akong hinihila pahiga
"Wag ka ngang anu.." Sabi ko sakanya na may pabirong tono at tumawa lang siya kaya tumawa nalang rin ako ng mahina. Sana ganun nalang kami lagi, Sana ganun nalang kadaling magpanggap na natatawa para hindi niya mahalata
"You woke up early, I guess you did had a good night sleep huh" not really, wala nga akong tulog eh. Is what I wanted to say pero hindi ko ginawa at hindi ko gu-gustuhing gawin. I don't want to spoil this moment, minsan nalang 'to nangyayare at alam kong hindi na 'to mauulit pa, sasayangin ko pa ba? No way...
"'Nga eh. Nakita ko pa nga ang mga tao dun sa may beach na nagse-set up para sa weeding" Kwento ko naman sakanya ang he look as if he really listening to me which really makes me happy. Kahit konting oras pa na ganito, masaya na ako
"Uhh hmm.." Sabi niya at umupo sa kama and he slightly pull me towards him at niyakap. Everytime he's doing this hindi ko mapigilang kiligin at mapangiti. Does he felt that way too? I guess, no..
"Then, I helped them. I arranged the chairs and put a flowers on the blocks. Ang ganda nga eh, gusto ko tuloy magpakasal tayo ulit" I told him habang nakangiti at nakatitig doon sa harapan without knowing his reaction behind me. I know I just gave him a hint but the way I delivered it, parang nagbibiro lang
"Silly. 'Di yun pwede" sabi naman niya ang gave me a nervous laugh kaya tumawa na lang rin ako. Hindi muna ako nagsalita at hindi nalang rin siya nagsalita kaya ang tahimik tuloy tsaka kung magsasalita man ako, ano naman ang sasabihin ko?
"What time is the weeding?" Narinig kong tanung niya
"3pm pa daw eh"
"And you'll be singing a song for them, right?"
"Uh huh. And a matter of fact, ang ganda ng kanta eh"
"Can you sing it for me now?"
"No. Hindi. Maghintay ka mamaya"
I heard a chuckle kaya tumawa nalang rin ako ng konti at tumahimik na. Wala na akong maisip na pwedeng pagusapan kasi gusto ko lang na ganito kami, na kahit ngayong araw lang masolo ko muna siya, kahit ngayong araw lang akin muna siya. Ang selfish ba? Ok lang naman siguro, last na rin naman kasi eh. Alam kong wala nang ganito bukas kaya ok lang maging selfish, tutal binigay ko naman lahat lahat sakanya kaya ok lang sigurong maging selfish kahit isang araw lang
"Malapit na ang 2nd anniversary nating mag-asawa, anung ganap natin?" I ask kahit na parang may gustong kumawala sa lalamunan ko. Wala pa akong natatanggap na sagot sakanya pero alam kong hindi siya tulog kasi nilalaro ng daliri niya ang mga daliri ko
"I don't know" sagot niya at tumango tango naman ako
"Ganun? Andaya mo naman, pero ok lang kasi ako, madami akong plano" sana
"Uh huh? And what are those?"
"Gusto kong magpicnic tayo dun sa province niyo tapos gusto ko ring magkunyare tayong hinaharana mo ko doon sa bahay ng lola mo at magsu-suot tayo ng makaluma na damit. Pwede ring sa baguio at magfood trip tayo doon. Pwede ring magstay lang tayo sa bahay at magce-celebrate g bonggang-bongga, tsaka pwede ring dun nalang sa enchanted kingdom tas magpapaset ako ng fireworks para sayo, or kahit ano.. basta.." I pause when a tears rolled down my eyes pero kaagad nagkunware na may tinuturo o dinodrawing sa hangin para hindi niya mapansin
"Basta kasama lang kita. Masayang masaya na ako dun" sabi ko at ramdam na randam ko na tumigas yung katawan niya and felt his uneasiness
"I.. May sasabihin--"
"Ay anu yun!" Dali-dali akong tumayo at nagkunwareng may nakita sa bintana but the truth is natakot ako sa maririnig ko. Natatakot ako sa sasabihin niya. Wag muna ngayon, hindi pa 'ko handa
"Ay sayang! Hindi mo nakita" sabi ko habang nakatalikod at sinasara yung bintana. Nanginginig yung kamay ko at tuhod ko but thank god hindi ako nape-pipi
"Yung anu?" Rinig kong pagkasabi niya at ilang segundo lumipas nakayakap na siya sa bewang ko habang nasa likuran ko siya. Tumawa naman ako ng konti nung nagswe-sway kami
"Walang music e" sabi ko lang habang nakapikit na yung mga mata
"'Di kumanta ka, sintunado ako eh" sabi niya at may tawa pa na mahina
"Sige.. Hmmm" pagiisip ko tapos ngumiti naman ako. I intertwined our fingers habang nagswe-sway pa rin kami
"I may burn out like a candle and I may pass away. I may fall just like a shooting star, my heart will stay. I'll be yours until forever, forever I'll be true. To the promise that I'd made, from the day that I found you" I felt his heaviness nung ipinatong niya yung ulo niya sa shoulders ko. Masaya na ako sa ganito, masaya na ako na ako lang ang nagmamahal basta hindi lang niya ako iiwan
"Forever you're in my heart, even if we're apart. I say forever I'll be yours, forever I'll love you. I say, forever I'll be yours, forever I love you. My love will never fade away, even if I die" narandaman kong humigpit yung pagyakap niya sakin at bumalik nanaman 'tong sakit na nararamdaman ko. Parang akong kumakayod papunta sa surface ng tubig para makahinga dahil nalulunod na ako. Mahina na rin yung paghinga ko, bakit ba kasi 'tong kantang 'to ang kinanta ko?
"I will love you until the end of the time, even without your smile" napapikit ako ulit and I saw it, his smiles na iba na ngayon. During our 1st year in a relationship, I really worshiped his smiles dahil ang gwapo niyang tignan pag nakangiti but now, asan na yun?
"So help me please, I beg you.." I pause a second
"To stay" huminto nako sa pagkanta pero nagswe-sway pa rin kami pero nahihirapan pa rin akong huminga. It's like every breath I take ay parang may karayum. It's like mauubusan ako ng hangin kaya hinahabol ko 'to. I know ang tanga ko at ang coward ko kasi hindi ko siya kayang ipaglaban, but does it measure how you love that person? Dapat ba lahat ng oras ipaglaban mo ang mahal mo? Especially when you already know na talo kana, eh lalaban kapa?
But I wanted to spill it again, so that I will know na may laban pa ba ako o hindi
So I breathe heavily and open my eyes pero hindi pa rin humihinto sa pagswe-sway. It's now or never
"I love you" I counted one to three bago ako pumikit and smile defeatedly..
It's ok Sarah.. Wala na talaga eh, umasa kapa
***
A/N: Sorry kung natagalan, hinati ko kasi ang part na 'to e kaya nalito ako kug ida-dagdag ba ung part na yun or hindi but in the end, hindi ko nalang dinagdag baka ma spoil.
So I dedicated this to you :* natuwa kasi ako sa comment mo :))
Comment.Share.Vote.AND REACT :))